Prompt: When Leonel was new in the modern era and he accidentally saw Jezel.
POV: 3rd person's
"Mang Eric! Mang Eric! May lumabas na tao sa kahon na iyon kaya't pinaslang ko! Hindi ko sinsadya! Patawarin niyo ako! Huwag niyo ako ibabalik sa libro, paki-usap!" Natatarantang sabi ni Leonel.
"Ano?!" Gulat na napatayo si Mang Eric at bahagya pang napahawak sakaniyang tuhod na ina-athritis.
"Ayos lang ho ba kayo---"
"Anong kahon ang iyong tinutukoy?!" Gulat na tanong sakaniya ng matanda.
"Iyon hong parisukat na umiilaw at may lumalabas na mukha! Humuhuni ho ito nang kakaibang tunog na hindi ko pa naririnig sa tanang ng buhay ko!" Sumbong niya pa at inaksyon ang itsura ng bagay na kaniyang tinutukoy.
Napa-isip ng malalim si Mang Eric at halos sumakit ang kaniyang batos sa taas ng dugo nang mapagtanto niya ang tinutukoy ng binata.
"Iyon bang aking cellphone ang iyong tinutukoy?!" Nagsimulang lumakad ang matanda papasok sa sala.
"S-Sel? Ha?! Teka, mang Eric!"
"Tumabi ka diyan!" Mainit ang ulo nitong sigaw.
"Aba't walang hiya ka! Bakit mo binasag?!"
"May lumabas hong tao! Linabanan ko lamang! Naka suot ho siya ng sa tingin ko ay mala guardia civil! Kakausapin ko ho sana ng maayos ngunit ayaw tumigil nang kakaiba niyang tunog kung kaya't sa takot na baka siya ay isang engkanto ay pinaslang ko nalamang siya!"
"Guardia--ano?! Isa iyong mensahe! Ang aking aypone! Ibinili pa saakin 'to ng pamangkin ko, Leonel!" Halos mangiyak si Mang Eric sa bagong biling Iphone niya..
"M-Mensahe ho? Hindi ba't sa koreo dapat pinapadala ang mensahe at dadaan pa ito sa barko at ilang buwan bago makuha---"
"Tumigil ka kung hindi mo nais na ibalik kita sa libro!"
Agad tinikom ni Leonel ang kaniyang bibig habang pinapanood ang matandang naiiyak sa basag nitong abutan raw ng mensahe.
Kalaunan pa ay biglang tumunog ang telepono.
"Mang Eric! Iyon nanaman ang halimaw! Ganoon rin ang aking narinig kanina!" Sigaw niya at yinakap ang sarili sa takot!
Hindi naman ito pinansin ng matanda at dali-dali itong pumunta sa kinaroroonan ng telepono. "Manahimik ka diyan, Leonel! Ang tawag sa mga ito ay telepono! Ang binasag mo kanina ay ang pinaka modernong pantawag! Makinig ka at ako'y tatanggap ng mensahe!"
Animo'y batang tutok na tutok sa palabas ang mga mata ni Leonel na nakatitig sa matanda.
"Magandang umaga rin sa'yo, Samuel. Pasensya na't nasira ang aking cellphone kung kaya't hindi ko nasagot agad" sambit ni Mang Eric.
Napatayo muli si Leonel ngunit sinamaan siya nang tingin ng matanda kung kaya't dali-dali rin siyang tumalon sa sofa at naupo ng maayos.
"Oo, hijo. O'siya kami ay pupunta riyan"
"Mang Eric! Bakit ikaw lamang ang nagsasalita"
"Makinig ka, Leonel. Pupunta tayo ngayon sa kinaroroonan ng aking pamangkin. Ang tawag roon ay Police Station." Paliwanag ni Mang Eric.
"Po—lice E-Est-tas-syon?"
"Police station,"
"Po-lis es-tesyon?"
Tumango ng ilang beses ang matanda, mukha tuloy siyang nag aalaga ng apat na taong gulang na batang hindi marunong bumigkas ng maayos.
"Tama. Pulis ang aking pamangkin, si Samuel. Siya iyong tumatawag kanina" muling sambit ng matanda.
BINABASA MO ANG
Paghilom ng puso [IKALAWANG SERYE]
Historical Fiction[Completed] Isang misyon ang nagdala saakin sa loob ng nobela, ang akda na may wakas na trahedya. Isang mundo sa loob ng kwento kung saan ako ang tatayo sa katauhan ng bida. Paano kung pagtapak ko sa mundong ito ay lumihis ang nakagisnang kapalaran...