CAPÍTULO VEINTE NUEBE: PAGHILOM NG PUSO

627 42 16
                                    

PILIPINAS, 1857

MAALIWALAS ang kalangitan. Tirik na tirik ang araw sa tanghali ngunit hindi ito masakit sa balat. Nagtatakbuhan ang mga bata sa kalsada, naglalaro, nagtatawanan. Ang iba ay umiiyak dahil tinatawag na ng kanilang mga magulang.

"Dieselle! Dios ko! Kanina ka pa namin hinahanap! Anong ginagawa mo riyan? Nakababad ka pa sa araw! Paano kung ika'y biglang mahimatay ng hindi namin npapansin?" Natatarantang sambit ni Donya Belen sa anak na limang taong gulang palamang. Ilang beses niyang hinaplos ang mukha ng bata.

Walang emosyong nakatingin ang bata sa ina na ngayon ay halos mawindang habang sinusuri ang kalagayan niya. "Ayos ka lamang ba anak? Walang masakit?" Malumanay na tanong ni Donya Belen bagama't may nababakas na pag aalala sakaniyang boses.

Marahang tumango si Dieselle habang yakap-yakap ang manikang regalo sakaniya ng kaniyang ama noong siyang nagdiwang ng ika'tlong taong gulang.

"Halika na, oras na ng pag inom ng iyong gamot" wika ng ina at hinawakan siya sa kamay. Agad sumunod ang mga taga silbi sakanila na kanina lang ay halos lahat sila'y nanginginig ang tuhod sa pag aakalang nawala na ang kinaiingat-ingatan nilang munting señorita.

Tanging pag tango lamang ang tinugon ng batang Dieselle at nang lumakad silang muli papasok sa Mansyon ay hindi niya napigilang lumingon ulit sa mga batang naglalaro.

Hindi niya maipaliwanag kung anong klaseng emosyon ang nasa kaniyang puso dahil napakabata niya pa at hindi pa masyadong natutuklasan ang mga bagay. Nanlumo ang kaniyang mga mata, hindi niya alam na ang nararamdaman niya pala ay pagka inggit sa mga batang malayang nagagawa ang gusto at masayang nakikipag laro habang siya ay napapaligiran ng mamahaling mga bagay ngunit walang kalayaan sa sarili dahil sakaniyang sakit.

"Dieselle..." Wika ng ina. Masakit rin para kay Donya Belen na makita ang anak na naninibugho sa ibang mga bata.

"Anak, uuwi ang iyong ama mamaya. Mayroon kang laruan, gusto mo ba iyon?!" Buong galak na wika ni Donya Belen sa anak. Agad nagkaroon ang buhay sa mata ni Dieselle at nakangiting tumango sa ina.

"Opo!" Tuwang-tuwa niyang tugon, ang boses niya'y maliit ngunit malambing.

"O', kung kaya't kumain ka ng marami at uminom ng gamot upang mas malaki ang iyong surpresa, naintindihan mo?" Abot taingang ngiti ni Donya Belen. Nakatinging tumango ng dalawang beses si Dieselle.

Binihat siya ng ina paharap dahilan upang muli niyang matanaw ang mga bata sa labas. Bagama't muli siyang nakaramdam ng selos, inisip nalamang niya ang laruan na pasalubong sakaniya ng ama.

Ipipikit niya sana ang kaniyang mata nang mahagilap ng kaniyang paningin ang isang batang lalaki na nakatingin rin sakaniya. Nasa pitong taong gulang ang batang iyon, nakatayo siya sa gilid na animo'y hinihintay na siya na ang maglalaro.

"Huh?"kumunot ang noo ni Dieselle at napanguso. Tama bang siya ang tinitignan ng batang lalaki?

Napayakap siya ng mariin sa ina ng ngitian siya ng bata mula sa malayo. Hindi niya alam ang dapat na maging reaksyon dahil iyon ang unang beses na may batang animo'y nakakita sakaniya. Madalas kasi ay para siyang hangin sa lahat, nakikita naman siya ngunit hindi siya pinapansin dahil...isa raw siyang salot.

Nangunot ang noo ng batang lalaki nang makita ang reaksyon ng batang babae sa malayo. Kanina niya pa ito napapansin na nakatulala sakanila habang siya'y naglalaro. Madalas naman siyang nakikipag laro sa mga bata rito ngunit 'di niya nakakalaro ang batang iyon.

"Kalbo! Ikaw na!" sigaw ng batang lalaki sakaniya.

Kumunot ang noo niya at hindi pinansin ang kalaro. "Ayaw ko na, hindi ko na gustong makipag laro sainyo" deretchahan niyang sabi at naglakad palayo, bukod sa napagod na siya at gutom, naiinis rin siya dahil sa pandaraya ng kaniyang mga kalarong mayayaman.

Paghilom ng puso [IKALAWANG SERYE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon