CAPÍTULO VEINTE DOS: Huling misa

656 41 28
                                    

"MAGIINGAT kayo sa byahe, ha! Sa pagbisita namin dapat mayroon na kayong anim na supling!" Mangiyak-ngiyak na bilin ni Veronica kay Victoria at Heronimo na sinabayan nh mangiyak-ngiyak ring tawa nila Marco.

"H'wag niyo kaming kakalimutang imbitahin at gawing ninang ng magiging anak niyo!" Bilin ko rin at pinunasan ang luha, kahit papaano lubos rin akong mangungulila sakanila.

Bukas nang madaling araw ay ang byahe nila papuntang Maynila. Isang linggo matapos ang kanilang kasal ay minungkahi ni Heronimo ang mga plano nila sa buhay, wala siyang balak angkinin o pakinabangan ang yaman at negosyo ng pamilya nila. Nais daw nilang mamuhay sa sarili nilang pagsisikap nang sa gayon ay tunay nilang maramdman ang buhay ng mag asawa at sa darating na kanilang pamilya.

"Pag kayo ang bumisita rito, huwag niyong kalilimutan ang pasalubong" bilin rin ni Marco.

"Haynako, puro talaga kalokohan ang mga bilin niyo!" Singhal ni Victoria at inayos ang maleta.

"Hayaan mo sila, wala silang pasalubong pag bumisita tayo rito" tawa ni Heronimo kaya't napairap nalang kami.

"Ikaw, Leonel? Kailan ang eksamen mo sa Maynila?" Tanong ni Heronimo.

"Malayo- layo pa, sa susunod na taon" tawa niya na animo'y matagal pa siyang aalis ngunit sa katunayan ay huling buwan naman na ngayon.

"Basta sa unang linggo ng enero, makakakuha ako ng liham sa katapusan para sa siguradong petsa. Buti nalang at makakapag diwang pa ako ng bagong taon rito kahit papaano" paliwanag niya na sinabayan ng ngiti.

Napatingin kami kila Heronimo. Ika-24 ng Disyembre, taong 1871 ngayon kaya't halos lahat ng mga tao ay abala para sa gaganaping noche buena mamaya. Hindi na pala sila dito magbabagong taon.

"Huling eksamen mo na pala iyon, 'pag naka pasa ka. Doktor ka na rin!" Saad ni Heronimo.

"Doktor Villareal, magpakain ka 'pag ika'y naka pasa!" Kantiyaw ni Alejandro.

"Kapag hindi ka nagpakain, hindi kayo magkakatuluyan ni Dieselle!" Banta rin ni Alejandro kaya't sinamaan ko siya ng tingin.

Matapos ang mahabang asaran, kulitan at tawanan, sa wakas ay iniwan na rin nila kaming tatlo ni Veronica at Victoria. Ilang minuto rin kaming nag heart to heart talk na nakakaiyak bago kami mag paalam ni Veronica na uuwi.

Pag dating namin sa sala ay naroon pa rin sila Leonel. Bumungad saamin ni Veronica ang malakas at mapang asar na tawa ni Alejandro habang sinasapak-sapak ng pabiro si Leonel.

"Ehem, mahal kong binibini!" Pang aasar rin ni Marco gamit ang malalim na boses at hinablot ang papel na pinagpapasahan nila.

"Ano 'yan?" Tanong ni Veronica dahilan upang gulat silang mapatingin saamin. Si Heronimo naman ngayon ay tumawa, "Nandiyan na ang mga binibini niyo" tawa niya.

Agad nag patay malisya ang tatlo. "Aalis na ba tayo?" Pag iiba ng usapan ni Leonel at sinapak nang pasimple si Alejandro na panay ang kantiyaw.

Sabay- sabay kaming umalis sa tahanan nila Heronimo. Puno ng palamuti at lamparang iba't- iba ang kulay ng bayan. Marami ring mga tao sa pamilihan at karamihan sa mga nasa labas ngayon ay mga kauuwi lamang galing sa ibang lugar o ibang bansa.

"Dadalo ka mamaya sa misa?" Tanong ni Leonel. Huling araw ng misang habi mamaya.

"Hindi ko nadaluhan ng tuloy-tuloy ang misa ngunit nais ko pa ring sumama" tugon ko sabay ngiti.

"Kung gayon ay mag kita nalamang tayo bukas" ngiti niya at huminto. Nasa tapat na kami ng mansyon ng Esperanza.

"Maligayang pasko, mahal ko" ngiti niya at hinawakan ang mahkabilaan kong kamay saka ako hinalikan sa noo. "Mahal kita" aniya bago humiwalay saakin.

Paghilom ng puso [IKALAWANG SERYE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon