Nanatiling nakatitig sa'kin si ina. Halos hindi ko na mabilang kung ilang beses akong lumunok dahil sa kaba.
Suminghap si ina at tumayo. "Inumin mo ang tsaang aking tinimpla para sa'yo" seryoso niyang saad dahilan upang mangunot ang pinagpapawisan kong noo.
Hindi ko rin maitatanggi ang kabog saaking puso, marahil ay maging ako ay natatakot. Hindi ako sigurado sa kahihinatnan ko sa loob ng nobelang ito, magiging matiwasay at maayos na ba ang lahat 'pag nagpakasal ako sakaniya?
"Matapos mong inumin iyan ay mahihimasmasan ka na at maari ka nang bumalik sa pagtulog" dagdag pa ni ina at binuksan niya ng kaunti ang bintana.
"Kailangan mong makalanghap ng sariwang hangin, isara mo nalamang ito bago ka matulog" aniya pa at tumingin saakin bago maglakad patungo sa pinto.
Bago pa siya tuluyang lumabas ay muli siyang tumingin saakin at naglabas ng malalim na buntong hininga, bagay na hindi ko mabasa kung bakit ganoon nalamang ang naging reaksyon niya.
Nais ko pa sanang magsalita, sinubukan kong ibuka ang aking labi ngunit wala akong masabi.Napabagsak nalamang ang aking balikat habang nakatitig sa naka awang na bintana. Marahil ay kailangan ko talagang sundin ang nasa kwento, kailangang kay ama ako humingi ng pabor, ngunit nahuhuli na ako sa daloy, kapag hinintay ko pa si ama, mauubos na ang oras ko.
Agad akong napatayo, kinuha ko ang lampara sa mesang nasa tabi ko. Naamoy ko ang usok ng tsaa, mukhang hindi ito mapait bagkus, nakakagaan ito ng pakiramdam. Amoy mint, kinuha ko muna iyon at uminom ng kaunti, kahit papaano naman ay nahimasmasan ang diwa ko. Nakapantulog ako kaya't magaan sa katawan at hindi ako nahihirapang kumilos.
Kinuha ko ang tsaa at nagtungo sa mesa kung saan madalas magsulat si Dieselle. Napatingin ako sa lamparang sumasayaw na ang apoy, ang kandila sa loob niya ay tila ba'y nauubos na. Napahinga ako ng malalim at kinuha iyon bago tumayo.
Dahan-dahan akong lumabas ng kuwarto, kung walang liwanag ng mga lampara sa bawat sulok ng Mansyon ay hindi mo rin makikita ang daan dahil sa dilim.
Marahan akong tumingkayad upang abutin ang lamparang nakasabit sa bandang kusina. Balak kong ipalit ng gasera ang hawak kong lampara na malapit na maubusan ng sindi. Hindi nga ako nabigo dahil kahit kinulang ako sa height ay naabot ko pa rin iyon.
Pabalik na sana ako sa aking kuwarto ng bigla akong may marinig na ingay, napatigil ako at linapag sa ibang direksyon ang lampara upang kung sakali ay walang makakita saakin na gising pa. Sa likod ng kusina ay labas na ng mansyon kung kaya't makikita at maririnig ko dito kung mayroon mang nasa labas.
"Rumonda kayo sa likod, umaaligid lamang iyon rito. Bantayan niyo ang patungo sa silid ng Don, huwag kayong magpapahalata kung maari" wika ng isang boses.
Narinig ko na ang mahihinang yabag ng ilang paa paalis. May iba pa silang bulungan ngunit hindi ko na narinig. Napahinga ako ng maluwag at kinuha muli ang lampara, dahan-dahan akong umakyat sa taas patungo sa'king kuwarto. Napatingin ako sa kuwarto ni Ate Maria, hindi ko maunawaan kung bakit nakaawang iyon, marahil ay nakalimutan niyang isara. Tumungo muna ako roon upang isara bago ulit maglakad.
Napabuga ako sa hangin nang makarating ako sa loob ng silid, ilang minuto rin akong nagpigil hininga sa labas sa takot na may makakita o makaramdam saaking gising pa.
Marahan kong sinara ang pinto ng walang bakas na ingay, hawak ko ang lampara at babalik na sana sa lamesa nang may humawak saaking braso. Hihiyaw sana ako ngunit agad nitong tinakpan ang aking bibig, napatitig nalamang ako sa bukas na bintana habang nabibingi ako sa sariling tibok ng puso na sadyang malakas dahil sa kaba.
"Jezel..." Wika nito dahilan upang matigilan ako, ang kaninang pagkuyom ng kamao ko ay para bang nanginig, animo'y ngayon ko lang nailabas ang tunay na pangamba saaking sarili.
BINABASA MO ANG
Paghilom ng puso [IKALAWANG SERYE]
Fiction Historique[Completed] Isang misyon ang nagdala saakin sa loob ng nobela, ang akda na may wakas na trahedya. Isang mundo sa loob ng kwento kung saan ako ang tatayo sa katauhan ng bida. Paano kung pagtapak ko sa mundong ito ay lumihis ang nakagisnang kapalaran...