CAPÍTULO QUINCE: Katarungan

604 50 24
                                    

NAPALUNOK ako nang mariin habang nakatingin saakin si Don Ramon.

"DIESELLE" gulat na bigkas ni Don Pancho.

"Paumanhin... Nais ko na ho kasing magtungo saaking kuwarto" wika ko nang hindi pinapahalata ang kaba.

Natawa ng sarkastiko si Don Ramon, magsasalita sana siya nang may magsalita pataas sa hagdan.

"Dieselle, bakit ka pa nariyan? Ang sabi ko ay dumeretcho ka kaagad saiyong kuwarto at dadalhan nalamang kita ng gamot" wika ni Ate Maria at tumingin kila Don Ramon. May hawak siyang medisina at tsaa.

"Marahil ay saktong pagtaas mo ay siyang pagkatapos ng kanilang pagpupulong. Pasensya na ho Don Ramon, ama. Kararating lang po ni Dieselle at muli nanaman siyang inaatake ng kaniyang sakit kayang pinaunlakan ko na muna siyang tumungo na agad sakaniyang kuwarto" Paliwanag ni Ate Maria, napatitig ako sakaniya, hindi ko alam kung paano siya nakagawa ng ganiyang palusot.

"Kung gayon, magpagaling ka hija" aniya at tinapik ako sa balikat, ngumiti siya ngunit ang ngiting iyon ay parang may ibang pinapahiwatig.

Pare-pareho kaming nakahinga ng maluwag nang tumalikod siya at naglakad paalis. Tumango saamin si Ama at inakay ako ni Ate Maria patungo saaking cuarto.

Nauna akong pumasok sa silid, marahan naman niyang isinara ang pinto. Agad niyang binaba ang mga gamot at tsaa sa mesa.

"Kung hindi ko nalaman na sumuway ka sa utos ni ama, tiyak na paghihinalaan ka ni Don Ramon" saad ni ate Maria, hanggang ngayon ay tinititigan ko lang siya. Hindi ko suka't akaling tutulungan niya ako. Samantalang no'ng kailan ay napaka init ng ulo niya saakin.

"Maari mo bang ipagtapat saakin ang iyong nalaman?" Tanong niya, napalunok ako at tinignan siya ng may pagdududa.

"Batid kong nagdadalawang isip ka saakin" wika niya at napa buntong hininga.

"Jezel, maari ba nating ibalik ang dating samahan natin bilang mag kapatid?" Hindi ako sumagot.

"Kinausap ko na nang masinsinan si Gabriel, hindi na ako magpupumilit pang magpakasal sakaniya. Nang mangyari saatin ang insidente, natakot akong mawala ka lalo na't hindi pa tayo nagkaka ayos" napayuko si ate Maria.

"Dieselle hindi ko maintindihan, bakit noong si Gabriel ang gusto ko, ikaw ang ginusto niya. Ngayong pinalaya ko na siya at si Leonel na ang tinitibok ng aking puso bakit ikaw pa rin?" Tanong niya dahilan upang pumintig ang puso ko sa sakit.

Hindi ako maka pag salita, napakarami ring bumabagabag sa isip ko.

"Tapatin mo ako, sino ba talaga sakanila? Alam kong may bumabagabag sa'yo kaya't hindi mo rin maintindihan ang iyong sarili" wika niya pa.

Napayuko nalamang ako at napatitig sa semento. Tama siya, hindi ko na rin maintindihan ang aking sarili.

"Dieselle, hahayaan mo nalamang bang dahil sa kalituhan mo, maraming nasasaktan?" Tanong niya dahilan upang manikip ang puso ko.

"Mahal ko si Gabriel, kahit napa lapit ako kay Leonel...siya pa rin. Ngunit ikaw ang mahal niya, ikaw na walang kasiguraduahn kung sino ba talaga?"

"Inaamin kong sumisiklab ang paninibugho saaking puso sa'yo lagi. Bakit kasi lagi nalang ikaw? "

"Ngunit kahit ganoon ay kapatid pa rin kita, at takot akong mawala ka" wika niya at napatakip sakaniyang mukha at umiyak, namalayan ko na lang rin ang pag tulo ng aking mga luha.

Lalapit sana ako sakaniya nang ilabas niya ang isang kuwadernong makapal.

Kunot noo akong napatingin sakaniya. "Huwag mo nang alamin kung saan ko nakuha, ngayon maari mo bang ipagtapat saakin? Bakit nagiging ganito kakumplikado ang lahat? Alam kong may nalalaman ka. Bakit?" Umaagos ang luha niyang tanong.

Paghilom ng puso [IKALAWANG SERYE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon