CAPÍTULO NUEBE: Espiya

800 45 9
                                    

"Tarantado," singhal ko sabay halukipkip sa harapan ni Leonel.

"Pasensya na, wala talaga akong naisip na ibang paraan, eh. Mas lalo kang mapapagalitan kapag napagtanto nilang lagi mo nalamang akong kasama, hindi sapat na sabihin mong magkaibigan lang tayo" paliwanag niya sa'kin.

Narito kami sa balkonahe ng mansyon, mag usap muna raw kami bago humarap kay ina.

Ngayon palang ay kinakabahan na ako! Paano na si Gabriel?! Paano na ang misyon ko?!

May kalayuan si Serphina na nagbabantay samin kaya't hindi niya naman maririnig ang anumang paguusapan namin.

"Hindi ako naniniwalamg iyon lang ang dahilan kaya 'yon ang ginawa mo" seryoso kong saad.

Alam kong may iba pang dahilan kung bakit bigla nalang niyang hinawakan ang kamay ko kanina at ganoon ang tinuran kay Donya Belen.

Napahugot siya ng malalim na buntong hininga. "Huwag kang mag alala, alam kong nasa-isip mo ngayon si Gabriel. Gagawa ako ng paraan upang hindi ka matali sa'king kamang-mangan" Saad niya habang naka sandal sa sementong pader.

Magsasalita pa sana ako nang pumasok si Donya Belen, "Seraphina, kumuha ka ng miryenda at iyong idala rito" utos ni Donya Belen at naupo sa harap ng bilog na mesa.

"Maupo kayo" seryoso niyang utos saamin ni Leonel. Napalunok ako ng ilang beses bago umupo.

Inismiran ko ng tingin si Leonel, kapag ako ikinasal sakaniya, sasakalin ko leeg niya araw-araw! Magtratransform agad ako sa pinaka nakakatakot na monster at araw-araw ko siyang rarambulin!

Baka hindi na ako makalabas sa tunay kong mundo dahil sa pagka-bigo ng aking misyon!

Tumikhim si Leonel, "D-Donya... Ehem, Donya Belen, inyo po sanang ipagpaumanhin ang aking kapangahasan-"

"Kailan ka pa nagsimulang umibig kay Dieselle?" Seryosong sumbat ni Ina.

Napatingin ako kay Leonel, mukhang kinakabahan rin siya ngunit nanatiling kalmado ang itsura.

"Patunayan mong iniibig mo ang aking anak, kung hindi ay maari kitang isumbong sa husgado dahil sa pagiging mapangahas at mapang abuso mo sa isang babae" muling wika ni ina.

Sa pagkakataong iyon ay namawis ang palad ko habang nakatingin kay Leonel.

Ilang segundo siyang natahimik habang nakayuko.

"Aking napagtantong hindi ka umiibig-"

"Iniibig ko po ang inyong anak" sagot niya habang nakatingin ng deretcho sa mata ni Donya Belen.

Parang may bagay na gustong kumawala sa'king puso nang sabihin niya iyon.

Dahan-dahan siyang bumaling ng tingin saakin na mas lalong nagpakabog sa'king puso.

"Nag-umpisa po ang pag hanga ko sakaniya nang masilayan ko siya sa Mansyon ng mga Mendoza. Nang umpisang iyon ay hindi na siya mawala sa'king isipan. 'Di nagtagal ay hinahanap ko na ang kaniyang presensya, kahit nga mismong lakad ni Heronimo ay nagpupumilit pa akong samahan muna siya at kuyugin upang mapuntahan at masilayan si Jezel," lumakas ang tibok ng puso ko habang nakatitig sa mata niya habang siya'y nagkwekwento.

Idagdag mo pa ang pagtawag niya sa'king tunay na panagalan, sana lang ay hindi napansin ni ina.

"Malaking bagay na doktor niya si Heronimo. Dahil ron ay nakakagawa ako ng paraan upang makita siya kahit na ang nais niyang masilayan ay iba" Napahinto siya at napaiwas sa'kin ng tingin.

Palusot lang naman 'to 'di ba? Ngunit bakit parang natatamaan ako?

Ponyeta naman kasi Jezel e! 'wag ka ngang affected masyado!

Paghilom ng puso [IKALAWANG SERYE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon