Love- 14

272 14 12
                                    

Marian' POV

Nasa bahay kami ni Shei, nauna kami feeling bahay namin, kasama ko si Ai at Josh.

Dumating na din yung lovers, hihi wag kayo maingay baka barilin ako ni Arj, suplado over load pa naman yan.

"Hi" Bati namin sa kanila sabay peace sign.

Nanood kami ng ng movie insidious 2, late bloomer kami bakit ba.

Nakisali na din sila Shei at Arj sa amin.

Nakasalampak kami sa sahig si Shei tumabi sa amin si Arj sumandal naman sa sofa.

"Mga anak lalabas lang ako ha, kayo na muna bahala dito" Paalam ng Mama ni Shei.

"Sige po Ma, san ka ba pupunta?" Tanong ni Shei.

"Mag zuzumba anak!" Sabi nito, natawa tuloy kami.

"Mama, zumba ka diyan!" Sita ni Shei.

"Joke lang anak, bawal na ba ako mag joke?" Tanong nito.

"Okey fine Mama, ingat you" Sabi ni Shei at humalik dito.

"Ingat Tita" Sabi namin apat.

Umalis na ang Mama ni Shei, kami naman nagsisimula na ang nakakatakot na part.

"Kyaaaaah!" Sigaw ni Ai.

"Ano ba Ai!" Sita naman ni Arjay.

"Eh bakit nakakatakot alanganaman tumawa ako dito, horror nga eh hmm!" Sigaw ni Ai kay Arjay.

Yumakap siya kay Shei na parang nagpapakampi, parang bata.

Napatingin ako kay Josh na seryoso sa panonood, siniko ko siya "Galaw galaw din pag me time" Natatawa kong sabi dito.

"Wag ka nga seryoso ako!" Nakangiti niyang sabi, okey wag ngumiti masyado baka mafall ako.

"Waaaaaahh!" Nagulat ako ng sumigaw ng sabay si Shei at Ai kasi medyo nakakagulat na yung part ginulat din sila ni Arjay.

Tawa ng tawa ito na may paghawak pa sa tiyan, pinaghahampas siya ng unan nun dalawa.

"Aray tama na" Pigil niya sa dalawa.

"Tama na nga yan!" Saway ko sa mga ito.

Natatawa ako sa mga to, "Hoy horror pinapanood natin bakit tawa tayo ng tawa" Sabi ni Josh.

"Oh game na kasi di natin maiintidihan ang movie" Sabi ni Ai.

Umayos na kaming lima, emegesh nakakatakot nga pala eh.

Matapos ang ilang movie dapat uuwi na kaming lahat, dahil pagabi na.

"Dito na kayo mag dinner, mag luluto lang si Josh!" Nakangiting sabi ni Shei.

"Luh bakit ako?" Tanong nito.

"Oh di sige ako na lang!" Nakangising sabi nito.

"Ay sige ako na malason pa kami sa luto mo" Sabi nito sabay martsa papuntang kusina nila Shei.

"Mag sasaing na lang ako, diyan muna kayo!" Sabi ni Shei at sunod kay Josh.

"Ay let me help!" Sunod ni Ai, kala mo marunong di naman.

"Ako din, hoy sama ka na" Sabi ko sabay hila kay Arjay.

"Ano lulutuin mo?" Tanong ni Ai kay Josh.

"Sinigang na baboy!" Sabi nito sabay ngiti.

"Marunong ka?" Tanong ko.

"Oo naman wala kang balib sa akin?" Sabi nito at kindat, gosh!

"Oo Marian marunong yan" Sabi ni Shei habang nagsasalang ng sinaing.

What is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon