CAPÍTULO SIETE: Makapangyarihan ang oras

862 60 28
                                    

"L-leonel..." Halos pabulong kong wika nang hindi inaalis ang tingin sakaniya.

Hindi ako mapalagay habang nakatitig sakaniya, "Jezel..." Ulit niya.

"Paano mo nalaman ang-"

"Jezel, magsabi ka ng totoo-"

"Paano mo nalaman ang pangalang Proximo?" Salubong ang kilay kong tanong.

"H-ha?"

"Narinig ko kanina, sinabi mo iyon bago mo sambitin ang pangalan ko" humakbamg ako nh isang beses palaput sakaniya habang kunot ang noong nakatingin sa kaniyang mga mata.

Kumunot rin ang noo niya at natahimik ng ilang segundo, mukhang nagiisip.

"Ah.. ha ha ha!" Tawa niya na siyang bumadag sa katahimikan. Napalingon siya sa mga libro. Mas lalong nangunot ang noo ko, wala akong naalala na may sinabi o sinulat akong Proximo sa loob ng librong ito.

"Binabasa ko ang iyong diksyonaryo ng espanyol at tagalog" paliwanag niya, lalong nangunot ang noo ko.

"Próximo ay ang Espanyol ng salitang 'sa susunod' " paliwanag niya dahilan upang sandaling maglaho ang kunot sa noo ko. Napatitig ako sa sahig, namamawis na ang mga kamay ko dahil sa kaba, mabuti nalamang at iyon pala ang ibig sabihin niya.

Kung gayon... Maari kayang isang salita lamang sa lenggwaheng Espanyol ang nakikita ko sa panaginip? Ang akala ko pa man din ay isang pangalan.

"Jezel" Halos lumundag ang puso ko ng hawakan niya ang aking kamay, dumagdag pa ang klaro niyang pag bigkas saaking pangalan.

"Malamig ang iyong kamay, ayos ka lamang ba?" Tanong niya. Hindi ako sumagot, ganito ang kamay ko kapag kinakabahan.

Gusto kong hawakan ang puso kong nawiwindang ngayon sa kaba, ngunit dahil hawak niya ang kamay ko ay mas minabuti ko nalamang na yumuko at maglabas ng mabibigat na buntong hininga.

"Hindi ko bibitawan ang iyong kamay kapag hindi ako napanatag sa'yong karamdaman" wika niya. Agad ko siyang tinignan sa mukha. "A-Ayos lang ako" wika ko at kusang inalis ang kamay sa pagkakahawak niya.

"Hindi ko sinasadyang makita ang kuwadernong binigay ko sa'yo, nakasulat ron ang pangalang 'Jezel Esperanza'. Wala naman na akong nabasa pa bukod roon. Paumanhin ngunit iyon ba ang tamang pag bigkas sa pangalan mo? Binibini?" Tanong niya sabay tingin sa kuwadernong nasa kama ko.

Napatingin rin ako ron bago umiling, "Trip ko lang 'yon isulat" sagot ko at agad inayos ang mga libro sa kama ko.

"Trip?"tanong niya pa ngunit 'di ko pinansin. Tumango-tango siya sa sarili.

"Kung sabagay, sa aking palagay ay mas bagay sayo ang Je-zel!" Wika niya pa sabay lakad papunta saakin. Nanatili naman akong kunwari ay nag aayos ng libro.

Para akong kinikilabutan sa presensya niya ngayon!

"Binibining Jezel," tawag niya dahilan upang dahan-dahan akong humarap sakaniya at pumeke ng ngiti.

"Umamin ka nga sa'kin" Seryoso niyang saad na siyang magpakunot saaking noo.

"Ano?!" Taas kilay kong tanong at napatingin sa pinto sa takot na may makarinig saakin.

Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa'kin na sinasabayan ko rin ng hakbang pa-urong! Balak niya ba akong i-corner?! P'wede namang sa library niya 'yon gawin, ah! Walang locker dito kaya baka p'wedeng sa cabinet nalang at hindi sa malapit sa kama, baka mamaya mapahinga pa ako at ano eh!

"Aminin mo sa'kin ang iyong pag-ibig-" agad akong napaayos ng tayo!

Hindi talaga ako maka-paniwala sa kakapalan niya!

Paghilom ng puso [IKALAWANG SERYE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon