Love- 40

144 6 2
                                    

Yvonne's POV

"San kaya si Ate Ada?" Tanong ni Zara sa akin na nagpagulong gulong pa sa kama ko.

"Hoy bruha dun ka sa room ko, nabaliw na naman" Sita ko dito.

"Sungit nito first day mo?" Sabi nito at niyakap ang unan ko, at dahil isa't kalahating makulit siya di siya umalis.

"Kamusta kayo ni Doc?" Kaya napatingin ako sa kanya.

"A-ah okey....lang" Naiilang kong sagot dito.

"Ate Yvonne umamin ka nga sa akin, gusto mo si Doc pero ano ang pumipigil sayo?' Tanong nito sa akin, para naman akong nabilaukan sa sinabi niya.

"Zara Jellaine!" Sita ko dito, tumawa lang ito.

"You know what my dear Ate Yvonne, di mo masasabing nagmahal ka kung di ka masasaktan, pag nasasaktan ka kasi ibig sabihin nun nagmamahal ka" Sabi nito at infairness may hugot ang kapatid ko, ang bigat lang.

"Woah san mo napulot yan?" Tatawang tawa kong tanong dito.

"Tsk to naman serious po ako" Sabi nito at dumapa at humarap sa akin.

"Di nga Ate yung totoo?" Pangungulit nito sa akin.

Huminga ako ng malalim at humarap dito, "Sa totoo lang di ko talaga alam sis" Sabi ko at tinakpan ko ang mukha gamit ang mga kamay ko.

"Tss Ate kaya mo yan, ilang beses mo na siyang pinakawalan papakawalan mo na naman?" Tanong nito sa akin.

Napakagat ako ng labi, tama siya bakit ba ganto ako, nakakainis.

**

"What?" Sabay na sigaw namin ni Zara sa kwento ni Ate Ada sa amin.

"That's so unfair" Nakabusangot na reklamo ni Zara sa amin..

Napalunok din ako akala ko nakawala na kami sa ganun sitwasyon pero hindi pa din pala.

"Wag kayong mag alala di ko hahayaan na mangyari yun, ano na lang silbi ng pakikipagusap natin tungkol dun, tsaka si Arjay pa talaga sa ating apat siya ang may ayaw ng ganun set-up" Sabi ni Ate, napatango lang kami ni Zara.

"Teka ha Ate maiba tayo?" Sabi ni Zara.

"Ikaw yan diba, sino nagpaint ang galing?' Tanong nito kay Ate, oo nga no ang ganda ng paint.

"H-ha....a...o-oo ako si ano uhmm...si Andrew" Sagot nito sa amin at umiwas ng tingin.

Nagkatinginan kami ni Zara at sabay kaming napangiti, I smell something love ha.

Lumalove life na ang Ate namin, wish ko na makita niya talaga ang lalaki na magmamahal sa kanya.

**

"Miss Yvonne" Nagmamadali ang Assistant ko sa pag pasok sa office ko parang nakikiliti.

"O bakit?" Natatawang tanong ko dito.

Emegerd Miss Yvonne may gwapong nilalang sa labas hinahanap ka" Tili nito, napakunot noo lang ako dito sino kaya yun.

Agad akong lumabas at nakita ko nga ang gwapong sinasabi nito sa akin si Daniel, napasinghap ako ng lumingon ito sa akin at tinaggal pa ang shades, shet ang gwapo lang nalaglag ang puso ko.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko dito.

"Gusto ka kasing makita ni lola" Sagot nito.

"A-ah o sige, teka i'll get my bag" Sabi ko lang ang nagmamadaling kunin ang gamit ko.

Habang nasa kotse kami tahimik lang kami walang umiimik sa amin, nag dinner kami last time pero di na naulit, tsaka parang ang cold na naman niya sa akin, sumulyap lang ako dito.

What is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon