KASAMA ko ngayon si Serpahina, naglalakad kami sa ospital kung saan nang galing si Ate Maria. Kalalabas niya lamang ng Ospital, ang sabi ni Ama ay sa bahay na lamang siya bibigyan ng lunas. Sobrang hina pa rin niya, sinikap ni Don Pancho na kuhanin ang pinaka magaling na doktor sa bayan upang maglunas kay ate Maria.
Kukuhanin lang namin ni Seraphina ang mga naiwang gamit ni ate Maria sa pinanggalingan niyang kuwarto. Sa iba sana iuutos ni ama ngunit nag boluntaryo na ako, nagbabaka sakaling may mahanap o malaman akong makakatulong sa sarili kong imbistigasyon sa pagkamatay ni Don Santiago.
"Kami na po rito, señorita" wika ng kasama namin ni Seraphina. Napatingin ako sa mga gamit. Kaunti nalamang pala iyon kaya't tumango ako.
Deretcho lamang ang tingin ko sa daan, iniisip ko kung bakit dinakip si ama. Siya ang pinagbibintangang kumitil kay Maestro Santiago.
Nagulat ako nang lumabas sa klinika ng doktor ni ate si Heneral Agas. Narinig ko kumakailan lang ang mga balitang pinatakas niya ang mga bilanggo na inaakusahang mga rebelde.
Naiintindihan ko namang mga kapanalig niya ang mga iyon ngunit parang linagay niya ang sarili niya sa alanganin, naniniwala rin akong alam niya ang magiging kaparusahan kapag napatunayang siya nga ang nagpatakas at tunay na mga rebelyon ang mga pinatakas niya.
"S-señora!" Napalingon ako sa kasama namin ni Seraphina, hindi dya mapakali ngayon na mukhang iniipit ang matres niya.
"Anong nangyayari sayo?!" Agad kong tanong at tatawag na sana ng doktor, mabuti nalamang at agad syag sumagot.
"Ihing- ihi na po ako!" Wika niya dahilan upang mapahilamos ako sa mukha.
"Akin na 'yan, umihi ka na don!" Utos ko at kinuha ang mga gamit niya.
Nang umalis siya ay nagtinginan kami ni Seraphina na parehong napailing-iling.
"Seraphina, mauuna na ako sa kalesa. Hintayin mo nalamang dito si Luica" saad ko. "Akin na ang mga bitbit mo" dagdag ko pa ngunit tumanggi siya.
"Susunod nalang po kami mamaya" ngiti niya kaya't napa tango nalamang ako.
Habang naglalakad ako palabas sa Ospital ay nakarinig ako ng boses ng nag susuka. Kunot noo akong sumilip sa parte kung saan malapit sa kanal. Laking gulat ko nang makita ang dugo sa daluyan ng tubig at nang makita kung sino ang sumusuka ng dugo ay lalong nanlaki ang mata ko.
"Kanina ka pa diyan, Dieselle?" Napa ayos ako ng tayo.
"Napadaan lang ho, Heneral" tugon ko kay Heneral Kolokoy este Heneral Agas. Napatingin ako sa paligid, kailangan ko maging pormal na babae dahil baka may nakatingin sa paligid at sabihing napaka bastos ko.
"Gagi, ba't ka nag susuka ng dugo? May sakit ka ba?" Tanong ko ngunit hindi siya tumugon.
"Bukas na ang paglilitis ng iyong ama, hindi ba?" Pag iiba niya ng usapan. Tumango nalamang ako.
"Nasa panig niyo naman si Heneral Herrera. Gayumapan mag ingat ka pa rin dahil tuso ang kaniyang ama" bilin niya saakin.
"Totoo bang pinalaya mo ang mga rebelde?" Tanong ko na kinatigil niya.
"Oo" tugon niya kaya't kunot noo ko siyang tinignan. "Huwag mo akong sinisiyasat Dieselle, magaling kang mambilog ng ulo sa pamamagitan ng patanong-tanong mong iyan. Hindi porke't magkaibigan na tayo ay mauuto mo na ako" tawa niya at naglakad, sumabay ako ng lakad sakaniya at binatukan siya upang matesting kung tunay bang friends kami.
Tinignan niya ako ng masama dahilan para mapa atras ako. "Char! Testing lang. Sabi mo kaibigan na kita, e!" Tawa ko sabay peace sign.
"Pinalaya ko ang mga rebelde dahil wala silang kasalanan" wika niya at tumigil sa paglakad.
BINABASA MO ANG
Paghilom ng puso [IKALAWANG SERYE]
Ficción histórica[Completed] Isang misyon ang nagdala saakin sa loob ng nobela, ang akda na may wakas na trahedya. Isang mundo sa loob ng kwento kung saan ako ang tatayo sa katauhan ng bida. Paano kung pagtapak ko sa mundong ito ay lumihis ang nakagisnang kapalaran...