Marian's POV
"Miss Yan nandito na po tayo sa University" Sabi ng driver ko.
"Okey thankie!" Sabi ko, at bumaba ng kotse.
By the way I'm Marian Catherine Roldan, 19 years old at beautiful! Charot!
"Yannie sister!" Sigaw ng bruha kong kaibigan na si Ai.
Lapit nito at niyakap ako at humalik sa pisngi ko.
"Napaka hyper active mo" Sabi ko sa kanya.
"I know right!" Sabi nito na ngiting ngiti.
"Ui si Josh! Hi Josh!" Sigaw niya dito at kumaway.
Ngumiti lang ito at tipid sa amin, at tumango.
At naglakad palayo "Ui si She! Hi She!" Kaway niya ulit.
Itong babaeng ito pwedeng kumandidatong presidente napaka friendly.
Ngumiti lang din si She at naglakad palayo sa amin.
"Si Arjay, Hi Arjay!" Sabi niya.
"Ano ka ba Ai, nakikita ko di mo na kailangan sabihin" Sita ko dito.
"Why so sungit?" Nakangiting sabi niya.
"Ewan ko sayo!" Sagot ko.
Lapit ni Arjay sa amin "Goodmorning!" Bati namin.
Tumango lang ito, ang tahimik talaga nitong taong ito.
"Tara na nga!" Aya ko sa dalawa.
Mag kakaibigan kami since elementary, mag kakaibigan ang pamilya namin, kaya mag kakaibigan kami tatlo.
Naglakad kami papasok, pagdating namin dun nandun na si She at Josh nag uusap.
Umupo na kami, baka dumating ang aming beautiful yet monster professor.
Ang ganda kaso nakakatakot.
Lumingon sa akin si Josh, kaya napatingin ako.
"Why?" Tanong ko.
"Nothing" Sagot niya at tumingin sa harap.
Nagawa ko tuloy siyang mapagmasdan.
Emegerd, ang gwapo niya at pak na pak chinito pa.
Kung ikaw ay nakatawa, ako pa ba ay nakikita, nalilimutan ko ang itsura ko kapag ang kausap na ikaw, Oh chinito!
Lakas maka Enchong Dee eh, at ako si Yeng emegesh!
"Don't stare at me alam ko na ang gwapo ko" Sabi niya di nakatingin sa akin.
"I'm not staring at you, kapal mo!" Singhal ko sa kanya.
"Sabi mo eh" Nakangising sabi nito.
Inismiran ko lang siya, ang yabang nito, hmmp!
Dumating na si Miss Lizzie, may activity kami.
"Alright class, ang magiging partner niyo ay yung katabi niyo, tapos dahil five in a row yung nasa middle sila sila ang partners Okey?" Tanong nito.
Napatingin ako kay Josh, anak ng putakte kapartner ko siya, pagka naman talaga minamalas Oh!
Si Ai, infairness kachikahan na niya yung partner niya napaka friendly as always.
Napatingin ako kay Arjay at She, at mukhang magkakapanisan sila ng laway naku, mapapanis laway mo yan kay Arjay isang tanong isang sagot.
Tumingin ako kay Josh, ano bang problema nitong nilalang na to kanina nakangisi ngayon seryoso.
"What now?" Mataray kong sagot sa kanya.