CAPITULO VEINTE SEIS: Maynila

600 34 13
                                    

ALAS DIES na nang gabi, kumakain kaming lahat sa iisang mesa kasama ang mga magulang ni Gabriel. Todo ngisi si Don Ramon habang nakikipag usap kay Don Pancho ngunit halata namang may tensyon sakanilamg dalawa.

"Kamusta si Maria?" Tanong ni Don Ramon.

"Hindi pa masyadong maayos ang kalagyaan ngunit bumiti naman" kaswal na sagot ni ama.

Napatingin ako kay Gabriel na nakatitig lamang sa pagkain niya, alam kong iniisip niya ngayon ang mga nakatakas na rebelde.

Napalunok nalamang ako sa kaba, hindi ko suka't akalaing ganoon pala siya magalit. Kitang-kita ko kanina king paano niya murahin at saktan ang mga sundalong inutusan niya sa tungkuling iyon.

"Sa susunod na linggo ay papasok na ng beateryo si Dieselle" ngiti ni Donya Belen.

"Mabuti kung gayon, hindi naman ako papayag na ikasal ang anak ko sa walang asal na babae" matapobreng sagot ni Donya Senticia at matunog na naghiwa ng karne sa babasaging plato.

"Kaya nga't masuwerte kang anak ko ang mapapangasawa ni Gabriel. Alangan namang ulitin niya pa ang pagkakamali ng kaniyang ama?" Sumbat ni Donya Belen sa pinaka mahinhin ngunit pinaka sarcastic na tono rin ng boses.

"Pagkakamali?" Tanong ni Don Ramon.

Ngumiti ng malawak si ina, " Ang maikasal sa babaeng walang asal, tulad ng asawa mo" ngiti ni Donya Belen dahilan upang mabitawan ni Donya Senticia ang kutsara sa babasaging plato.

"Ano ang sinabi mo?!" Tanong ng Donya kay ina.

"Ina, kung maari lang" seryosong sabi ni Gabriel at tinignan ng mariin ang ina kaya ito na upo.

Napatikhim nalang ako at  pagkatapos ay nagtinginanan kami ni ina na parehong napangisi ng lihim. Napailing-iling ako, mabuti nalamang dahil magaling mambara si ina!

Tumawa ng malakas si Don Ramon, "Ang mga babae talaga ay mapag biro. Kumain na tayo ng matiwasay" ngiti niya.

Pagkatapos niyon ay hinayaan muna kami ni Gabriel na mag usap.

" Dieselle, tungkol sa narinig mo—"

"Anong gagawin mo sakaniya?" Tanong ko.

Natigilan siya.

"Ang totoo niyan... Hindi ko rin alam" tugon niya at napayuko.

"Kung hahatulan ng kamatayan si Heneral Agas, dapat rin siyang mahatulan ng kamatayan" sagot ko.

Sandali kaming nagkatitigan sa mata nang tumingala ako sakaniya ng seryoso. "Sa ganoon ba magiging patas ang husgado?" Tanong ni Gabriel habang seryoso rin ang tingin saakin.

"Hindi, eh" sagot ko at napa tingin sa paligid. "Hindi magiging patas dahil nandiyan ang ama mo" deretchahan kong sagot.

"Hindi ba't hindi rin patas na isa ka sa nagpatakas sa mga bilanggo?" Tanong ni Gabriel na kinagulat ko.

"P-Paanong?—" tumingin ako sakaniya nang hindi makapaniwala, napaatras ako dahil sa kakaibang talim ng tingin niya saakin.

"Bakit mo ginagawa saakin 'to?" Tanong niya at humakbang papalapit saakin.

"A-ano?" Tanong ko at umatras.

"Bakit mo ako pinapahirapan, Dieselle? Ginagawa ko ang lahat upang proteksyonan ka. Bakit mas pinipili mong ilagay ang iyong sarili sa alanganin?" Tanong niya.

"Paano...paano mo nalaman?" Tanong ko.

"Anong tingin mo saakin? Mangmang?" Huminto siya sandali. "Hindi mo ba naisip kung gaano kalaki ang sinasakripisyo ko para sa'yo? Tinataya ko ang propesyon ko, ang ibang tao—"

Paghilom ng puso [IKALAWANG SERYE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon