CAPÍTULO CUATRO: putong Calasiao

918 66 55
                                    

"PAANO nalamang kapag may nangyaring masama sainyo sa labas?! Kahit pa nasaloob kayo ng hacienda ay hindi dapat kayo makampante! Hindi ba't araw-araw naming pinapaalala na kumakalat ang mga tulisan, kawatan at masasamamg engkanto tuwing dapit hapon?!" Galit na sigaw ni Don Pancho.

Magkatabi kami ni Seraphina sa sofa habang pinapagalitan.

Nakayuko lamang ako habang linalaro ang daliri, nakatuon ang mata ko sa sahig kung saan tinititigan ko ang malabo kong repleksyon sa makintab na sahig.

Napapikit ako ng mariin at napakagat saaking pangibabang labi, hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kanina!

Napakagat ako sa'king hintuturong daliri habang nakangiwi, siguradong kung ano-ano na ang iniisip ni Leonel ngayon!

Bakit naman kasi iyon pa ang nahawakan ko??

Muli akong napapikit ng mariin ng maalala kung paano ko pa ipagdiinan ang hawak ko ron dahil sa akalang braso niya iyon ! Grabe! Ubos na ubos na ang puri mo Jezel!

Nangunot ang noo ko ng maisip na baka sinadya talagang ipahawak sa'kin 'yon ni Leonel!

Grabe! Nakakainis! Kadiri-

"DIESELLEEE!!" halos tumalon ang balikat ko nang umalingaw-ngaw ang galit na boses ni Don Pancho.

Napatingin ako sakaniyang mukha na tila'y sasabog na sa sobrang galit.

Hindi ko maitatangging natatakot ako ngayon sa mukha niya! Para siyang nag transform sa isang dragon na kulang nalamang ay bubugaan na ako ng apoy dahil sa galit.

"Nakikinig ka ba sa'kin?!" Sigaw ni Don Pancho dahilan upang mamawis ang palad ko dahil sa kaba.

"O-opo" tugon ko, napatikhim pa ako dahil sa kaba.

"BAKIT KAYO LUMABAS SA MANSYON? Ikaw ba ay may kinakatagpong ginoo sa labas?!ikaw ba ay may manliligaw na hindi namin batid?!" Galit niyang sigaw dahilan upang kabahan ako lalo.

Naalala ko tuloy kung paano rin ako pagkamalan ng mga magulang kong may kachat na lalaki o may jowa sa tuwing ngingiti ako habang nagseselpon.

"H-ha? Hindi-wala po. Wala" tugon ko, kinakabahan.

Sinuri ako ng tingin ni Don Pancho, galit pa rin ang mga mata niya, naka pamewang siya at salubong ang namumuti niyang kilay, lantad rin ang bilugan niyang tiyan at halos mamula ang mukha niya hanggang sa halos panot niyang ulo dahil sa galit, gayumpaman nanatili pa ring maamo ang itsura niya.

"Pancho," mahinahong awat ni Donya Belen.

Himinga naman ng malalim si Don Pancho, mukhang naliwanagan siyang hindi dapat sinisigawan si Dieselle dahil baka atakihin ito sa puso. Kahit pa hindi ako si Dieselle ay mukhang aatakihin talaga ako sa puso kapag nalaman nilang may kina-tagpo talaga akong lalaki, mga lalaki. Partida, tatlo-tatlo pa sila! Ano nalamang iisipin nila saakin? Alam ko namang maganda ako ngunit hindi ko naman ugaling mang chix ng tatlo tatlo-talon! Baka Jezel 'to, loyal kahit plastik.

"Sige, magpaliwanag ka" utos ni Don Pancho, sinisikap ang lahat upang maging mahinahon.

Napakagat muna ako sa'king pangibabang labi bago mag salita.

"Lumabas po ako magisa sa mansyon ng walang may alam, nais ko lamang pong lumanghap ng sariwang hangin, nais ko rin pong madampian ng malamig na hangin sa hapon, hindi ko po namalayan na masyado na po akong nagalak at napalayo ako, nang dumating kayo ay hinahanap ako ni Seraphina at saktong natagpuan niya ako ay iyon ang nadatnan niyo" paliwanag ko na purong kasinungalingan.

Kaya siguro ako ang napiling maging impostor ni Dieselle dahil bukod sa maganda ako, magaling akong umarte at magaling magpaikot ng ulo. Maliban sa magulang ko, madali lang nila akong mahuli kung totoo ba o kasinungalingan ang sinasabi ko.

Paghilom ng puso [IKALAWANG SERYE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon