CAPÍTULO CINCO: Rebeldeng Grupo

966 74 53
                                    

DAHIL sa sabik at gulat ay nasamid ako saaking kinakain at napa ubo-ubo dahilan upang bumuga-buga sa harapan nila ang kinakain ko! Napapikit ako sa inis at kahihiyan habang patuloy na umuubo sa lupa! Grabe, sumosobra na ang kasukdulan ng mga masasamang engkanto at demonyo sa'kin sa loob ng nobelang 'to! Katatapos ko lang mag simba ay dinalaw nanaman ako ng malas! Kakaiba talaga ang epekto 'pag may nakikita akong bad luck!

"Binibini!" Sigaw ni Gabriel, lalo ko tuloy pinagdasal na sana'y maging ganap na hatdog nalamang ako dahil sa kahihiyan!

Naramdaman ko nalamang ang kamay na tumatapik saaking likuran na siyang nagdalang kilabot sa buong katawan ko, tila pumintig rin ng napakalakas ang puso kong nawiwindang sa kadahilanang kamay iyon ni Gabriel Herrera!

Humumpay na ang kati ng lalamunan ko ngunit nanatili ako sa pag ubu-ubuan upang maramdaman pa ang init ng palad ni Gabriel. Grabe, hindi ko suka't akalaing ang lalaking iniimagine ko lang ay nararamdaman ko na ngayon, ang init ng palad niya na siyang mas lalong dumaragdag sa paninindig ng mga balahibo ko-

Para akong natanggalan ng malaking tinik sa lalamunan dahil sa malakas na hampas ng isang palad!

"Aray!" Daing ko at napa-unat ng likod dahil sa tindi ng lakas niyon!

Salubong ang kilay kong tumingin kay Leonel na ngayon ay hindi rin mapalagay ang itsura, hindi niya rin siguro inaasahang ganon kalakas ang hampas niya!

"Pasensya, kanina ka pa inuubo, e" aniya dahilan upang samaan ko siya ng tingin! Sa kaloob-looban ay gusto ko na siyang wrestlingin at upuan ng solid ang ulo niya!

"Hija, ayos ka lamang ba?" Tanong ni Don Ramon, mababa rin ang tono ng boses niya tulad ni Gabriel at Leonel, mas brusko nga lang itong pakinggan, siguro ay dahil matanda na siya. Nasa limampu pataas siguro ang kaniyang edad. Gayumpaman mas sexy pa rin ang boses ni Gabriel, syempre dahil siya ang bida!

"O-opo" wika ko, nahihiya kunwari.

"Inumin mo, binibini" alok ni Gabriel dahilan upang mapatitig ako sakaniya ng ilang segundo. Mabuti nalamang dahil palihim akong pinitik ni Leonel sa braso.

Agad kong kinuha ang kawayan na lagayan ng tubig. Puno pa iyon, senyales na hindi pa naiinuman. Sayang, mas mainam sana kung matitikman ko ang masarap na laway ni Gabriel. Hehehe.

Uminom ako ron at nang mahimasmasan ay dahan-dahang napayuko.

"Ayos lamang iyon," ngiti ni Gabriel na siyang ikinatulala ko. Ang bait talaga ng character na 'to.

"Tila'y pamilyar ang iyong hitsura saakin, hija" saad ni Don Ramon.

Napatingin ako sakaniya at ngumiti Kahit sino naman ay mapapaisip kung sino ako, bukod sa busilak ang puso ko ay nagmimistulang Diyosa ng Griyego ang ganda ko.

Mas lalo akong napangiti sa isiping iyon. "Opo, anak po ako ni Don-ama ko po si Don Pancho" tugon ko at nagbigay galang.

"Kung gayon, ikinalulugod kong makilala kang muli! Huli kitang nakita ng ika-siyam mong kaarawan! Dieselle ang iyong pangalan, hindi ba? Sandali, ang lagi ko lamang nakikita ay ang nakakatanda mong kapatid" wika ni Don Ramon na siyang nagpangiti saakin ng malawak.

Kahit pa si ate Maria nanaman ang narinig ko ay hindi ko nalamang pinansin, kailangan kong mag pa charming sa harap ng future husband ko-este, sa future husband ni Dieselle! 'di bale, susulitin ko ang pagiging impostor para makasama ang fictional character of my life, kahit sandali lamang tapos ibabalik ko na siya kay Dieselle nang malinis at walang nababakas ni isang marka man ng halik o haplos, hehehe.

Paghilom ng puso [IKALAWANG SERYE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon