CAPITULO DIECISÉIS: Sundin ang Puso

771 43 30
                                    

A/N: Errors ahead. Mahaba ang chapter na 'to kaya't hindi ko na inedit hshsh. Enjoy reading! Huwag niyo lampasan ha, aarangkada shiniship niyo diyan (spoiler amp) hehe.

"Dieselle!"

"Gising!"

Nagising ako nang yugyugin ng taong iyon ang balikat ko nang malakas.

Dumapa ako at sinubsob ang mukha ko sa unan. "Dieselle gumising ka diyan! Gising na raw si Leonel!"

Agad akong napabalikwas ng bangon at bumungad saakin ang mukha ni ate Maria.
Bumaba ako ng kama at lalabas na sana nang harangan niya ako!

"Lalabas kang hindi nakaligo, naka sipilyo at walang bihis?!" Sermon niya. Kinusot ko ang mga mata ko at napatulala sakaniya.

May sinasabi ba siya?

Tinalikuran ko siya at bubuksan na sana ang pinto ngunit binalibag niya iyon dahilan upang magulat ako at animo'y nagising ang ulirat ko. Nakita ko ang sabog kong mukha sa repkeksyon ng salamin, may laway pang nanigas sa pisngi ko!

Dali-dali akong tumakbo sa banyo, naligo at nag suot ng simpleng baro at saya.

Nagpaalam kami ni Ate Maria kay ama ngunit wala siyang reaksyon, tinignan niya lang ako at tumango. Nitong mga nakaraang araw ay lagi siyang balisa at tila'y maraming problema.

Napahinga ako nang malalim nang maalala ang paguusap namin nuong isang gabi.

"Ama!" Agad akong sumalubong kay ama sakaniyang opisina. Napatigil siya sa pagbabasa ng mga dokyumento.

"Salamat" pigil luha kong wika. Bumubugso sa saya at kalambutan ang puso ko dahil sa pag atras niya sa kaso ni Leonel.

Binalik niya ang atensyon sa ginagawa nang walang sinasabi saakin.

Bigla ko tuloy naalala ang narinig kong paguusap nila ni Don Ramon.

"P-pero...paano po kayo? Y-yung tungkol sa banta ni Don Ramon?" Napahawak ako sa'king lalamunan. Hindi rin ako makakampante, hindi ko rin nais mapahamak si ama, si Don Pancho.

"Ginawa ko lang ang sa tingin ko ay tama" saad niya at tumingin saakin. "Walang sinuman ang may karapatang kontrolin ako saaking desisyon."

Sa pagkakataong iyon ay hindi na ako naka imik pa. Alam kong walang kasiguraduhan ang mga pangyayari ngunit umaasa akong sa kabila ng mabuti niyang prinsipyo, umayon sa kaniya ang tadhana at bigyan siya ng katiwasayan.

Napahawak ako saaking dibdib, mas lalong lumalakas ang tibok ng aking puso habang papalapit kami patungo sa ospital.

Naramdaman ko ang pagkapit ni Ate Maria saaking braso, may mga guwardia pa rin ang naka bantay saamin ngunit nasa dalawang distansya ang layo.

Pinisil niya nang marahan ang braso ko at nginitian ako. Obvious yatang mukha akong hindi mapalagay.

Hawak ko ang mga prutas na minadali naming bilhin ni ate Maria, tinatawanan niya pa ako kanina dahil halos ma fustrate ako sa pagpili ng magagandang klaseng prutas.

Naghahalo ang pagka sabik, tuwa at pag aalala saaking puso. Napahinga ako nang malalim bago huminto sa pintuang tapat ng silid.

Hinawakan ko ang door knob, nagpakawala ako ng mabigat na buntong hininga at binuksan iyon. Naabutan ko silang nagkwekwentuhan ngunit nang mag angat ako ng tingin ay mistulang tumigil ng sandali ang tibok ng aking puso.

Paghilom ng puso [IKALAWANG SERYE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon