She's POV
Nagkatinginan kami mukhang may problema talaga si Ai di kami sanay na ganyan siya.
"Ano kayang problema niya?" Nag aalalang tanong ni Marian.
"Kausapin na lang natin siya bukas!" Sabi ni Arjay.
"Oo nga it's been ang long day lets go home na!" Pag aaya ni Marian.
"Bye She and Josh!" Sabi ni Marian bumeso pa siya sa akin, si Josh naman nakipag fist ko fist kay Arjay.
Tumango lang si Arjay sa akin, ngumiti ako sa kanya at kumaway sa kanila ni Marian.
"Tara na Pangs" Aya niya sa akin.
Paguwi ko inusisa ako nila Mama nakita na ba daw si Ai.
Paano maaga kaming umalis para hanapin si Ai, nag hihysterical kasi ang Mommy niya kaya nataranta din kami sa pagkawala niya di pa macontact ang cellphone, akala namin nakidnap na.
"Okey na Mama, pero mukhang may problema talaga siya kakausapin na lang namin bukas" Sabi ko sa kanila.
"Papahinga na po ako" Sabi ko sa kanila at nagmano bago umakyat.
Matapos ko maglinis nahiga na ako hanggang ngayon iniisip ko pa din si Ai.
Pero bigla kong naalala yung nangyari kanina, shems naman nakakahiya.
"Anak!" Yugyog ni Mama sa akin.
"Ma anube walang pasok ngayon Sunday kaya!" Sabi ko at nagtakip ng unan sa mukha.
"May bisita ka ka bilisan mong bumaba nakakahiya kanina pa yan diyan" Sabi ni Mama sa akin.
Anubayan, baka Josh lang yan sasapakin ko talaga siya nambubulaho ang aga aga.
Naglakad ako parang zombie pababa.
"Goodmorning!" Bati sa akin na napakagwapong nilalang si Arjay.
Nanlaki ang mata ko siya, siya yung bisita ko, iniscan niya ako.
Oh my gosh lang, nagtatakbo ako pabalik sa kwarto ko "Ma ba't di mo sinabi sa akin na si Arjay pala yun" Sabi ko.
"Nagtanong ka ba?" Sabay walk out, enebe Ina naman.
Tinignan ko ang itsura ko sa salamin, naka loose na T-shirt ako at short short, gulo gulo yung buhok ko na parang may pinagdaanan ng sampung bagyo.
Kyaaahh nakakahiya talaga.
Nagmamadali akong nag ayos na hinarap ang bisita ko.
Medyo nagkakailangan kaming dalawa, parang pinipigil niyang wag tumawa subukan niya pektusan ko siya eh.
"Ahm---a-ano bakit ang aga mo?" Tanong ko.
"Nawawala kasi si Ai, nagtext ba siya sayo?" Tanong nito.
Chineck ko ang cellphone ko wala naman text galing sa kanya.
"Kila Marian?" Tanong ko ulit.
Pero umiling lang to "Wala din, magkasama na sila nu Josh hinahanap na siya nag aalala sila Tito't Tita baka naglayas daw ito, nag katampuhan daw kasi sila" Sabi nito na medyo malungkot.
"Sige hahanapin ka na siya" Sabi nito at tatayo.
"Wait sama ako" Sabi ko kinuha ko lang yung body bag ko, at nagpaalam kila Mama.
Nagpunta kaming mall sa favorite niyang boutique, park, even sa University pero walang Ai kaming nakita.
Nagdaan kami sa church kakatapos lang ng 10 a.m mass.