She's POV
"Tumigil ka nga" pagsaway ko dito, pero kilig na kilig pa din ako.
"Hoy love bird tama na nga muna yan" biglang singit ni Ai sa amin.
Natawa na lang kami sa sinabi nito.
"Tara na nga uwi na tayo" pag aaya ko sa mga ito.Habang naglalakad kami, biglang sumulpot si Kevin sa harap namin, may bitbit itong bouquet ng flowers.
"Hi!" Bati nito sa akin at sabay abot ng bulaklak sa akin na ikinabigla ko."S-sa akin to?" Tanong ko dito, tumango lang ito sa akin at di mawala-wala ang ngiti sa labi.
"Ehem!" Sabay-sabay na kunwari'y umubo ang mga kasama ko bukod kay Arjay na masama ang tingin kay Kevin.
"T-thanks" nagaalangan na abot ko sa bulaklak.
Pero kinuha ni Arjay sa kamay ko at binalik kay Kevin, nagulat tuloy ito sa nangyari.
"Di niya kailangan yan" seryosong sabi nito kay Kevin.
"I know, pero gusto ko lang ibigay to sa kanya" sagot nito at nakipagtitigan ng masama kay Arjay.
Nahigit ko yung pag hinga ko, dahil parang nakaron ng tensyon sa pagitan nilang dalawa.
"Tara na bro" singit ni Josh sa dalawa, "Sorry Kevin pero di mahilig sa bulaklak tong kaibigan ko" baling niya dito.
Nahila na ako ni Josh palayo kay Kevin, napatingin na lang tuloy na lang ako dito. "Grabe naman kayo, mabait naman siya" depensa ko sa mga ito.
"Pangs, sabi ko sayo diba lumayo ka sa lalaking yun" panenermon nito sa akin.
Napanguso na lang ako, lumapit lang sila Marian sa akin parang inaalo ako.
Napatingin ako kay Arjay na nakasimangot na din, ano ba kasing problema. "Minsan na nga lang may magbibigay sa akin ng bulaklak, kontra pa kayo" pabulong na sagot ko sa mga ito.
"Kaya din kitang ibili ng bulaklak, kahit araw-araw" narinig pala ako ni Arjay.
"Hindi yun ang ibig kong sabihin, mabait naman si Kevin at sincere siya kahit sa pagbibigay ng bulaklak" hanggang ngayon denedepensa ko pa dito ito sa mga kaibigan ko.
"Hay Pangs makinig ka na lang, ang tigas ng ulo mo" si Josh naman.
"Di ako tiwala sa lalaking yun, unang kita ko pa lang"seryosong sabi ni Arjay."Ako din, may iba akong kutob sa kanya" si Josh naman, kinutan ko lang sila ng noo.
"Hay naku, umuwi na nga lang tayo" pag aaya nila Ai sa amin.
**
"Ai!" tawag ko dito at tumatakbo papalapit dito, "Ang aga mo ha" bati ko dito."Oo nga e, maaga kasi akong nagising" nakangiting sabi nito, nagniningning ang mga mata nito.
"Inlove na inlove ang kaibigan ko" pagbibiro ko dito, namula naman siya kaya natawa ako ng malakas.
"Oh my, Ai nagbu-blush ka" sabi ko dito.
"Stop it, She" suway nito sa akin pero nakangiti.
"I'm happy for you" sabi ko dito at yakap ng mahigpit.
"Me too, I'm happy for you, for you and Arj" balik na yakap nito sa akin.
Napangiti ako, kinikilig ako every time na naiisip ko si Arjay nakaka-good vibes."She!" sabay kaming napalingon sa tumawag sa akin.
"Kevin" balik na bati ko dito, "Pasensya ka na kahapon ha" dagdag ko pa dito.
"No problem basta ikaw" sagot nito sabay ngiti, gwapo niya pero mas gwapo pa din ang Arjay ko, haha.
"Tara na She" biglang aya ni Ai sa akin."Hatid ko na kayo sa room niyo" prisinta nito sa amin.
"No" sabay na sagot namin.
"Ha, bakit naman?" Nagtatakang tanong nila sa akin.
"Basta wag na lang" si Ai na lang ang sumagot at umalis na kami.
