CAPÍTULO VEINTICUATRO: Pinuno

632 41 6
                                    

A/N: Unedited. Paumanhin sa mga pagkakamali sa kabanatang ito tulad ng malinh gramatika at pagbaybay.

3RD PERSON'S POV


Tatlong linggo bago ang lahat...

NAGKAGULO ang lahat sa simbahan matapos ang nangyaring insidente kay Maria. Hindi maka pakali ang pamilyang Esperanza habang naghihintay sa labas ng kuwarto sa Ospital.

"Nasa kritikal na kundisyon ho ang inyong anak. Ipagpaumamhin niyo ngunit isa nalamang swerte kung siya ay magigising" paliwanag ng doktor kay Don Pancho.

Napahagulgol nalamang ang pamilya dahil sa narinig.

Halos hindi maigalaw ni Jezel ang kaniyang kamay sa pagka bigla sa mga nangyari. Kanina lamang ay masaya silang nag diwang ng pasko.

Kinuha ni Don Pancho ang mga espesyalistang doktor upang sikaping mabuhay ang kaniyang anak. Matapos ang pangyayaring iyon kay Maria ay halos walang marinig ni kaunting ingay sa mansyon ng Esperanza.

Kung minsan ay maririnig ang mahihinang hikbi ni Donya Belen ngunit ang mag amang si Dieselle at Don Pancho ay tila isang hangin kung kumilos ng tahimik. Ni walang nakakalam kung tumatangis rin ba sila sa sitwasyon ni Maria, lingid sa kaalaman nilang lahat, ginagawa nilang pareho ang trabaho ng pag iimbestiga.

Tuwing Linggo nalamang rin nakakapag kita si Leonel at Jezel at madalas ay sa simbahan nalamang kung saan sinasadya talaga ni Leonel na makasama sa misa ang dalaga. Sa tuwing hihingi ng oras si Leonel ay limitado lang rin ang naibibigay sakaniya at kung minsan ay nararamdaman niyang walang ganang makipag usap sakaniya si Jezel.

Sa isip ni Leonel ay nauunawaan niya kung bakit ganoon si Jezel. Wala siyang karapatang kuwestyunin ang sinsinta gayong isa lamang siyang hamak ng manliligaw at walang magawa sa mga problema ng kaniyang mahal. Alam niyang hindi sapat ang pagpapatahan lamang.

Lagi niyang sinasabi kay Jezel na maari siya nitong maging sandalan, maari niyang sabihin sakaniya mga problema. Ngunit at ang tanging tugon lang ni Jezel ay pag iling at kakaibang ngiti na halatang hindi na totoo.

Umuwi si Leonel sa kanilang tahanan ng balisa. Nasasaktan siya, kahit ilang beses niyang sabihin na naintindihan niya, hindi pa rin mapigilan ng damdamin niyang masaktan sa kung paano siya tignan ng sinisinta ngayon. Napabuntong hininga siya at pumasok sakaniyang kuwarto.

Kinumbinsi niya ang sarili na parte lang ng pag ibig ang nararamdaman niya, dahil ang tunay na nagmamahal ay handa ring masaktan. Hindi ka tunay na umiibig kung ang nais mo lang ay laging kasiyahan.

Itinupi ng apat ni Leonel ang papel kung saan niya sinulat ang isang tulang inalay niya para kay Jezel. Ginawa niya iyon noong pasko pa na siyang nagdala ng malalakas na kantyaw galing sa mga kaibigan niya. Minsan siyang biniro ni Marco na ang laman ng tula niya ay parang banat ng mga bolerong mang sasabong.

Kumunot ang noo niya. Ni isang pambobola ay wala siyang sinulat sa tula, galing iyon sa kaibuturan ng kaniyang puso at sinulat niya iyon sa pamamagitan ng makatang paraan.

Ibibigay niya dapat iyon noong umaga ng pasko ngunit hindi na siya nabigyan pa ng pagkakataon dahil sa nangyari kay Maria. Nagdadalawang isip diya kung ibibigay niya pa rin ba iyon o hindi na?

Sa huli ay kumuha siya ng isang papel at muling sumulat, nagsulat siya ng isang liham. Hapon siya pupunta bukas upang bumisita kay Jezel.

SAMANTALA, maaga palamang ay gumising na si Jezel upang bisitahin si Maria sa kuwarto nito. Araw-araw ay siya ang nagluluto ng lugaw sakaniyang ate na hinahaluan niya ng mga halamang gamot na maaring magpalakas rito.

Paghilom ng puso [IKALAWANG SERYE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon