"Tatang," nagbalik ako sa reyalidad nang marinig ang isang boses ng lalaki na ngayon ay nasa pagitan na namin ni Mang Eric."Heto po ang mga naiwan mong gamit" wika ng lalaki at binigay ang isang tampipi.
Inalis na ni Mang Eric ang misteryosong tingin saakin at ngumiti sa lalaki. "Maraming salamat, hijo" wika niya at tinapik sa balikat ang lalaking sa tingin ko'y mas matanda lamang ng kaunti kila Leonel.
"Mauuna na ako, maraming salamat muli" paalam ni Mang Eric sa lalaki at bago tumalikod ay iniwanan muna ako ng makahulugang tingin, parang ipina-paalala ng mga tinging iyon ang mga sinabi niya saakin.
Patuloy na siyang lumakad paalis, balak ko sana siyang habulin at maglabas ng maraming katanungan ngunit tila nanigas ang mga paa ko sa'king kinatatayuan. Parang napako rin ang dila ko at hindi makapagsalita.
"Ayos ka lang, binibini?" Tanong ng lalaking kanina ay nagbigay nang gamit kay Mang Eric.
Unti-unti akong tumingin sakaniya, naka kamiseta siya ng puti habang hawak niya sa kaliwang kamay ang salakot, tama lang ang kaniyang katangkaran at puti ng kutis.
"O-Oo" tugon ko at napalunok, parang natuyo ang lalamunan ko sa kaba.
"Saan ka patungo?" Tanong niya saakin.
Binasa ko muna ang labi ko bago magsalita, "Diyan lang," nginuso ko ang direksyon papunta sa pinag iwanan ko kay Gabriel.
Sinabayan lamang ako ng lalaki, "Japs ang aking panagalan, kabubukas lamang ng paimprintahan ng diaryo dito, doon ako nagtratrabaho" wika niya saakin. Mukha naman siyang mabait.
Tumango ako sakaniya, "Dieselle. Dieselle ang pangalan ko" tugon ko.
"Sino ang kasama mo?" Tanong niya pa.
Nagdalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba. " Si Gabrie-si Kolonel Herrera, siya ang pupuntahan ko dahil iniwan ko siya kanina" saad ko na siyang nagpatigil sakaniya.
Napatigil rin ako, napatingin ako sakaniya at nakita ko ang pagmasid ng kaniyang mga mata. Hindi ko tuloy batid kung may nasabi ba akong mali?
"Dito na ang aking pinagtratrabahuan, salamat sa oras binibini" wika niya at nagbigay galang tsaka dali-daling pumasok sa paimprintahan ng diaryo.
Nangunot ang noo ko, weird.
"Dieselle!-" Pareho kaming nagulat ni Gabriel sa isa't-isa nang bigla siyang lumitaw sa harapan ko. Halos mawindang ang itsura niyang isinisigaw ang pangalan ko habang siguro'y naghahanap sa'kin.
"Saan ka nagtungo? Ako'y lubos na nag alala nang mawala ka, bakit ka umalis nang hindi nagpapaalam? Paano kung may nangyari sa'yong masama?" Sunod-sunod niyang tanong dahilan upang mapalunok ako.
Ganito ba talaga ka concervative ang isang fictional character? Kinikilig ako sa isiping concern saakin ang isang bidang fictional, kung ako lang talaga ang tunay na Dieselle ay a-agkinin ko talaga nang lubos si baby Gabs.
"May sinundan lang ako, may naamoy kasi akong masarap, e. Kaya 'yon sinundan ko 'yung amoy" paliwanag ko habang nakasimangot.
Sandali siyang nanahimik at biglang natawa. "Ano ba ang iyong nais kainin?" Tanong niya sabay palinga-linga sa paligid.
"I-uwi mo nalang ako-este ihatid mo ako pauwi at doon ako kakain" napautal pa ako at napahawak sa lalaumunan, nababaliw nanaman yata ang etchoserang dakilang assuming na kaluluwa ko sa harap ni Gabriel!
"Sige, kung iyon ang iyong nais" ngiti niya saakin at inaya na akong maglakad.
Ilang beses pa siyang napabuntong hininga, parang may gusto siyang sabihin na hindi niya mabigkas. Nanahimik nalang ako, mukhang humahanap siya ng tyempo ngunit sa huli ay hindi rin lang naman siya nag sabi ng kung ano pa.
BINABASA MO ANG
Paghilom ng puso [IKALAWANG SERYE]
Narrativa Storica[Completed] Isang misyon ang nagdala saakin sa loob ng nobela, ang akda na may wakas na trahedya. Isang mundo sa loob ng kwento kung saan ako ang tatayo sa katauhan ng bida. Paano kung pagtapak ko sa mundong ito ay lumihis ang nakagisnang kapalaran...