"Dieselle!" Sigaw saakin ni Victoria dahilan upang matauhan ako. Nagsi-tawanan ang lahat.
Nagpipiknik kami ngayon sa gilid ng ilog.
Bigla- bigla kasing nagdrama si Veronica na malapit na daw ikasal si Heronimo at Victoria tapos hindi na daw kami makakapag bonding.
Sumang-ayon rin sila Marco na hindi na nila makakabonding si Heronimo ng madalas kaya ang ending, magkakasama kaming namasyal.
Humikab ako bago sila tignan.
"Mukhang napuyat ka yata?" Tanong ni Heronimo.
"Ha? Hindi. Napasarap lang tulog ko kaya pakiramdam ko kulang" sagot ko.
Ngunit sa totoo lang hindi talaga ako nakatulog kagabi kakaisip kay Leonel. Kung tao lang ang mga unan na katabi ko, tiyak na lubos silang masasakal dahil sa higpit ng yakap ko.
Ilang beses rin akong paikot-ikot sa kama habang inaalala ang yakap, boses at mga sinabi ni Leonel saakin.
"Sumarap ba ang tulog mo dahil kay Leonel?" Kantiyaw ni Marco at sinagi ang katabi niyang si Leonel. Naka upo silang tatlo nila Alejandro sa tumbang puno habang kami nila Veronica ay nakaupo sa banig na nakalatag sa damuhan. Madami pa namang space ngunit mas trip ata nilang dumekwatro.
Nagtama ang mata namin ni Leonel at agad umiwas sa isa't-isa. Bwisit na akward 'yan!
"Parang hindi naman namin nakita ang pagsulyap niyo sa isa't-isa" kantiyaw rin ni Veronica.
Nag iinit tuloy pisngi ko dahil sa hiya.
"Yieee" pang aasar nilang dalawa kaya't napapikit ako sa inis.
"Bakit hindi nalang kayo magkatuluyan, tutal same vibes kayo diyan?!" Buwelta ko kay Veronica at Marco na nagpatigil sakanila.
Natahimik rin ako nang makita ang pag iwas ng tingin ni Alejandro.
"Huwag niyo na nga kasing ginaganyan si Dieselle! Baka nalilimutan niyong ikakasal na siyang kay Gabriel Herrera?" Giit ni Heronimo na sinang-ayunan ni Victoria.
Napatango naman si Veronica na para bang nagsisi siya agad sa pang aasar sakin, ganon din si Marco.
"Magkaibigan lang kayo ni Leonel, hindi ba?" Tanong ni Victoria sa tonong pangkukumpirma.
"Hindi ba, Leonel?" Tanong rin ni Heronimo kay Leonel at pareho kaming 'di nakasagot.
"O-Oo" sagot ko nang hindi tumitingin sa kahit na sino sakanila.
"Kain na tayo!" Suhestyon ni Veronica habang naka busangot na mukhang gutom na talaga.
Bahagya akong napasimangot ng kaunti at tumingin kay Leonel na nakatingin na rin pala saakin. Ngumiti lang siya ng marahan at tumango na para bang sinasabi niyang ayos lang sakaniya 'yung sinagot kong 'oo' magkaibigan lang kami.
Sabagay, ano nga ba kami? Friends lang naman talaga, ah. Na nagyayakapan... Tas naghoholding hands tapos siya nanghahalik ng noo.
Ah basta, friends lang 'yon!
"Bakit hindi mo ligawan si Veronica?" Deretchong tanong ni Victoria kay Marco dahilan upang kapwa sila masamid sa kinakain.
Napatingin ako kay Alejandro na seryoso lang ang tingin sa ilog. Bumaling ang tingin ko kay Victoria na mukhang ang alam niya lang ay si Marco lang talaga nagkakagusto kay Veronica.
Bigla tuloy ako kinabahan dahil baka mabuking na hindi ko nabigay 'yung pinapamigay ni Alejandro.
"Sinong mas matimbang? Abogado o inhenyero?" Ngisi pa ni Victoria.
BINABASA MO ANG
Paghilom ng puso [IKALAWANG SERYE]
Historyczne[Completed] Isang misyon ang nagdala saakin sa loob ng nobela, ang akda na may wakas na trahedya. Isang mundo sa loob ng kwento kung saan ako ang tatayo sa katauhan ng bida. Paano kung pagtapak ko sa mundong ito ay lumihis ang nakagisnang kapalaran...