"You know what sis, may something dyan sa Kevin na yan, basta medyo weird" sabi ni Ai habang nakakapit sa braso ko, pinilig ko lang ang ulo ko, ayaw nila kay Kevin, mukha naman siyang mabait, hay bahala na nga.
Pagkapasok namin ng room, nakita ko agad si Cara, kakagigil lang ang face.
Nakatingin din ito sa amin, pero nilampasan lang naming siya, ayoko masira ang araw ko.-+-+-+-+-+-
Ada's POV
"Sa tingin mo ba Mike may gumagawa ng masama sa mga kompanya natin?" Tanong ko kay Mike.Nag-uusap kaming kasama sila Yvonne, Zara, Andrew, Daniel at Ethan.
"Sa tingin ko Ada" seryosong sagot nito sa akin, napahilot ako ng sintido sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayari nakakastress.
"Ada, I Saw Mister Montenegro together with the Finance Manager of your company" Singit ni Andrew na ikanabigla ko.
"Really?" Gulat na tanong ni Zara.
"But why?" Si Yvonne naman ang nagtanong."Yun ang malaking tanong" Sagot ni Ethan dito.
"Actually nakausap ko si Tito Herman, nagtataka din ito kasi dahil sa close door meeting sa parents ni Ai at kasama si Mister Montenegro" si Mike ulit.
"Si Cara, baka may kinalaman siya dito" nagulat ako ng biglang singit ni Arjay, kasama si Josh, Vince at Joseph.
"Anong ginagawa niyo dito?" Paninita ko sa mga ito."Ate, involve kami dito" kontra ni Arjay sa akin.
"Kaya na namin ayusin ito Arjay, believe me" Singit ni Mike.
"Naniniwala naman ako Kuya Mike, pero gusto ko, I mean namin makatulong" sabi ni Arjay dito, "Ayokong umupo na lang at maghintay habang ginulo kaming Cara, ayoko na din dumating sa punto na may masasaktan sa amin, dahil sa kagagawan ni Cara" dagdag litanya nito sa amin.
Napailing na lang ako, "Alam mo baby boy, di mo dapat pinoproblema to, kaming na bahala, magsiuwian na kayo, gumawa kayo ng assignment" pagtataboy ni Yvonne sa mga ito.
"No!" Sabay-sabay na sagot ng mga lalaking kasama ni Arjay.
"Hay naku, kekukulit na bata" napa-face palm na lang si Zara.
Tumawa na lang sila Andrew, "Di na sila bata, in-love na nga sila kaya ayan nagpapaka-superman"
Napakamot na lang sila ng batok dahil sa sabi ni Andrew, gwapong mga bata.
"O siya, bahala nga kayo" pag-suko ko.
"Anong balak niyo?" Tanong ng
kapatid sa amin.Nagkatingin na lang kami.
Nakatitig ako sa malayo, tapos na yung pag-uusap namin, nagsi-uwian na din yung iba para makapagpahinga, nakakapagod.
Nagulat ako ng may umupo sa tabi ko si Andrew, "O bakit di ka pa umuwi?" tanong ko dito.
"Inisip ko kasi kailangan mo ng gwapong kasama" sagot nito na ikinatawa ko.
Pinaningkitan niya lang ako ng mata, kaya lalong nawala ang mga mata niya.
"Galing mo mag-joke no, funny ka" nakangising sabi ko dito.
"Ewan ko sayo, di ka marunong maka-appreciate ng kagwapuhan" sagot nito.
Katahimikan ulit, "Wag ka mag-alala maayos din ang lahat, malalampasan niyo ito, di namin kayo papabayaan, tutulong kami" sabi nito, kaya nilingon ko siya at nginitian. "Thanks Andrew"
"No problem, Ada ikaw pa ba malakas ka sa akin" at nginitian ako ng makalalag puso.
"Malapit na pala ang birthday ni Arjay" bigla kong naibulaslas.
"Really, that's great anong balak mo?" Tanong nito sa akin.
"Uhm..ano nga ba, tatanungin ko muna ang mga kapatid ko" nakangiti kong tugon dito.
Napangiti ako, big boy na talaga ang bunso namin.
------
A/N: ano kayang magiging ganap sa birthday party ng aging bida.
----
vhans :)
06-08-16
Sobrang tagal ng update hahaha ;)