CAPÍTULO VEINTE SIETE: Sa susunod

612 34 12
                                    


WARNING: kapusukan ni Leonel ahead hahaha



Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari, nagulat nalamang ako nang marealize ang labi naming magkadikit! Gising na gising ang diwa ko na animo'y bolta-boltaheng kuryente ang dumadaloy sa katawan ko habang lumalakas lalo ang tibok ng aking puso.

Inilapit lalo ni Leonel ang sarili niya saakin dahilan upang lalong lumalim ang halik niya. Lalo siyang pumusok na animo'y nangulila ng labis.

Sa pagkakataong iyon ay bigla kong naalala si Gabriel. Gusto kong kumawala kay Leonel ngunit hindi ko magawa! Kailangan ko itong tapusin dahil takot akong masira nanaman ang lahat dahil rito ngunit hindi ko rin magawa!

Napahawak ako ng mariin sa likod ni Leonel, hindi ko namalayang tinutugunan ko na pala ang halik niya.

Ang isang kamay ni Leonel na nasa pisngi ko lang kanina ay gumapang sa leeg ko dahilan upang matauhan ako at kagatin ang labi niya!

Kaylan pa ako naging ganto kapusok?!

Napaatras siya at napa aray sabay hawak sa labi.

"Bakit mo kinagat?" Tanong niya habang salubong ang kilay.

Natataranta akong umiwas ng tingin.

Hinawakan niya ako sa pisngi kaya't kinabahan ako, animo'y hihiwalay na ang puso ko sa'king sarili nang dahil sakaniya.

"Paumanhin" seryoso niyang sabi.

Napatingin ako sakaniya, sinsero ang mga mata niyang nakatingin saakin.

"Jezel..." Wika niya at agad akong yinakap!

"Huwag mong sabihing kasal ka na kay Gabriel? Nagkasala ka ba dahil saakin? Hindi mo ba nasunod ang ika anim na utos sa Biblya dahil saakin? Patawarin mo ako. Nangulila lamang ako sa'yo ng lubos" sunod-sunod niyang sabi habang nakayakap ng mahigpit saakin.

"Leonel... Ang totoo niyan," napatikhim ako. "Nakatakda na akong ikasal sakaniya. Ilang buwan nalang" saad ko.

"Nakatakda?" Tumawa siya ng sarkastiko. "Maari pa kitang maagaw" bulong niya dahilan upang hampasin ko siya sa dibdib, natigilan ako dahil nakayap pa rin siya at naramdaman ko ang pagiyak niya.

"Patawarin mo ako sa naging asal ko kanina. Dahil nasigawan kita. Pinipigilan ko lang naman ang sarili kong maging ganito ulit sa'yo... ngunit kasalanan mo, e! Umiyak ka! Alam mo namang kahinaan kita" wika niya at sinubsob ang mukha sa'king balikat.

"Alam mo ba kung gaano kasakit ang pag halik sa'yo ni Gabriel? Hindi lang ako basta nanibugho, nainggit ako!" Iyak niya pa kaya't tulala akong yumakap sakaniya pabalik.

"Nainggit ka sa halik?" Inosente kong tanong.

"H-ha? Hindi sa halik! Nainggit ako sakaniya dahil ... Dahil pakiramdam ko mas kailangan mo siya. Basta, labis akong nakakaramdam ng inggit at paninibugho" paliwanag niya.

" At oo... Parang nakaukit saaking isip ang imahe niyong dalawa nang magka halik..." Aniya kaya't tinapik ko ng marahan ang balikat niya.

"Sinumpa ko sa sarili kong hindi kita kakausapin kahit kailan. Hindi ako galit ngunit sobrang nasaktan ako kaya't inisip ko na mas makakabuti kong magpanggap akong hindi na apektado sa susunod nating pagkikita ngunit nang makita kitang umiyak ay nawala lahat ng plano ko" naramdaman ko ang pagpunas niya ng luha.

"Alam mo bang gabi-gabi kong iniisip kung madalas na ba kayong gumagawa ng kapusukan ni Gabriel, alam kong hindi ko dapat yon iniisip dahil hindi ka naman ganong babae na basta basta at wala ako sa lugar para mag selos ngunit-"

"Leonel... hindi mo naman mapipigilan ang pagseselos. At may lugar ka... Sa puso ko" saad ko, tumingin siya saakin habang nakahawak sa braso ko ang kamay niya.

Paghilom ng puso [IKALAWANG SERYE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon