"Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Lea saakin.Hindi ko rin maintindihan kung bakit patuloy ang paglandas ng luha ko, hindi ko rin maintindihan kung bakit. Ang huli kong natandaan ay nawalhan ng kuryente at parang may nakita akong mahiwagang libro.
Naninikip ang puso ko, hindi ko maipaliwanag kung bakit para akong nagluluksa sa bagay na hindi ko naman matandaan.
Umiling ako kay Lea at patuloy na pinunasan ang luha. Pinainom niya ako ng malamig na tubig at yinakap.
Napatingin ako kay Samuel na nasa likod ni Lea. Nakatitig lang siya sa akin, nakaawang ang labi niya at dahan-dahang lumingon kay Mang Eric, animo'y may bagay na tumatakbo sakanilang isip na nais kong alamin.
"Hoy, anong nangyari?" Pag sulpot ni Yuri. Sa likod niya ay si Daisy na hindi rin mapalagay ang itsura.
"Ewan, biglang umiyak" tugon ni Lea at natawa.
"Tara na ba? Baka gutom lang 'yan Jezel" biro ni Yuri.
Tumango ako sakanila at sinabayan ang kanilang mga biro. Gutom nga lang siguro ako. Wala naman akong sakit sa utak kaya bakit ako iiyak ng walang dahilan?
"Tara na," pag aaya ni Daisy at naglakad na. Aalis na sana ako nang maaalala ang librong nakita ko kanina lang.
"Mang Eric" tawag ko sakaniya na abala sa pagpunas ng mga antigong kagamitan.
Luminhon siya saakin at marahang ngumiti.
"Nasaan po 'yung libro dito kanina?" Tanong ko. Sandaling natigilan si Mang Eric, animo'y may binabasa saaking mga mata.
"Walang libro dito hija" tugon niya dahilan upang mangunot ang noo ko.
Pero may nakita ako kanina!
"Y-yung... Paghilom ng puso po?" Tanong ko ngunit napakunot noo siya.
"Wala akong alam na ganoong libro" tugon niya na siyang nagbigay ng kaguluhan saaking isip.
Napalibot ang tingin ko sa loob ng museum. Wala na rin roon 'yung baul at poster ng mahiwagang libro...posible bang namamalik mata lang ako?
Inalog ko ang aking ulo at napa buntong hininga. Tumingin ako kay Mang Eric at ngumiti.
"Salamat po" wika ko at naguguluhang tumalikod.
"Hija, sandali" tawag ni Mang Eric saakin kaya't agad akong lumingon sakaniya.
"Bakit po?" Tanong ko.
"'Pag dating ng araw...maibabalik mo rin ang kwento" seryoso niyang sambit at binalik ang atensyon sa ginagawa.
Mag sasalita pa sana ako ngunit marinig ko na ang pag tawag ni Daisy saakin. Nahihiwagaan ako kay Mang Eric, pakiramdam ko...parang ang laki ng kaganapan niya sa buhay ko.
"Jezel" tawag ni Daisy dahilan upang magbalik ako sa katinuan. Kanina pa ako tulala, hindi pa naman masyadong malayo ang nalalakad namin ngunit tagaktak na ako ng pawis. Parang may hinahanao na lugar ang aking sarili, hinahanap na mga tao...ngunit hindi ko talaga maaalala kung sino o ano.
"Sorry, ano 'yun?" Tanong ko. Inakbay niya ang kamay niya saakin at hinaplos ng marahan ang aking balikat. Napatingin ako sakaniya, ilang beses siyang suminghap na animo'y may gustong sabihin ngunit hanggang sa makarating kami sa paradahan ng jeep ay hindi siya nag salita.
"Ingat ka!" Bilin ni Yuri. Nagpaalam na akong mauna dahil parang ang sama ng pakiramdam ko.
"Ingat," habol ni Lea nang makitang paalis na ako dahil nag uusap sila ni Samuel.
"Ingat ka. Ahm... Ang importante, minahal niyo ang isa't-isa" sambit niya saakin dahilan upang gulat akonh mapatingin sakaniya. Ngumiti lang siya saakin at naglakad pabalik kila Yuri.
BINABASA MO ANG
Paghilom ng puso [IKALAWANG SERYE]
Historical Fiction[Completed] Isang misyon ang nagdala saakin sa loob ng nobela, ang akda na may wakas na trahedya. Isang mundo sa loob ng kwento kung saan ako ang tatayo sa katauhan ng bida. Paano kung pagtapak ko sa mundong ito ay lumihis ang nakagisnang kapalaran...