CAPÍTULO VEINTE: Binibini

597 42 13
                                    

Tumigil ako sa pagtugon ng halik ni Leonel nang bumabaw ang hawak niya saaking pisngi.

Napatingin ako sakaniya ng bitawan niya ang aking labi, nakatingin siya ngayon saaking likuran ng seryoso.

Dahan-dahan akong lumingon sa'king likuran, napatigil ako nang mapag tanto kung sino ang lalaking nakatingin ng deretcho saamin ngayon.

Naka-uniporme siya ng pang heneral. Walang buhay ang mga mata niya na nakatingin saakin, tila'y nanikip rin ang aking puso dahil sa tingin niya.

Tiim-baga siyang lumingon kay Leonel at pareho silang naglabanan ng masamang tingin. Lumakas ang pintig ng aking puso sa matinding tensyon sa pagitan ni Leonel at Gabriel.

Nagulat ako nang hawakan ni Leonel ang kamay ko ng mahigpit habang hindi inaalis ang seryosong tingin kay Gabriel.

Ilang beses gumalaw ang adam's apple ni Gabriel habang namumuo ang kaniyang luha ngunit agad niya iyong iniwas. Kumuyom ang kaniyang kamao at bago tuluyang lumisan ay tumingin siya saakin nang tinging nanlulumo at dismiyado.

Hinawakan ako ni Leonel sa'king balikat at hiniga ang ulo ko sakaniyang dibdib. Tumulo ang luha ko dahil sa kadahilanang nabigo ko si Gabriel, nabigo ko ang lalaking nasa aking misyon.

Nakayakap lang ako kay Leonel habang naka subsob ang mukha ko sa dibdib niya. Hinawakan niya ako sa baba at pinatingin sa mukha niya.

Pinunasan niya ang luha ko at ngumiti siya ng marahan ngunit nang dumapo ang tingin niya saaking labi ay bigla siyang bumungingis.

Napalunok ako at umiwas ng tingin nang maalala kung paano kami mag halikan kanina! Hindi ko tuloy alam kung paano ako makakatakas sa kahihiyang 'to ngayon.

"Jezel" mapaglaro ang boses niyang tawa. "May sasabihin ako" tawa niya at yinakap ako nang mahigpit habang tumatawa lang siya. Umurong tuloy ang luha ko dahil sa tawang iyon!

"A-ano?" Tanong ko habang tinatago ang mukha ko sa katawan niya.

"Hindi ka marunong humalik" bungis-ngis niya dahilan upang agad akong tumayo ng tuwid at salubong ang kilay na tumingin sakaniya kahit pa namumula ang mukha ko dahil sa hiya!

Pahaplos-haplos pa ako sa mata dahil sa pag iyak!

"Tarantado!" Sigaw ko, agad niya akong hinawakan sa braso sa takot na iwan ko siya.

"Biro lang!" Bawi niya at hinila ako palapit sakaniya ngunit pumiglas ako at tinignan siya ng masama.

"Paumanhin, hindi ko dapat 'yon sinabi-"

"Malamang, first kiss—este ikaw ang unang halik ko! Ah, basta! Punyeta ka, 'wag mo 'ko kausapin!" Inis kong sigaw at mabilis na naglakad palayo, naramdaman kong sinundan niya ako at hinabol.

"Jezel naman, biro lang iyon—" humarap ako sakaniya at umirap.

"Humanap ka ng babaeng magaling humalik, bwisit ka!" Sigaw ko dahilan upang mapa lingon siya sa paligid at senyasan ako ng huwag maingay gamit ang kaniyang daliri sa bibig.

Nilakihan niya pa ako ng mata sa takot na may makarinig sa mapusok naming paguusap!

"Letche" singhal ko at nagpatuloy sa paglakad.

"Jezel, bakit mo ako pinaghahanap ng iba?" Tanong niya at napahawak pa sa dibib nang lingunin ko siya. Parang nang aasar lang habang sinasabayan ako sa paglakad.

Hindi ako tumugon kaya't nagsalita ulit siya, "Totoo? Ako pa lamang ang nakakahalik sa'yo?" Tanong niya kaya't napa tango ako at umiwas ng tingin.

Narinig ko ang pagtawa niya ng marahan, sinulyapan ko siya at nahuli ko ang pag kagat-kagat niya sa pang ibaba niyang labi habang nakangiti ng malawak!

Paghilom ng puso [IKALAWANG SERYE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon