Love- 20

237 15 13
                                    

Marian's POV

"Ano ba teka lang Josh" Sabi ko sabay hinto sa pagtakbo.

Bakit kasi kami tumatakbo, nakakapagod kaya.

"Bakit ba tayo tumatakbo?" Pagod na pagod na tanong ko dito.

Nakatingin lang siya sakin, ano na naman problema ng singkit na to.

"What?" Masungit kong tanong sa kanya.

"Siya ba talaga yung mapapangasawa mo?" Nakakunot noong tanong niya.

Natigilan ako at napatitig sa kanya.

"Ha--a-ano, oo" Malungkot kong sagot dito.

Nagulat ako ng guluhin niya yung buhok niya at napahilamos sa mukha.

Bakit ba kasi,nag aalala ba siya sakin, ayaw niya ba kong ikasal sa iba.

"G-gusto mo ba siya?" Nakatitig na tanong nito sa akin.

"H-hindi" Sagot ko, ni wala nga akong nararamdaman para sa kanya.

"Eh bakit mag papakasal ka sa kanya?" Sigaw nito.

"Eh bakit ka sumisigaw?" Ganti kong sigaw dito.

Natahimik siya, "Tara uwi na tayo" Aya niya sabay lakad palayo.

"Teka Josh" Sabi ko sabay hawak sa braso niya.

"A-ano kasi, ano kasi" Sabi ko na nauutal shemay naman.

"Ano?" Tanong din nito, puro ano talaga.

"Wala tara na" Malungkot kong aya dito.

"Kung ayaw mo sa kanya, tumanggi ka di dapat pinipilit ng mga magulang ninyo ang mapapangasawa ninyo, dapat kayo ang pipili ng makakasama niyo panghabang buhay ang pag aasawa" Sabi nito kaya nilingon ko siya.

Shemay, di ko alam kung ano ang nararamdaman ni Josh para sa akin, pero ako alam ko na.

Pero paano ko ipaglalaban yung nararadaman ko para sa kanya kung ako lang pala ang nakakaramdam ng gantong feeling, paano kung assuming lang pala ako.

Napakagat ako ng ibabang labi, naiiyak na ako sa nangyayari gusto kong sabihin na gusto ko siya, pero paano kung ireject niya ako.

First time akong makaramdam ng ganto, di pa nga nagiging kami mabobroken heart pa yata ako.

"Marian!" Tawag niya sa akin paglingon ko bigla niya akong niyakap.

Shet di ko na napigil umiyak, bakit ang lupit ng mundo siya ang gusto ko, gusto ko siyang ipaglaban, gustong gusto ko.

"Wag kang umiyak, di kita iiwan di kita hahayaan mag isa" Sabi niya.

"Dahil------ mahal kita" Dagdag nito, na nakapagpabilis ng tibok ng puso ko.

Parang may fireworks na lumabas sa kalangitan at sabay sabay ng pagkanta ng mga anghel ng halleluyah!

Napatingin ako sa kanya, totoo ba ang narining ko mahal niya di ba ako nabingi, nababaliw or what.

"H-ha?" Tanong ko, baka mali yung pandinig ko.

Napangiti siya sa akin, tapos pinisil ang ilong ko.

"Bingi bingihan ka ha" Sabi nito.

Niyakap niya ulit ako, "Sabi ko mahal kita, di ko alam kung kelan pa basta naramdaman ko na lang" Sabi niya.

Napangiti ako, Yes! The feeling is mutual, di lang one sided love tong samin.

"Wag mo muna ako sagutin, papatunayan ko muna sayo, manliligaw muna ako" Sabi niya pa at tumawa.

Aba loko ko feeler talaga kahit kelan eh.

"H-hoy ang kapal mo, ano feeling mo excited akong maging bo-boyfriend ka, excuse me" Pagtataray ko, namewang pa ako.

"Talaga?" Nakangising tanong nito.

Halikan este kutusan ko to eh, kapal ha.

Tumalikod ako at naglakad palayo sa kanya.

"San ka pupunta?" Tanong nito.

"Eh di uuwi" Sigaw ko sa kanya.

"Di naman diyan ang way pauwi sa inyo ha, papunta samin yan, bakit sa bahay ka na ba titira?" Tanong nito sa akin.

Anak ng kwago hilo, niloloko niya ba ko, nagmamadali akong lumapit sa kanya at binatukan ko siya.

"Aray ano ba, ina-under mo na ko" Sabi niya sabay himas sa ulo.

"Sira ulo ka talaga" Akmang babatukan ko ulit ito pero hinawakan niya yung kamay ko at hinila papalapit sa kanya.

Nahigit ko yung hininga ko dahil ang lapit na mukha niya sa mukha ko.

Pinitik niya ang noo ko, mahina lang at ngumiti sa akin, hinawakan niya yung kamay ko at naglakad bali hila na naman niya ako.

Jusme nagkapalit palit na ata yung lang loob ko sa sobrang kilig ko.

"San ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Iuuwi na kita" Sabi naman niya sabay kindat.

Anak ka ng tipaklong na duling, pambihira nag init ang mukha ko ibig sabihin namumula ako.

"Shatap!" Sigaw ko sa kanya, at pinaghahampas sa braso.

Tawa lang siya ng tawa, "Pinagloloko mo ako singkit ka" Di ako tumitigil sa kakahampas sa kanya.

"H-hoy---di ha totoo lahat ng sinasabi ko, ma-mahal talaga,aray! kita" Sabi niya.

Tumigil ako sa kakahampas kasi nakarinig ako ng tili kanya kanyang "Ayiieh" sa paligid.

Napayuko tuloy ako, shemay nakakahiya naman.

"Ate, ate" Kalabit sa akin nun bata na katabi ko.

"Ang ganda niyo po at ang gwapo niya bagay po kayo" Sabi niya at nagthumps up pa.

Tumawa yung nanay niya parang nasa 8 years old lang siya.

"Talaga?" Singit ni singkit sa amin.

Tumango ang bata at ngumiti ng pagkalaki laki sa amin.

"Apir tayo" Sabi ni Josh kaya nakipag apir sa kanya.

Umalis na sila ng nanay niya kumaway pa ito.

"Tara na" Aya na ulit sa alin, napunta kami ng park.

Naupo kami sa isang swing tahimik lang kami at walang balak mag salita sa amin, tanging tawanan at kwentuhan lang ng mga bata ang maririnig.

Tumingin ako sa kanya pero nakatingin na pala siya sa akin, grabe bakit pinabibilis niya ang tibok ng puso ko.

"Pagabi na halika hatid na kita" Hinila niya ako patayo.

Bago ako pumasok ngumiti muna ako sa kanya at kumaway "Ingat ka" Sabi ko lang.

"Okey bye!" Sabi niya at kumindat pa may sakit ba siya sa mata, panay kindat.

Tumalikod na ako pero bago pa ako pumasok tinawag niya ako,

"Marian, kaya natin to wag tayong susuko ha" Sabi niya sa akin.

Tumango ako sa kanya at ngumiti, di ako susuko lalaban ako para kay Josh.

vhans :)

A/N: ayan na ang marjosh moment masaya na diba? Shems kinilig ako sa kanila. Sana walang mang gulo bow! Hihihi :)

02-04-2015

What is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon