Walang emosyon ang mukha niyang nakatingin ng deretcho sa daan, para bang wala siyang pakialam na mayroon siyang nabunggo.
Napatingin ako sa kabuuan niya, naka itim siyang pantalon ngunit wala siyang takip sa mukha. Tumingin ako sa kaniyang kamay, wala siyang bitbit na kung ano kaya't naging panatag akong hindi siya 'yon. Kung siya 'yon ay dapat hawak niya ang isang panyo at ang hawak kanina nung lalaki na parang mga papel.
"Bakit ka narito?" Tanong niya habang nakatingin sa'kin.
Ngumiti ako sakaniya ng marahan ngunit nanatiling blangko ang emosyon ng kaniyang mukha.
"Hinahanap ko kasi 'yung lalaking tumalon don sa bintana" wika ko, nakita ko ang pagka gulat sa mga mata niya ngunit hindi niya lamang pinahalata.
"B-bumalik ka na ron sa loob ng mansyon" utos niya na para bang natataranta.
Bigla akong nakaramdam ng mali sa kilos niya.
Magtatanong pa sana ako nang makarinig ng boses.
"Leonel-" tawag nito at napahinto nang makita ako.
Si Alejandro. Naka suot siya ng kamisetang itim, pantalong itim, sa kamay niya ay may hawak siyang panyo at kumpol ng mga papeles.
Kasunod niyon ay biglang dumating si Marco, naka asul siyang kamiseta kaya't bumalik ang tingin ko kay Alejandro. "Binibining Dieselle" tawag niya saakin at tinago sa likuran ang hawak. "Ano ang iyong ginagawa rito? Hindi ba't dapat ay nasa loob ka ng mansyon ng iniibig mong kolonel?" Tanong niya.
Napatitig ako sa mukha niya, sandali akong kinabahan. Posible kayang kasapi sila sa isang rebledeng samahan o grupo?
"K-kayo, Paano kayo nakapasok rito gayong hindi naman kayo imbitado?" Tanong ko rin na siyang nagpahinto sakanilang lahat.
Hindi sila basta-bastang makakapasok dahil maraming guardia sa paligid.
"M-magpapahangin lang ako rito" wika ko, sinasagot ang tanong niya kanina.
Sa pagkakataong iyon, palagay ko'y tama nga ang aking hinala.
Ngumiti si Alejandro ngunit halatado ang kaniyang kaba.
"May maitutulong ba kami para sa'yo at kay Gabriel? Anong balita? Kayo ba'y nagkakamabutihan na?" Tanong niya.
Alam kong iniiba niya lang ang usapan.
"Umalis na tayo, nasa mabuting lagay siya sa loob ng teritoryong ito. Hindi niya tayo kailangan" sumbat ni Leonel, magsasalita pa sana ako ngunit agad na niya akong tinalikuran.
Nauna siyang naglakad paalis bago sumunod si Alejandro.
"Sandali, hindi muna ba natin-" saad ni Marco na agad ring tinikom ang bibig nang lingunin siya ng tingin ni Alejandro at Leonel.
Tumingin sa'kin si Leonel na para bang wala lang siyang pakialam sa'kin, magsasalita pa sana ako upang sambitin ang pangalan niya ngunit agad na niyang tinawag si marco. "Tara na," utos niya at agad tumalikod ng walang tingin o sinasabi sa'kin.
Wala nang nagawa si Marco kundi sumunod sakanila.
Nanatili akong nakatayo at nakatitig sakanila habang papalayo saakin, pinagmamasdan ko sila hanggang maglaho maging anino nila sa'king paningin.
Bigla akong nanibago sa pagtrato sa'kin ni Leonel. Salubong na salubong ang aking kilay, isa nanamang pangyayaring wala sa nobela. Gustuhin ko mang pakialaman, gustuhin ko man silang kampihan, naisin ko mang pumanig nalamang kay Leonel, hindi ko magawa dahil wala ito sa kapalaran ng nobela.
Bumalik ako sa mansyon ng Herrera. Tulad ng dati ay ipinagmamalaki ako ni Don Pancho sakaniyang mga amigo. Kaliwa't kanan ang musika, mga tawanan at pagkain.
BINABASA MO ANG
Paghilom ng puso [IKALAWANG SERYE]
Historical Fiction[Completed] Isang misyon ang nagdala saakin sa loob ng nobela, ang akda na may wakas na trahedya. Isang mundo sa loob ng kwento kung saan ako ang tatayo sa katauhan ng bida. Paano kung pagtapak ko sa mundong ito ay lumihis ang nakagisnang kapalaran...