She's POV
"Thank you for coming" Sabi ko sa palabas na customer ng bake shop.
Ilang minuto din nag stay si Ai at Marian dito, nag enjoy ako kasi masarap silang kausap, bukod kay Josh sila ang nakausap ko ng matagal ng di tungkol sa pag aaral ko, masarap din pala na may ibang friends, hihi!.
May pumasok ng tatlong magagandang dalaga, wow! Artistahin ang dating.
"Goodafternoon po!" Masayang bati ko sa kanila.
"Goodafternoon!" Balik na bati nila sa akin sabay sabay tanggal ng shades, emegesh why so ganda!
"One chocolate cake for me!" Sabi nun nakayellow dress.
"Ako blue berry cake, please!" Sabi ng naka white shirt at short.
"Akin naman yung cheesecake, thankie!" Masayang sabi ng babae ba naka black blouse at jeans.
"Okey po!" Sagot ko lang, uupo na sana sila.
"Wait san si bunso?" Tanong nun naka jeans.
"Baka nasa kotse, wait i call him, yun talagang lalaking yun!" Sabi nun nakashort.
Lumabas siya saglit, at pagbalik nila i literally dropped my jaw i saw Arjay, ang gwapo talaga niya.
His wearing a simple black shirt, pants converse shoes plus shades, and his messy hair Oh my god! Ang gwapo talaga niya.
Siya ba ang tinawag na bunso, sisters niya ang mga ito, gandang lahi ha.
"What do you want?" Tanong nung nakadress.
Tinanggal niya ang shades niya, sabay tingin sa counter or sakin to be exactly parang nagulat siya ng makita ako.
"Hi Arjay!" Nasabi ko na lang at kaway.
"You know each other?" Masayang tanong ng nakadress at lumapit pa.
Buti walang ibang customer sila lang.
"Y-yes po, classmate po kami" Sabi ko.
"Really your working?" Amaze na tanong nun nakajeans.
"Scholar po ako sa SBCU!" Sabi ko.
"Really amazing, your very matalino and pretty!" Sabi ni ng nakadress.
"T-thanks po" Nahihiyang sabi ko sa kanila.
"Anyway, baby girl I'm Ada, she's Yvonne and Zara!" Pagpapakilala nun nakajeans.
Yung nakashort Yvonne daw, at Zara nakadress.
"Hi po" Nahihiya kong bati.
"Just call us Ate, keribambam yun" Sabi ni Ate Yvonne, yes Ate Yvonne talaga.
Ngumiti lang ako "Omorder ka na" Tulak tulak nila kay Arjay.
Nun nasa harap na siya ng counter, napakamot siya ng batok na parang iritang irita "Chocolate cake na lang" Sabi niya at sabay talikod, dere deretsong umupo sa isang upuan.
"Naku pasensiya ka na ha! Supaldo talaga yan pero mabait naman kulang lang sa tulog!" Bulong nila sa akin, napangiti ako, mukha nga po sa isip isip ko.
Umupo na din sila sa tabi ni Arjay, naserved ko na din yung order nila.
Habang kumakain sila, nagsisidatingan ang ibang customer, mas madami talagang tao dito sa bakeshop simula hapon pagabi.
Nakakakuha pa silang apat ng atensyon, eh kegagandang lahi naman kasi.
Napasimangot ako ng makita ko ang isa sa mahaderang customer namin, mag ina ito, nakakainis kasi ang yabang yabang tapos papalit palit ng order tapos sasabihin na tatanga tanga ang mga tao dito.