CAPÍTULO ONSÉ: Pabor

791 50 15
                                    

Ilang araw na rin ang nakalipas nang huling tagpo namin nila Leonel, inaasahan ko silang makita ngayon.

Nakatulala lamang ako sa entablado kung saan nagtatanghal ang mga nagdudula. Kasama ko ngayon si Victoria at Veronica, nanonood kami ng teatro, halos wala akong maintindihan sa kwento.

Pinilit lamang nila Veronica si Donya Belen na isama ako dito, natatakot kasi sila na baka kapusin ako ng hininga, ayaw rin nilang ma over whelm o masaktan ang puso ko dahil sa palabas ngunit maging ako ay nagpumulit rin, hindi naman kasi ako ang tunay na Dieselle para ipangamba nila.

Dalawang araw nalamang ay pista na ng bayan, inaasahan kong magiging masaya ako sa mga araw na ito ngunit pilitin ko mang maging masaya ay bigla-bigla nalamang akong malulungkot. Ilang araw na rin na lagi akong dinadalaw ni Gabriel at inaayang lumabas.

Buwan na ng Disyembre, malapit na rin ang pasko kaya't sadyang malamig na ang simoy ng hangin.

"Kaylan kaya ako makakahanap ng ganoong lalaki? Kung may manliligaw man akong ganoon ay papakasalan ko na agad" hagikgik ni Veronica, kanina pa nila pinagkwekwentuhan ang tungkol sa palabas.

"Kahit 'sing bait lang ni Heronimo, ayos na ako. Paano ba maging mabait tulad mo Victoria? kaya't hindi ako nabibiyayaan ng mabuting lalaki" pag aamok niya pa sabay kumpas ng abaniko.

"Ewan ko sa'yo, marahil ay pagmamadre talaga ang nakatakda sa'yo" tawa ni Victoria.

Madaming banderitas ang nakasabit, makulay ang paligid, kaliwa't kanan rin ang mga paninda habang maraming tao ang nakikisaya sa mga palaro. Isang linggong gaganapin ang mga palaro hanggang matapos ang pista.

"Ayos ka lang ba, Dieselle?" Tanong ni Veronica.

"Madalas ka nang natutulala" wika naman ni Victoria at kinapa ang aking baba at pisngi.

"May masakit ba sa'yo?" Tanong niya pa na agad kong inilingan.

Magtatanong pa sana sila nang may magsalita sa'king likuran. "Magandang tanghali mga binibini" maginoong wika nito kaya't agad akong napalingon.

"Gabriel" ngiti ko, nakangiti rin siya ngayon ng malawak sa'kin. "Nais sana kitang anyayahan binibining Dieselle, kung iyong mararapatin, maari ba kitang makausap ng tayo lamang?" Tanong niya.

Tumingin muna ako kila Veronica at nang tumango sila ay pumayag na rin ako.

"Sandali lang. Hoy, saan ba tayo pupunta?!" Pasigaw kong tanong habang hatak hatak ako ni Gabriel sa'king pulsuhan, tumatakbo kami ngayon sa matataas na berdeng damo.

Tumatawa lang si Gabriel habang tinatakbo ako. "Sandali, pagod na ako" anas ko dahilan upang huminto siya.

Hindi niya rin pala alam na may sakit si Dieselle sa puso, tama lang 'yon. 'Yun rin ang nakatakda sa nobela.

Uupo na sana ako sa damuhan ngunit hinawakan niya ako sa magkabilaang braso at tinayo, "Ika'y marurumihan niyan," paalala niya, napasimangot nalamang ako. Tumingin ako sa lupa nang saglit at pagbalik ko ng tingin sakaniya ay nakatitig siya saakin.

"K-kung pagod ka talaga..." Wika niya at napalunok, umiwas siya ng tingin saakin at binasa ang labi. Mukhang nahihiya o nagdadalawang isip siya sa anumang sasabihin, "M-maari kang sumakay sa'king likuran" aniya na siyang nagpatawa saakin.

Ang cute niya sa part na 'yon, hinding-hindi talaga ako nabigo sa kaguwapuhan ni Gabriel Herrera.

Napansin ko ang pamumula ng kaniyang pisngi hanggang tainga nang mag iwas siya ng tingin.

" Mabigat ako, maglakad nalang tayo pero salamat sa alok mo ha. Halika na-" natigilan kaming dalawa nang hindi ko siya sinasadyang hawakan sakaniyang mismong kamay na para bang magsyota na kami.

Paghilom ng puso [IKALAWANG SERYE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon