CAPÍTULO DOS: Libro

1.2K 77 38
                                    

NAKA SIMANGOT ako habang ipinapakilala ni Don Pancho/ ama sa mga kalalakihang anak ng kaniyang amigo.

Pareho kami ni Ate Maria na ipinapakilala niya. Kung minsan ay ngumingiti nalang rin ako sa mga lalaki upang hindi sila mabastusan ngunit kadalasan ay sinusulyapan ko si Ate Maria na mukhang masaya.

Siguradong masaya siya dahil nagkita sila ni Gabriel at nagtama ang kanilang mga mata.

Nakakainis! Mukhang gusto kong sugurin si Kupido at hubaran siya ng diaper! Ako na nga 'tong nagboboluntaryong mapana tapos si ate Maria pa rin!

Ang scene na iyon ay ikukuwento saakin ni Ate Maria mamaya habang kinikilig. Hihintayin ko nalang ang part na iyon!

Kailangan kong pagtuunan ng atensyon ang susunod na scene.

Magkakaroon ng sayawan mamaya at maisasayaw ni Gabriel si Dieselle ngunit aatakihin nanaman ito sa puso.

Ngunit ngayon, walang sakit ang impostor ni Dieselle! Siguradong maiinlove ng tuluyan si Gabriel saakin habang sinasayaw ako!

" Amigo!" nabaling ang atensyon ko sa malakas na tawag ng isang Don sa isang matandang paparating!

May Begote, panot, malaki ang tiyan, mataba at matangkad ang hitsura ng Don!

"Ramon!" saad ni Don Pancho/ama sa Don na paparating.

Nanlaki ang mata ko ng mapagtantong iyon si Don Ramon Herrera! Ang Gobernadorcillo ng bayan at ama ni Gabriel myloves!

Napansin ko naman ang pagtitig ni Ate Maria kay Don Ramon dahilan upang mapairap ako at iwan siya.

Umakyat ako sa ikalawang palapag ng Mansyon kung saan naroon sila Victoria.

"ANO?!limang taon ka sa Espanya ngunit iyan lamang ang alam mo sakanilang bansa?! HA HA HA! kahit sinong gago ay nakakaalam niyan!"

Bumungad saakin ang mapangutya at mayabang na boses na iyon. Nangunot ang noo ko, boses palang ay masarap ng hampasin ng lamesa o di kaya sampalin ng babasaging plato.

Isang padreng mataba ang nagsabi niyon na sinabayan ng paghalakhak ng mga kasama niya.

"Teniente Aquino, sa tingin mo? Anong mapapala ng taong bayan sa tarantadong iyan?!" Tanong ng Padreng Mataba sa isang payat na matandang tinawag niyang Teniente. Kung hindi ako nagkakamali, ang ibig sabihin ng Tiniente ay lieutenant.

May apat na teniente ang hawak ng bawat Gobernadorcillo. Ang teniente Mayor(chief lieutenant), Teniente de policia(police lieutenant), Teniente de sementeras(lieutenant of the fields) at Teniente de Ganados. Kung iisipin ay panay matatanda ang mga Teniente.

Si Gabriel Herrera naman ay isang Colonel ng buong Pangasinan at kung papalarin ay maari na rin siyang magsanay sa pagiging heneral. Iyon rin ay kung papayag ang mga kalaban niyang basta nalang siyang umangat sa ganoon kabatang edad. Sa panahong ito, mas higit na nakakalamang ang mas maimpluwensya.

Humalakhak ang teniente dahilan upang mapatingin muli ako sakanila. Napatingin ang Teniente Aquino sa lalaking tinutukoy ng padreng dambuhala.

Duon ko lang napansin na ang kinukutya pala nila ay si Leonel.

Tahimik lamang na kumakain si Leonel at nakikihalakhak rin ng sarkastiko.

"Mabuti siyang kaibigan saaking anak padre" sagot ng Teniente.

Kung gayon, maaring isa sa mga kaibigan ni Leonel at Heronimo ang anak ng Tinienteng ito.

Napailing ako, wala sa nobela ang ganitong eksena kaya't 'di ko alam kung sino sila. Dapat ay wala akong pakialam ngunit aminin man o hindi, masarap talagang manood ng naguumpisang away.

Paghilom ng puso [IKALAWANG SERYE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon