CAPÍTULO DIESISIETE: Ang tinitibok ng puso

657 52 45
                                    

KINABUKASAN, sindadya kong magising ng umaga. Nangako kasi si ate Maria na isasama niya ako sa bukid na pagmamay ari ng pamilya namin, papanoorin raw namin ang mga trabahador na mag ani ng palay.

Naexcite talaga ako dahil isa sa mga pinaka magandang scenes na nababasa ko hisfic novels ay tungkol sa magaganda, malalago at fresh na mga halaman sa panahong ito. Mula sa unang araw na naka pasok ako rito, feeling ko hindi ko pa na-enjoy ang presensya sa panahon o sa librong ito. Puro kasi sakit sa ulo.

Kasalukuyan na kaming naglalakad sa bukid, panay ang bati ng mga trabahador ni ama. Masayang masaya sila dahil mukhang madami silang ma-aani, ibig sabihin, marami silang masasahod. Ang bango ng mga palay, hindi rin masyadong tirik ang araw kaya't hindi mainit.

"Señorita" tawag ng lalaki sa'king likuran.

Nanatili lang ang paningin ko sa lawak ng bukid. Magkatabi kami ni Ate Maria at siguradong siya ang tatawagin nila dahil siya ang mas nakakaalam ng mga kung ano-ano rito.

Siya lang rin ang mas kilala at pinupuri dahil hindi pa rin naalis sa isip ng iba na isang kamalasan si Dieselle na pinarusahan ng mga diwata at engkanto.

Natinag ako nang sikuhin ako ni ate Maria. "Tawag ka ng ginoong nasa iyong likuran" wika niya.

"Señorita" tawag pa nito nang mas mahina kaya't hindi ko masyadong narinig ang kaniyang boses.

Inis akong lumingon ngunit nanatiling maamo ang aking mukha, baka lalo akong ibash na isa akong malas na nilalang.

"Bakit—" natigilan ako, animo'y natuyuan ang aking lalamunan nang mapag tanto kung sino ang lalaking naka kamisetang puti, kayumangging pantalon na pang bukid at sumbrerong buri!

"Napakaganda mo talaga, señoritaa Jezel" ngiti niya at nagbigay galang. "Magandang umaga" dagdag niya at nagbigay galang  habang nakatitig saaking mata dahilan upang lalo akong hindi maka kilos.

"Ah, ako'y may aasikasuhin pa pala roon. Ikaw na bahala kay Dieselle!" Dali-daling saad ni ate Maria habang nakangisi kay Leonel.

Napanga-nga nalamang ako habang sinundan ng tingin si Ate Maria na umalis!

Nanumbalik ang tingin ko kay Leonel na abot tainga ang ngiti saakin!

"A-Ayos ka na?" Tanong ko at napalunok ng dalawang beses.

"Mukha bang hindi? Ang lakas ko kaya, tignan mo ang matipuno kong braso. Kita mo 'yan? Mayron rin sa tiyan ngunit hindi pa masyadong buo. Huwag ka mag alala sisikapin kong magkaroon ng matipunong pangangatawan upang may hawak-hawakan ka" wika niya habang yinayabang 'yung muscles niya sa braso, mukha namang siyang logo ng mang Tomas!

Napapikit nalang ako sa inis dahil ako pa ang nagmukhang humihingi ng pagnanasasahan! Bold ba 'to?

"Hindi ko naman 'yan kailangan!" Singhal ko at umirap.

"Ang sungit mo naman, binibini" aniya at lumapit saakin ng bahagya.

"Lumayo ka sa'kin kamukha mo 'yung Mang Tomas" giit ko ngunit nais ko lang siyang asarin.

"Huh?" Tinignan niya ang kaniyang sarili.

"Mang Tomas!" Sigaw niya sa matandang nagtaratrabaho sa kabilang banda dahilan upang mahiya ako sa lakas ng boses niya!

"Magkamukha daw tayo—"

"Hoy! Gago, hindi 'yun!" Sigaw ko at tinakpan ang bibig niyang ang lakas, ang lalim pa man din ng boses niya kaya't parang galing sa hukay ang sumisigaw!

Tumawa lang siya at hinawakan ang kamay ko upang alisin sa bibig niya.

"Huwag ka ngang nagmumura" sermon niya saakin ng naka salubong ang kilay, halata namang nagkukunwari lang siyang galit.

Paghilom ng puso [IKALAWANG SERYE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon