CAPÍTULO UNO: Pagdiriwang

1.4K 75 30
                                    

"May masakit pa ba sa'yo anak?" tanong ni Donya Belen dahilan upang magbalik ako sa katinuan.

Kanina pa ako nababaliw kaiisip kung totoo ba ang lahat ng ito o isang imahinasyon o panaginip lamang?

Tumingin ako kay Donya Belen at umiling.

"Hindi na ba masakit ang iyong puso?" Tanong ni Don Pancho dahilan upang gulat akong mapatingin sakaniya.

Paano niya nalamang broken hearted ako?!

"Hindi ba't ang bilin sa'yo ay wag kang magpapagod? masyado ka pang nababad sa init nung isang araw, nahimatay ka tuloy" mahinhing saad saakin ni Donya Belen habang hinahalo ang mainit na tsaa sa katabi kong mesa.

"Makakatulong ito sa pagpapalakas mo" saad ni Donya Belen at linagyan ng dinikdik na pinong dahon ang tsaa.

Napangiwi ako, malamang ay mapait ang lasa niyan!

"Masyado ka yatang nawili sa pag dating ng anak ng aking Amigo" biro ni Don Pancho na sinabayan niya ng maikling pag tawa.

Nangunot naman ang noo ko.

Anak ng kaniyang Amigo?!

Nanlaki ang mga mata ko!

Iyon ang leading man sa libro! Si Gabriel Herrera na isang kolonel!

Wahh! Gusto kong makita ang taglay niyang kaguwapuhan, matipunong pangangatawan, malambing na boses!ackkk! Gusto ko na agad makita kung tamang tama ba ang diskripsyon sakaniya sa nobela!

Sampalin ko na rin pala dahil hindi niya pinaglaban si Dieselle sa dulo! Tsk, tsk. Naturingan pa siyang sundalo, duwag naman pala. Kung sabagay sino nga naman ba si Dieselle kumpara sa unang pag ibig niyang si Maria. Ayon sa diskripsyon ng nobela, lubhang mas maganda raw si Maria Esperanza kay Dieselle.

"Si Gabriel rin ang nag takbo saiyo sa klinika" saad pa ni Don Pancho dahilan upang mapatulala ako sakaniya.

Ibig sabihin, ito 'yung scene na dumating si Gabriel mula sa Kawit at sinalubong siya ng napaka bongga! Akala mo naman isa siyang Heneral.

Duon na love at first sight si Dieselle ngunit sa kasamaang palad, intake siya ng sakit sa puso tapos si Gabriel ang nag takbo sakaniya sa klinika!

Matagal na rin niyang kilala si Gabriel sa pamamagitan ng pag kuwento ni Don Pancho kaya naman hindi niya sukat akalaing kaibig-ibig nga pala talaga sa personal si Gabriel!

Nagning-ning ang mga mata ko nang maalala ang scene na iyon!

Ang susunod na mangyayari ay magkakaroon ng pag diriwang sa mansyon ng mga Mendoza.

Ang mga Mendoza ay kilalang negosyante kahit sa iba't-ibang bayan. Isang ganap na Mendoza ang nobyo ng kaibigan ni Dieselle, si Heronimo Mendoza na isang Doktor! Kung gayon....

Napatunog ko ang daliri ko ng mapagtantong si Heronimo Mendoza ang Doktor na tumingin saakin kanina!

Pota! Ang galing mo Jezel! Bukod sa napaka ganda ko na nga, ang talino ko pa!

Muli kong inalala ang mga pangyayari sa kuwento. May pag diriwang mamaya kung saan imbitado lahat ng pamilyang maiimpluwensiya sa bayan. Imbitado rin ang pamilya nila Gabriel ngunit sa kasamaang palad, unang makikilala ni Gabriel ang ate ni Dieselle!

"Nasaan po si Ate?" tanong ko dahilan upang magkatinginan si Don Pancho at donya Belen.

"Nasa kumbento ang iyong ate hindi ba?mamayang hapon pa siya uuwi. Kung hindi siya pagod ay kukumbinsihin rin namin siyang dumalo sa pagdiriwang mamaya sa mansyon ng mga Mendoza" sagot ni Donya Belen. Napatango-tango nalang rin ako.

Paghilom ng puso [IKALAWANG SERYE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon