She's POV
"Pangs, umupo ka nga nahihilo ako sayo" Naiiriti kong sita ko kay Josh.
Panay lakad kasi tinatawagan kasi niya si Marian di sumasagot.
"Nag aalala ako pangs bakit di siya sumasagot" Sabi nito at umupo at humarap sa akin.
Kami lang magkasama, si Ai kasama ang parents niya, si Arjay naman di ko din alam kung san napadpad yung lalaking yun.
"Hay naku kalma okey, tatawagan ko si Ai or si Arj para tanungin sila" Pagsuko ko sa kakulitan ng kaibigan ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang dalawa pero gaya ni Marian out of coverage sila anong bang nangyayari?
Missing in action ang mga ito san lupalop ng earth napadpad.
"Out of coverage din e" Sagot ko dito, nakita kong lalong nag alala si Josh.
"Ano ka ba, okey lang si Marian baka may ginagawa lang siya kalma ka lang ha" Pagpapakalma ko kay Josh.
"Pero ano kasi---" Pambibitin nito.
"Ano?" Tanong ko.
"Basta parang may mali pangs, nararamdaman kong may problema si Marian ayaw niya lang sabihin dahil ayaw niya akong mag alala" Sabi nito.
Napaisip ako, ilang araw na nga malungkot si Marian and even Ai, isama mo pa si Arjay na parang ilang araw na din aburido ayoko naman silang pilitin na sabihin sa akin, gusto ko sila ang mag share sa akin.
"Ano ka ba, wag kang nega" Sabi ko dito at kumapit sa braso tara na uwi na tayo, daan na din tayo sa bilihan ng kwek kwek" Nakangiti kong aya dito, tumango lang sa akin kaya umalis na kami.
Kulang, kaming dalawa lang nasanay ako na kasama sila, ano kayang problema sana okey lang sila.
Palabas kami ng campus ng nakita namin si Alex na naglalakad mag isa wala din si Vince.
"Hi Alex!" Bati ko dito, napa angat ako ng tingin dito parang maiiyak ito.
"Okey ka lang ba?" Tanong ni Josh, hinawakan ko naman ito sa kamay, alam ko na strong si Alex di siya iiyak sa isang mababaw na dahilan.
Di na yata niya napigilan ang sarili kaya umiyak siya, niyakap ko naman siya alam ko kailangan niya ng kaibigan.
Hinimas ko ang likod nito, "Tahan na!" Pag aalo ko dito.
Nahimasmasan na siya inabutan ni Josh ng panyo, "Di ko naman nagamit yan, tsaka mabango yan amoy ko yan" Pag bibiro ni Josh kay Alex natawa naman ito.
"Salamat ha" Nahihiyang sabi nito sa amin.
"Sus ano ka ba ayos lang yan, bakit pala umiiyak ka?" Tanong ko.
Napatingin siya sa amin ni Josh, "W-wala lang" Sabay layo ng tingin sa amin.
"Aalis na ako thank you ulit ha" Paalam nito sa amin.
"Sige babye ingat ka" Sagot ko, kumaway ako, si Josh naman tumango lang dito.
Pero di pa siya nagkakailang hakbang humarap siya ulit sa amin, "Kung anumang dumating na pagsubok wag tayong papatalo, okey?" Sabi nito.
Napatango lang ako ganun din si Josh, tinaas pa niya ang kamay at sabay sabing Aja! at naglakad papuntang kotse niya, nagkatinginan kami ni Josh, nagkibit balikat lang ito sa akin, "Tara na" Aya ko dito.
Paglabas namin ng campus sa di kalayuan may tatlong lalaking ako nakita parang familiar sila ng nakita nilang nakita ko sila bigla silang sumakay ng kotse nila at umalis.
"O ano pangs diyan ka na lang?" Tawag pansin ni Josh sa akin, kaya patakbo akong lumapit sa kanya.
***
"Hi Kuya!" Bati ko kay Kuya na kararating lang.
