"DITO ka lang ha, ihahatid nalamang kita sa inyo mamaya bago mag dapit hapon" wika niya habang nagbabasa ng libro na tungkol sa medisina yata.
Umiwas ako ng tingin at sumulyap sa bintana kung saan natatanaw ang malakas na ulan.
"Huwag ka mag alala, hindi tayo mababaha rito" tawa niya at tiniklop ang libro. Hindi siya tumingin saakin, naka focus ang atensyon niya ngayon sa isang papel na maraming sulat, maraming mga formula ang halo-halong naka sulat roon.
Kumuha ako ng libro sa tabi niya at nag basa nalamang. Hindi ko nais gambalahin ang matiwasay niyang pag aaral.
Minu-minuto ko yata siyang sinusulyapan. Mukha siyang nafufustrate sa inaaral niya. Naririnig ko pa ang mahihinang mura niya sa papel na kaharap. Ilang beses niya ring crinample ang mga scrap papers niya kaya't hindi ako maka concentrate sa binabasa ko.
Tumayo ako sa kama, napatingin siya saakin. "Saan ka pupunta?" Tanong niya.
"L-Lalabas lang. Kakain, hehe" tugon ko.
Tumango siya at ngumiti, "Hingi ka nalamang ng miryenda kay Alejandro. Pasensya na, kailangan ko lang talaga itong tapusin" saad niya at hinawakan ang kamay ko.
"Babawi ako mamaya, mabilis lang 'to" aniya at hinalikan ako sa kamay.
"Oo na, unahin mo muna 'yan. Aasarin ko lang si Marco at Alejandro sa labas" tawa ko.
"Pagbutihin mo ang iyong pag aaral" bilin ko habang nakangiti.
"Pagbutihin mo rin ang pang aasar" biro niya, nagatawanan pa kami bago ako lumabas mg kuwarto.
"Ehem"
"Ehem"
"EHEM!"
Nagsalubong ang kilay ko dahil panay ubo ang salubong nila saakin. Napagtanto ko rin agad na peke ang pag ubo-ubo nila.
"Anong ginawa niyo sa loob ng iisang silid nang halos dalawang oras?" Tanong ni Marco na nakataas ang kilay dahilan upang lalong magsalubong ang kilay ko.
"Wala" saad ko.
"Wala?! Imposible!" Sigaw niya at napahalukipkip.
"Wala nga! Alis nga! Alis!" Sigaw ko at tinulak tulak sya hanggang sa makarating ako sa mga pagkain, agad akong lumamon ng tatlong pandesal at uminom ng kape na nakahanda.
"Hoy, hoy, hoy! Tig iisang pandesal lang ang bawat isa rito-" napatigil at napanganga nalamang si Marco dahil huli na ang lahat dahil naka lamon na ako ng apat na pandesal.
Napapikit siya sa inis at inilibot ang tingin sa mga kasamahang masama ang tingin saakin.
"Isa lang ang para sa'yo diyan! Pasalamat ka nga pinaglaanan ka pa namin! Tapos.. tapos! Tapos KUMAIN KA NG APAT?!" sigaw pa ni Marco na 'di makapaniwala.
Napatulala nalang ako at dahan-dahang inubos ang kape, medyo nakakahiya nga.
Napatingin ako kay Heneral Agas nang tumawa siya, "Hindi naman iyon problema, may makakain pa rin ang mga kasamahan. Hali na kayo at pumila" wika niya at kinain ang pandesal niya.
Ang ending, parehong masasama ang tingin saakin nila Marco at Alejandro dahil sila ang hindi naka kain ng pandesal, kabilang rin si Leonel na nagpapatahan sa dalawa na ayos lang 'yon at pagpasensyahan nalang ako dahil gutom.
Pumagitna si Leonel kay Marco at Alejandro na masama pa rin ang tingin saakin.
"Pagpasensyahan niyo-" Hinawakan ni Leonel ang braso nilang dalawa ngunit sabay silang nagpumiglas at nabaling sakaniya ang masamang tingin at sabay silang lumayas sa magkabilang direksyon na parehong mainit ang ulo.
BINABASA MO ANG
Paghilom ng puso [IKALAWANG SERYE]
Ficción histórica[Completed] Isang misyon ang nagdala saakin sa loob ng nobela, ang akda na may wakas na trahedya. Isang mundo sa loob ng kwento kung saan ako ang tatayo sa katauhan ng bida. Paano kung pagtapak ko sa mundong ito ay lumihis ang nakagisnang kapalaran...