KASABAY ng pag sara ko sa libro ay ang pag tulo ng aking luha. Sumabay pa ang malamig na ihip ng hangin mula sa nakaawang na bintana sa library.Mas dumagdag rin sa bigat ng nararamdaman ko ang mabagal na ritmo ng musikang pinapakinggan ko sa aking naka salpak na headset.
Pakiramdam ko ay nasa isang pelikula ako kung saan, ako 'yung bidang iniwan ng mahal ko. Dahil ron ay tumakbo ako sa gitna ng ulan habang umiiyak at dinaramdam ang sakit at kirot ng puso kong durog na durog.
Basang-basa ang katawan ko sa buhos ng ulan, magugulat ako ng may hihila saaking pulsuhan, lilingunin ko siya at makikita ko ang lungkot sakaniyang mga mata.
Hihingi siya ng tawad saakin at dahan-dahan akong hahalikan sa labi, hindi ko alam na iyon na pala talaga ang pinaka huli dahil makalipas ng araw ay malalaman kong sumakabilang buhay na siya at malalaman kong kaya siya nakipag hiwalay saakin dahil may malubha siyang sakit. Dahil ron mas lalong madudurog ang puso ko at magpapabaha ng luha...
"TIGNAN niyo 'tong si Jezel, feeling nanaman niya nasa pelikula siya" Nag balik ako sa katinuan nang magsalita ang isa kong kaibigan.
Sinamaan ko ng tingin si Yuri, ang kaibigan kong nagsalita.
"Hayaan niyo, ganiyan talaga 'pag walang lovelife" tugon naman ni Azalea habang nagbabasa ng libro. Kaibigan ko rin.
Napairap nalang ako. Ano nanaman ba kasing koneksyon ng punyetang love life sa pinaguusapan namin?
"Ba't ka ba kasi nagdradrama diyan?" tanong ni Daisy at bahagyag natawa, nagbabasa rin siya ng libro tungkol sa Chemistry. Siya din ang kaibigan kong pinaka matanda saaming apat. Senior na namin siya kung tutuusin.
"Tragic binasa niyan kaya ganiyan" sagot ni Azalea at sinara ang libro.
"Hays! Buti pa ako, ang ganda ng ending! May kissing scene sa dulo" saad ulit ni Lea.
Kakornihan.
Nanatili akong tahimik. Hindi ko alam kung bakit sobrang sakit ng nararamadaman ko. Madalas naman akong magbasa ng isang kwentong tragic ang ending ngunit iba ngayon e. Parang tagos na tagos sa puso ko ang bawat masasakit na sulat sa huling pahina ng librong binasa ko.
Nag umpisa nanaman akong maiyak ngunit imbis na luha ang unang tumulo ay naunahan ng sipon dahilan upang humagakpak ng tawa si Yuri!
"Yuckk!" Tili niya pa dahilan upang pagalitan kami ng librarian.
Agad kong pinunasan ang sipon ko! Panira!
"Shh. Anong nangyari?" tanong ni Daisy dahilan upang samaan ko ng tingin si Yuri na ngayon ay mahinang tumatawa. Malagutan sana siya ng hininga!
"Ang dugyot, gago" saad naman ni Lea habang natatawa rin at naghanap ng tissue sa bag niya.
"Ano ngang nangyari?" Tanong ulit ni Daisy dahilan upang matawa kaming tatlo.
"Wala, umutot si Yuri" tugon ko sabay tawa.
"Gago, si Jezel nagdradrama kunwari tapos nahulog yung sipon na kulay green HAHAHAHA!" Tawa ulit ni Yuri at bahagya pang napahampas sa mesa dahilan upang mainis ang librarian.
Kanina pa kasi siya nag iingay at pangatlong offense na niya ito dahilan upang palayasin kami!
"TANGA kasi 'tong si Yuri e ang ingay-ingay sarap sampalin ng encyclopedia" giit ko sabay tabi kay Daisy.
" Ikaw nga diyan kadiri e. Akala mo naman nasa teleserye ka, mukha ka namang tanga umiyak. Feeling mo siguro nagre-red cheeks and nose mo habang umiiyak ka tapos kunwari ang ganda ganda mo with matching backround music pero in reality...mukha kang TANGA! HAHAHA!" pag aasar ni Yuri sabay hila kay Lea patakbo bago ko siya habulin at hampasin sa ulo!
BINABASA MO ANG
Paghilom ng puso [IKALAWANG SERYE]
Historical Fiction[Completed] Isang misyon ang nagdala saakin sa loob ng nobela, ang akda na may wakas na trahedya. Isang mundo sa loob ng kwento kung saan ako ang tatayo sa katauhan ng bida. Paano kung pagtapak ko sa mundong ito ay lumihis ang nakagisnang kapalaran...