CÀPITULO VEINTECINGCO: Pagtakas

593 34 1
                                    

Sa paghawak ng pluma,
Ang pag gamit ng tinta sa bawat tula,
Mga tula, na ikaw lamang ang paksa.

Bawat salitang sinusulat ay hindi lamang para sa tugma,
Dahil aking inaalay sa'yo ang bawat kataga.

Mahal ko, nais ko lamang ipa alala sa'yo,
Ang tinitibok ng aking puso ay mananatiling para sa'yo,
Kahit anong mangyari. Maging mag kaiba man ang mundong ating kinagagalawan,
Pag-ibig ko sayo'y hindi ka iiwan.

Paghiwalayin man tayo ng tadhana,
Gagawa ako ng paraan upang ika'y makasama.

Nais kong tandaan mo,
Lumayo man ako sa'yo,
Mawala man ako sa paningin mo,
Hindi magkakaroon ng distansya ang tinitibok ng aking puso.

Mahal kita. At tulad ng isang buwan, sa pagliwanag mo, sa pag tago mo pagdating ng araw, kahit hindi ka buo, kahit natatakpan ka ng mga ulap. Mamahalin at mamahalin kita. Iniibig kita, Jezel, aking binibini, aking sinta.

°°°

Calasiao, Pangasinan
ENERO 15, 1872

Aking binibini,

Sa totoo lamang ay hindi ako panatag sa pag gawa ng liham na ito. Marahil ay kinakabahan lamang ako saiyong magiging tugon, o natatakot na baka wala kang tugon? O baka'y hindi mo rin lang mabasa dala ng iyong patong-patong na problema. Gayumpaman, nais kong ipa alala sa'yo, narito lamang ako, maari mo akong makausap, maging sandalan at kakampi sa lahat ng desisyon at problema.

Ilang linggo na rin tayong hindi nakakapag kita at nakakapag usap ng maayos at nauunawaan ko naman. Ang tula nga palang inalay ko saiyo ay isinulat ko pa noong bisperas ng pasko. Hanggang ngayon nga'y nagdadalawang isip pa ako kung dapat ko ba itong ibigay saiyo?

Dumating na ang mensahe mula sa Colegio de Santo Tomas. Bukas makalawa ay aalis na ako at pupuntang Maynila. Nais ko lamang sanang hilingin sa'yo na kung maari ay magkita tayo kahit sandali man lang. Maari ba tayong mag tagpo sa dalampasigan?

Hindi kasi ako makagawa ng paraan upang mapuntahan ka. Patawarin mo ako ngunit huwag kang mag alala, dalawang buwan lang naman ang itatagal ko sa Maynila. Magpapadala ako sayo ng liham kada linggo.

Hindi ako maghahanap ng ibang babae roon, pangako. Pag balik ko, kukunin ko na ang kamay mo at ialalayo ka sa mga sabik na lalaki. Hindi ako nag bibiro. 'Pag naging doktor na ako, matutupad na ang pangarap mong kalse ng relasyon at pag ibig. Naalala ko parin ang sinabi mo saakin dati na gusto mo ang mga lalaking may kaugnayan sa medisina. Hindi ko alam kung linokoloko mo lang ba ako dahil si Gabriel naman ang gusto mo dati ngunit hanggang ngayon ay napapangiti pa rin ako sa tuwing pumapasok sa imahinasyon kong ako ang lalaking tinutukoy mo. Pagpasensyahan mo na ang mga kathang isip ko, Ganoon yata talaga katindi ang aking pag ibig sa'yo.

Paghilom ng puso [IKALAWANG SERYE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon