Arjay's POV
"Bye Arjay" Paalam ni Ai at Marian sa akin, tango lang ang sinagot ko sa kanila.
Pumasok na ako ng kotse ko at pinaandar, uuwi na ako manonood ako ng dvd.
Pagdating ko, dumeretso akong kwarto ko, at nagsimula ng manood.
Maya maya may kumakatok, pero di ko pinansin.
Pero di tumigil, parang ilang libong taon di naka katok, badtrip.
Pinause ko yun pinanonood ko at tumayo para pagbuksan kung sino man ang kumakatok.
Pagbukas ko "Baby brother!" Salubong ng tatlo kong mga Ate.
"Ngayon lang nakakatok?" Badtrip na tanong ko.
"Why so sungit?" Tanong ni Ate Ada.
"Di mo man lang ba kami namiss?" Si Ate Yvonne.
"May pasalubong pa naman kami" Sabi ni Ate Zara.
Yan ang mga kapatid ko, si Ate Adeline Jessica Montemayor, 25 years old, pangalawa si Ate Yvonne Jenica Montemayor, 23 years old at ang pangatlo si Ate Zara Jellaine Montemayor, 22 years old.
"Psh!" Yun lang sinabi ko nahihigh blood ako sa mga Ate ko, pambira pasalamat sila mahal ko sila.
"We miss you baby boy" Sabi nila at sabay sabay yumakap sa akin.
Ako ang bunso, ako nga pala si Aron Justine Montemayor, 20 years old, Arjay tawag nila sa akin palayaw ko.
"Oh pasalubong namin, bumaba ka na din, nasa sala sila Mommy at Daddy" Sabi ni Ate Ada.
Tumango lang ako, ang gugulo talaga nila tatlo napailing ako.
Tinapos ko muna ang pinanonood ko bago ako bumaba.
Nakita ko sila Mommy at Daddy, nasa sala kasama ang mga Ate ko.
"Hi baby" Bati ni Mommy at niyakap ako.
"Mommy, di na ako baby stop calling me like that" Naiinis kong sabi.
"What eves, still baby ka pa din namin lahat!" Sabi ni Mommy sa akin.
Wala na akong nagawa, ano pa nga ba what Mommy wants, Mommy gets.
Matapos nilang magkwentuhan, Oo sila lang nakikinig lang ako di talaga ako palasalita, kumain na kami ng hapunan at nagsipagpahinga na din, pagod silang lahat galing sa business trip ang parents ko kasama sila Ate.
Habang nagpapahinga ako, dahil di ako nakatulog agad nanood na lang ulit ako ng movie.
Matapos kong manood nahiga na ako pero di ako makatulog.
"Ano ba yan, bwisit di ako makatulog" Pabaling baling ako sa kama.
Napabangon ako, bumaba ako para uminom ng tubig.
Habang nasa kusina ako halos, mabato ko sa gulat ang Ate Ada ko, ginulat ba naman ako.
"Ano ba Ate, aatakihin ako sa puso eh" Galit na sabi ko sa kanya, may nakalagay pa sa mukha niya pambihira!
"Sorry baby bro!" Sabi nito nag peace sign pa.
"Di ka pa tulog?" Tanong nito sa akin, habang nagtitimpla ng gatas.
"Ay hindi Ate tulog na ako, naglalakad at nakikipag usap akong tulog sayo" Sarcastic na sagot ko.
Binatukan niya ako, "Letche ka, Ate mo ako ha!" Sigaw niya sa akin.
Nakikita naman nagtatanong pa kasi, tapos mambabatok nasan ang hustisya.
Napabuntong hininga to "Problema mo?" Tanong ko.
"Hay naku, alam mo na imemeet ko tomorrow yung soon to be husband ko" Sabi nito.
Naawa naman ako, parang curse ata sa amin yun, di kami pwedeng pumili ng makakasama sa buhay dahil bata pa lang kami may pinili na sa amin ang mga magulang namin, pero di ako pabor dun.
Napatingin naman siya sa akin, dahil siya ang panganay siya ang unang ikakasal sa amin, siya ang unang itatali sa taong di niya mahal.
"Ba't di ka kasi tumanggi?" Tanong ko.
"Baby bro, alam mo naman diba, sa tingin mo ba makakatanggi ako kila Mommy at Daddy?" Sabi nito at nangalumbaba pa.
"Why not, Ate ang pagpapakasal habang buhay yun" Sabi ko sa kanya at tumabi na sa kanya.
Ngumiti siya sa akin, "Di nga Ate, di naman fair na sila Mommy ang mamimili ng mapapangasawa mo" Pangungulit ko.
Habang nagkakaisip ako, sinabi ko sa sarili ko kung mag mamahal ako ipaglalaban ko siya.
"Kung ako ang nasa part mo di ako papayag, diba sinabi ko na sa inyo yun" Seryosong sabi ko sa kanya.
Pinatong niya yung ulo niya sa balikat ko, at bumuntong hininga.
"Lalim ha!" Sabi ko, natawa naman siya at hinampas ko sa braso.
"Ate listen, kakausapin natin sila Mommy bukas, Okey?" Sabi ko.
"Okey!" Hyper na sagot mula sa likod namin.
"Daya kayo lang kasi!" Pagmamatol ni Ate Zara, at yumakap sa amin.
"Tama si bunso Ate!" Sabi ni Ate Yvonne habang iniinom na yung gatas.
"Teka Ate akin yan" Sabi ko.
"Damot mo naman, tumikim lang" Sagot ni Ate Yvonne sa akin.
"Dapat talaga tayo ang pipili ng mamahalin" Sabi ni Ate Zara na naka backhug sa akin.
Tumango tango lang ako at inubos ko yung gatas mauubos na ni Ate Yvonne eh.
"Goodnight na, gumising kayo ng maaga bukas ha!" Sabi ko.
"Yes Comrade" Sabay sabay na sabi nila sumadulo pa.
-------
"Whaaat?" Napatayo ang Daddy.
"Dad, di naman fair na ang magpapangasawa namin ay kayo ang pipili" Pagpapaliwanag ni Ate.
"Dad, please naman" Sabi ni Ate Yvonne.
"Dad, Mom, alam niyo naman na mahal namin kyo diba, pero sana maintindihan niyo?" Si Ate Zara.
"Kami naman ng Daddy mo fixed marriage lang pero ito kami magkasama pa din" Sabi ni Mommy.
"Mom, di naman pare pareho ang buhay ng tao!" Sabi ko.
"Okey girls and baby boy, let's make a deal, hahayaan namin kayo, pag may nakita kayo dapat i'proved niyo na deserved yan napili niyo, pero pag di siya deserved, kung sino ang piliin namin yung ang papakasalan niyo, deal?" Litanya ni Mommy sa amin.
"Deal!" Sabay sabay na sabi nila Ate.
Tumingin sila sa akin "Ikaw?" Tanong ni Daddy.
Tumango lang ako, sang ayon ko sa kanila.
"Alright!" Masayang sabi ni Mommy.
secretvhans :)
Si Arjay sa multi media ang gwapo ano po?? Waaaah :)
01-07-2015