Pabagsak na naupo sa sofa si Kuya, "O bakit?" Tanong ko dito.
"Pagod lang" Sagot nito sa akin, napatango lang ako dito.
"Nakausap mo na si Tisoy?" Biglang tanong nito sa akin.
"H-ha?" Nagulat kong tanong dito, two days na wala si Marian at Arjay si Ai naman di daw niya alam kung bakit wala ang dalawa.
"D-di pa, paano mo nalaman?" Nagtataka kong tanong dito.
"Lizzie" Tipid na sagot nito, oo nga pala ba't di ko naisip yun.
Matapos namin magdinner, naisipan kong itext si Arjay two days ko na siyang di nakakausap namimiss ko na siya.
Hi kamusta, bakit di ka pumasok okey ka lang ba?" Text ko dito.
Ipinatong ko sa side table ko yung cellphone at pabagsak na humiga sa kama, katulad ni Josh nag aalala na din ako para kay Marian at Josh at Ai na kanina sa klase ay tulala.
"Ano bang nangyayari sa kanila?" Bulong ko sa sarili ko.
Ayaw kong pilitin si Ai, gusto ko bukal sa loob niya na ishare sa akin.
Tumunog ang cellphone ako at isang malaking ngiti ng mabasa ko ang pangalan ni Arjay at lumabas.
Arjay: Hi She, okey lang ako wag kang mag alala, kahit anong mangyari poprotektahan kita sa paraan alam ko tadaan mo palagi yan.
Napaupo ako ng deretso parang may something talaga, nakakakaba naman.
What do you mean?" Reply ko dito.
Wala, sige na matulog ka na She goodnight! Sagot nito sa text ko.
Napabuntong hininga ako at humiga ulit makatulog na nga.
***
Kinabukasan pagpasok ko nandun na sila Marian, Ai at Arjay.
"Uy kamusta okey lang kayo?" Paglapit ko dito, isang ngiti lang sa kanila pero di umabot ng mata nila.
"May problema ba kayo?" Pwede naman niyo ishare sa akin e, makikinig ako sincere kong sabi sa kanila.
Tumayo si Marian at lumapit sa akin at hinawakan ang mga kamay ko, "She whatever happens friends pa din natin ang isa't isa" Sabi nito sabay yakap ng mahigpit sa akin, nagulat man ako gumanti ako ng yakap dito na pinaramdam na kahit anong mangyari magkakaibigan kami at di ko yun kakalimutan.
Yumakap din si Ai sa akin, at si Arjay umakbay sa akin at hinalikan ako sa buhok, isang tipid na ngiti lang ang binigay ko dito, gumanti ng ngiti ito, shocks namiss ko tong ngiti na ito.
"Bakit wala pa si Josh?" Nagtataka kong tanong, magkasama naman kami kanina pag pasok.
Natapos ang buong klase na wala si Josh, kaya hinanap ko ito san kaya lupalop ng mundo napunta yung taong yun pero di ko nakita.
Nasa tambayan kami ni Ai at Arjay nawala din si Marian sabi niya mag C.R lang siya.
Tahimik kaming tatlo walang kumikibo sa amin tatlo malalim ang iniisip ng isa't isa.
Nakita ko si Vince na naglalakad palabas nakalagay ang mga kamay sa bulsa at nakayukong naglalakad, narinig ko ang mahinang pagbuntong hininga ni Ai na nakatingin kay Vince.
Arg ano ba kasing meron okey naman kami last week e.
Napasandal ako at pumikit nasstress ako, "Aalis na ako" Napadilat ako nakita ko si Josh na madilim ang mukha.
"Pangs san ka galing di ka pumasok?" Tanong ko dito, pero naglakad ito palayo, kinuha ko yung bag ko at susundan si Josh, humarap ako kay Ai at Arjay nagpapaalam ang mga mata ko.
Tango lang ang sagot nila sa akin, kaya tumakbo ako at hinabol si Josh, lalo akong nag aalala sa mga kaibigan ko.
-----
vhans :)
05-14-2015