Tumutugtog ng mabagal ang musika. Hawak ni Leonel ang bewang ko habang nakasandal ang ulo ko sakaniyang dibdib.
Nasa balkonahe kami ng bahay nila Heronimo, nais raw akong isayaw ni Leonel, ito ang unang sayaw namin...na matino.
Wala man kami sa gitna ng magarbong selebrasyon, hindi man kami nakasuot ng magarbo...ang puso naman namin ay parehong masaya.
"Naalala ko ang ginawa mong kanta" wika niya.
"Nag umpisang maging iyong kaulayaw...ngayon sa ilalim ng gabi, sumasayaw" pagkanta niya dahilan upang matawa ako.
"Bakit ka tumatawa? Pangit ba ang aking boses?" Tanong niya. Umiling ako at yinakap siya nang huminto ang musika.
"Tignan mo ang kalawakan sa gabi...naalala mo noong una kitang halikan?" Tanong niya habang nakatingin sa mga bituin.
Napangiti ako at humarap kung saan siya nakatingin. Yinakap niya ako mula sa likod at kaniyang pinatong ang baba saaking tuktok ng ulo.
"Hindi ko iyon makakalimutan...lahat ng pangyayaring kasama kita, hindi ko malilimutan" wika ko ngunit agad ring nag laho ang aking ngiti.
Hindi nga ba?
Naramdaman ko ang pagtango ni Leonel. "Hindi ko rin iyon malilimutan" aniya.
Sa sandaling narito ako kung saan nasaan si Leonel, sinulit namin ang bawat oras na kami ay magkasama. Sandali naming nakakalimutan ang mga problema sa tuwing nasa tabi kami ng isa't-isa. Lagi kaming sabay kumain, nagkwekwentuhan...aalalahanin ang kahapon at sabay na iiyak at patatahanin ang isa't-isa.
Sa totoo lang, ayaw ko nang matapos ito. Ayaw ko nang bitawan ang kamay ni Leonel...ayaw ko siyang iwan...ayaw kong bigyan ng masayang wakas ang kwento ng iba habang ang kwento ko ay siyang magluluksa...
Nasa plaza kami Leonel, ngayon lang ulit kami naging magkasama ng ganito sa publiko, natatakot rin kasi ako na makita kami ni Gabriel, narito daw siya, ayon sa mga naririnig kong tsismis.
Hindi ko alam kung maiiyak ba ako dahil sa tuwa o dahil sa pangambang baka ito na ang huli naming pagsasama.
Pumunta kami sa isang kainan. Nag order siya ng paborito ko at paborito niyang ulam. Nagulat kami nang dumating sila Abon, nagulat rin siya at napatulala saamin ni Leonel.
Sinabi saakin ni Leonel na wala nang nagawa si Abon nang sabihin niyang ayaw niyang magpakasal. Hindi na rin makakakilos si Abon dahil wala na rin ang kapit niya, si Celestino.
Umiwas ng tingin si Abon, "Tara na, kumain nalamang tayo sa iba" natataranta niyang sambit at naunang lumakad paalis upang maka iwas.
Tumingin ako kay Leonel, ngumiti siya nang marahan kahit bakas sa mata niya ang sakit. Masakit pa rin saamin ang nangyari kay Marco at heneral Agas.
Namasyal kami sa Manila Bay, malinis at maganda. Sabay naming pinagmamasdan ang paglubog ng araw habang nakayakap siya mula saaking likuran.
"Jezel, paano kung... Aalis na ako?" Tanong niya.
"Ha?" Tanong ko sakaniya.
"Paano kung bigla nalang akong maglalaho, kaya mo ba?" Tanong niya dahilan upang matahimik ako. Hindi ko nagustuhan ang tanong niya, natatakot ako.
Natatakot akong siya ang maglaho sa mundong ito o ako ang makalabas at siya ang iiwan ko.
"May wakas lahat ng kwento... Hindi man masaya, ang importane naging malaki ang gampannin ng karakter ko, hindi ba?" Tanong niya dahilan upang kumabog ang dibdib ko. Naging maka hulugan ang sinabi niyang iyon saakin.
BINABASA MO ANG
Paghilom ng puso [IKALAWANG SERYE]
Historical Fiction[Completed] Isang misyon ang nagdala saakin sa loob ng nobela, ang akda na may wakas na trahedya. Isang mundo sa loob ng kwento kung saan ako ang tatayo sa katauhan ng bida. Paano kung pagtapak ko sa mundong ito ay lumihis ang nakagisnang kapalaran...