CAPÍTULO SEIS: PROXIMO

918 58 60
                                    

NAGULAT ako nang hawakan ni Leonel ang kamay ko at hinila upang tumakbo. Puno ng barilan, sabog at tunog ng espada at mga patalim ang maririnig sa paligid.

"H'wag mo nang pagmasadan ang paligid!" Singhal saakin ni Leonel ngunit napatigil ako nang makita ang isang lalaki na pinagkakaisahan ngayon ng mga rebelde.

Nanigas ako sa kinatatayuan nang saksakin ng isang rebelde ang sundalong iyon, sa pagkakataong 'yon ay hindi na ako nag atubling tumakbo papalapit sakaniya. Agad kong sinangga ang aking sarili sa muling pag  wasiwas ng espada na siyang tatama dapat sa puso ni Gabriel Herrera.

"Dieselle!" narinig ko ang sigaw ni Leonel, nakatingin lang saakin ngayon si Gabriel na hindi makapaniwala sa nangyari, nakahawak siya sakaniyang braso kung saan umaagos ang dugo sa malalim niyang sugat.

Ramdam ko na ang pagdanak ng dugo saaking likuran na siyang sinaksak ng espada ngunit bago bumagsak ang talukap ng mga mata ko ay nasilayan ko pa si Leonel na siyang pumagitna sa pagitan namin at sa mga rebelde...

Kumakaway ang mga tao sa padating na kalesa, malugod nilang sinasalubong ang pagdating ng isang lalaki, malabo ang mukha niya. Sa 'di kalayuan ay naroon rin ang isang babae at nakatanaw sa kararating lang na siyang sinasalubong ng mga tao.

Ang babaeng nakatanaw sa malayo ay mukhang nabibilang rin sa alta sociedad.

"Kakaiba talaga ang pag salubong ng mga tao sa mga alta" wika ng isang ginoo na katabi ng babae. "Pangarap ko rin maging isang sundalo dati" dagdag niya pa. "Ngunit mahal ko ang Pilipinas, hindi ako makikibilang sa pamahalaang sakim na sunud-sunuran sa kastila"

Napatitig nalamang ang babae sa mukha ng katabing ginoo, isa rin naman itong señorito kung tutuusin, hindi nga lang 'sing yaman tulad ng karaniwan. "Ang importante, magkasama na tayo ngayon at hindi mo ako nalimutan" aniya, nababakas ang saya sa boses nito. Hindi sumagot ang ginoo.

"Nasaan ang iyong kapatid?" Wika niya dahilan upang mapatigil ang babae at mapaiwas ng tingin.

"Tara na sa kalesa" wika nito at naunang naglakad.

Umangkas na ang babae sa kalesa, gan'on rin ang ginoo, ngunit sa pagkakataong iyon ay biglang nahulog ang isang kwaderno na mula sa gamit ng lalaki.

Natigilan ang babae at napatingin sa lalaki na nagmamayari ng libro kung saan nakasulat roon ang pangalang 'Proximo'...

"BINIBINI" Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko nang marinig ang boses na iyon, malabo ang paningin ko nung una ngunit agad ko ring nakilala ang babaeng nasa harap ko.

"Seraphina" mahina kong saad at linibot ang paningin sa silid na hindi pamilar saakin.

"Señor! Gising na si Señorita!" Sigaw ni Seraphina dahilan upang marinig ko ang mga yabag ng kanilang paa.

Muli akong napatingin sa paligid, hindi ito ang silid ni Dieselle at mukhang wala ako sa mansyon ng Esperanza.

Naramdaman ko ang paghaplos ng malamig na palad sa noo ko. "Binibining Dieselle" dinig kong boses ni Heronimo.

Dahan-dahan kong ginalaw ang aking daliri at sininubukang kumuha ng pwersa upang umupo, hindi ko alam kung bakit parang  ang bigat ng  katawan ko.

Naramdaman kong inalalayan ako ni Victoria sa pag-upo. Hinilot ko ang sintido ko at sa pagkakataong iyon ay naalala kong sinangga ko nga pala ang sarili ko kay Gabriel.

Paghilom ng puso [IKALAWANG SERYE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon