Josh' POV
Napangiti ako mababait ang mga Ate ni Arjay ang dami nilang kwento.
"Why don' t you eat Josh?" Bulong ni She sa akin.
"H-ha di ah" Sabi ko na lang at sumubo ng pagkain.
Napatingin ako kay Marian, nag tataka ba kayo ba' t naiinis ako sa kanya, ganto kasi yun, nalala ko lang after ng araw na naging classmate namin sila.
*flashback*
First year college ako, pauwi ako at sakto umuulan, may isang rumaragasang kotse at ayun boom basang basa ako at ang saya may kasama pang putik.
Busit na yan, bumaba ang isang magandang dalaga.
"Ops sarreh!" Walang kalatoy latoy na sabi.
"I'll buy you spare off cloths na lang" Sabi niya.
"Ganto ba talaga ang mayayaman?" Iritang tanong ko, at lumapit sa kanya.
"What are you saying?" Tanong niya.
"Imbes na mag sorry ka Miss, kung ano ano pa sinabi mo!" Iritadong sabi ko.
"Look Mister di naman sinasadya--" Di niya na natuloy ang sinasabi niya kasi nag salita ako.
"Miss di naman ang damit ko ang problema eh, yung pagkakatalsik mo sa akin, simpleng sorry lang naman eh ayos na!" Sabi ko.
"Naku hijo pasensiya ka na ha!" Sabi nun lalaki yung driver siguro nila.
"Halika san ka ba nakatira, hatid na namin" Sabi niya.
Pero dahil nabadtrip na ako ng husto, umalis ako, kahit tinatatawag niya ako.
*end of flasback*
Lumingon ito sa akin, nagtataka ako ba't di niya ako maalala, well siguro eh wala lang ang nangyari yung sa kanya, nakakabadtrip.
"Marian kamusta na pala si Aljohn?" Tanong ni Ate Yvonne.
Sumimangot siya at nagkibit balikat, sino kaya si Aljohn, naku Josh kelan ka pa naging tsismoso?
"Sino si Aljohn?" Tanong ni She.
"Uhm! Future Husband ni Marian" Sagot ni Ai habang busy sa pagkain.
Natigilan siya, at suminangot ng husto, napailing naman si Arj, tapos ang mga Ate ni Arj nagsitahimik.
"Boyfriend mo Marian?" Nagtatakang tanong ni She.
"No, She nakatakda na ang papakasalan ni Marian, well pati kami, yun yung pinili na mga magulang namin" Malungkot na sabi ni Ai.
Natigilan kami ni She, nasa Computer age na kami may fixed marraige pa rin pala.
"Re-really?" Nagugulat na tanong ni She.
"Pati ba ang makakasama niyo sa buhay dapat yung sinabi ng parents niyo?" Naiinis kong sabi.
"Ganun talaga?" Sabi ni Ai na malungkot ang boses.
"Alam niyo Ai and Marian kinausap namin si Mommy at Daddy and know what we have a deal!" Masayang sabi ni Ate Yvonne.
"Na hahayaan nila kaming mamili ng mapapangasawa yun lang dapat maproved namin at nila na they deserve us" Sabi ni Ate Ada.
"Really that's great!" Sabi ni Ai at Marian.
"Why don't you try?" Tanong ni Ate Zara sa dalawa.
Nagkibit balikat ang dalawa, nagkatinginan na lang kami ni She.
Parang kung titignan eh maswerte sila dahil maayos ang buhay, pero sa isang banda parang mahirap kasi ang parents nila ang mamimili ng mamahalin at makakasama nila habang buhay.
Napatingin ako kay Marian na nasa harap ko, dinudutdot niya yung slice ng cake na nasa platito niya.
"Hoy! Idedemanda ka na cake hinaharass mo siya" Pag bibiro ni Ai.
"Hay naku, wag na nga natin pag usapan yan nasstress lang ako" Biro din niya.
*
Pauwi na ako, galing akong Library, nakita ko si Marian nakasandal sa puno at mukhang malalim ang iniisip.
Nagulat ko ng sipain niya yung bato, at luckily tumama sa akin.
Nagulat siya " Naku sorry di ko sinasasya" Sabi niya na nakalapit na sa akin.
Nakatingin lang ako sa kanya "Bakit madumi ba mukha ko?" Nagtataka niyang tanong.
"Wala naman ang lalim ng iniisip mo?" Tanong ko, ako ang pumalit sa pagkakasandal niya sa puno, at inilagay ang kamay sa bulsa.
"Wala lang" Tumabi siya sa akin.
"Ba't di ka pa umuuwi?" Tanong ko.
"Wala ayoko pang umuwi, may makikita ako dun" Nakasimangot na sabi niya.
"Pero teka, ba't mo ko kinakausap? Di ba badtrip ka sa akin, tsaka oo nga pala ba't ka ba badtrip sa akin?" Nakakunot noo niyang tanong.
Natawa ako " Di mo ba ako natatandaan?" Tanong ko.
"Hindi, bakit binasted ba kita dati?" Tanong niya.
Lalo akong natawa " Hindi Ah, ako lang naman yung pinaliguan ng putik ilang taon na ang lumipas" Sabi ko.
Napaisip siya nilagay niya sa baba ang kamay, parang inaalala niya ang nangyayari.
"Oh my ikaw yung super sungit?" Sabi niya na may pag hampas pa sa braso ko.
"Ako pa talaga masungit, di ako mag susungit kung nag sorry ka agad" Sita ko sa kanya.
Ngumiti siya, anak ng patola ang ganda niya.
"Sorry naman, madami kasi akong iniisip that time" Sabi niya.
"Okey na, umuwi ka na anong oras na" Sabi ko at naglakad palayo.
"Teka! Wag muna, samahan mo naman ako" Sabi niya humawak sa braso ko.
"Si Ai or Arjay nasan?" Tanong ko.
"Si Arjay naging instant driver nila Ate, si Ai kasama parents niya at si She may work" Sabi niya.
Napakamot ulo ako " May work din ako eh" Sabi ko.
"Hmm ganun ba sige na nga, ingat ka" Sabi niya sabay talikod sa akin.
Okey nakonsensiya na ako " Ayos lang ba kung sasama ka sandali sa akin sa bookstore magpapa alam lang ako, para samahan kita" Sabi ko.
Humarap siya sa akin " Talaga?" Gulat na tanong ko.
Tumango lang ako, nagpapa palakpak pa siya.
"Tara na" Sabi ko.
secretvhans :)
A/N: MarJosh moment muna ako
01-11-2015