Love- 60

261 4 0
                                    

She's POV

"Bilisan niyo nga" reklamo ni Josh na kanina pa katok ng katok sa pinto ng kwarto kung saan kaming nag aayos.

"Hoy, Josh magtigil ka nga uupakan kita e" sagot ni Alex na busy sa pag lalagay ng eyeliner, diba multi-tasking nang-aaway habang nag ma-make up.

Tumigil din si Josh, napakaingay pasalamat siya mahal namin siya.

"She halika dito, ayusin natin sa buhok mo" aya ni Ai sa akin at pinaupo sa harap ng salamin.

Naka-red dress ako, at kinulot ang dulo ng buhok ko at light make-up. Napangiti ako ng makita ko ang sarili ko sa salamin, ang ganda ko hahaha! Gandang ganda sa sarili.

Tinignan ko si Ai na nag-aayos ng buhok ko, naka-pink tube dress ito at nakataas ang buhok kaya kitang kita ang maputing balikat niya, ang ganda ganda.

"Ai, ang pretty mo talaga, blooming na blooming ka" nakangiti kong sabi dito.

"Ano ka ba maliit na bagay, pretty ka din kaya, lahat tayo right girls?" sabay lingon kay Alex at Marian na busy din sa kakaayos.

"Right!" sabay na sagot nila na nag-appear ba biruin mo tong dalawang to magiging close din pala.

Naka-light blue spaghetti dress si Alex at hinayaan nakalugay ang mahaba at itim na itim na buhok niya na bumagay ng husto kaya kitang kita ang kaputiaan nito,makikita mo na may katarayan talaga ito, pero pag nakilala mo na mabait yan.

Si Marian naman naka- purple mini-dress nakakulot din ang buhok niya pero inipit ito at nakapatong sa kayang balikat niya, pinagpalit kasi siya ni Josh, kanina kasi nakablack dress siya na backless kaya makareact si Josh wagas, in the end nagpalit na din siya. Pero makikita mo na masaya na ulit siya blooming na ulit laging nakangiti na lalong ikinaganda na kaibigan ko.

"Ayan ang perfect o picture girls" kaya kanya kanya kaming pose para magpicture.

"Girls, labas na malapit na sila Ada" narinig ko ang boses ni Kuya Daniel.

"Lalabas na po kami, Kuya" sagot ko dito.

"Tara na baka umusok na ilong ni Josh" komento ko kaya natawa sila, ako ang unang lumabas at nakaabang na pala sila, Josh, Vince, Joseph, Kuya Andrew, Kuya Daniel at Kuya Ethan, "Grabe makabantay kayo" sagot ko sa mga ito.

"Aba, akala namin kinain na kayo ng make up niyo no" sagot ni Joseph na nakapamulsa.

"Oo nga, bakit ba ang tagal tagal mag-ayos?" Reklamo ni Vince na kunot-noo.

"Kaya nga gutom na ako" segunda ni Josh.

"Bakit nasa amin ba yung plato?" sabay labas ni Alex kasundo si Marian at Ai, natigil yung tatlo kakareklamo ng makita sila Alex.

"O, natulala" sabi ko sabay tawa, teka partner partner sila ako walang partner nasan ang hustisya?

Tumabi sila Kuya Ethan sa akin, "Kami muna tatlo escort mo hangga't wala pa si Arjay" sabi nito kaya natawa ako, pwede na din.

Sabay sabay kaming bumaba parating na daw sila Arjay, dahan dahan kaming pumwesto dahil madilim, surprise nga kasi.

"Aray, Alex naka-heels ka kaya" reklamo ni Joseph, balik sa aso't pusang away este lambingan tong dalawang ito.

"Sssh, quiet" saway ni Vince sa dalawa, "Hayaan mo nga sila" kontra ni Ai dito.

"Josh, sapakin kita" napalingon naman ako kay Marian na inaaway si Josh, "Ang ikli kasi ng suot mo" reklamo nito.

"Ano gusto mo mag-gown ako, mag-saya" nakasimangot na sagot nito, napailing na lang ako pero napangiti dahil bumalik sa dati.

"Ayan na sila" mahinang sabi ni Kuya Andrew.

"Tara na Arjay bilisan mo" narinig ko sabi ni Ate Ada.

"Ano ba ate, hindi naman tatakbo yan" sagot nito.

"Daming issue baby boy, sumunod na lang" komento nito.

Narinig naming ang pagbukas ng gate at hudyat para, "Surprise, Happy birthday Arjay!" sabay sabay na sigaw namin.

Nakita ko na nagulat siya sa nakita dahil ang malalapit na kaibigan at pamilya at bumungad sa kanya.

"Anong?" di niya matuloy sa gulat sa nangyari, pero napailing na lang siya at napangiti ng maabsorb siguro.

"Thank you, Thank you everyone" as always mabibilang ang salita.

"Happy birthday baby boy" sabay yakap ng Mommy niya sa kanya kasundo ng Daddy nito.

"Thanks Mom, Dad" nakangiting tugon nito sa mga magulang.

"Binata na talaga ang Arjay natin, Honey" komento ng Daddy niya at tinapik ang balikat ng anak, "I'm proud of you son" sabi nito kaya nag manly hug ang mga ito, mga eksena na tatagos sa puso mo.

"Happy birthday bunso namin" sabay sabay na lapit ng mga ate niya at ginroup hug siya at hinalikan.

"Kaya pala pinipilit niyo ako, thank you mga Ate, kahit ang kukulit niyo mahal ko kayong tatlo" sabi niya na ikinangiti ko minsan lang siya magsalita pero tagos sa puso.

"Mahal na mahal ka din namin" naiiyak na sagot nila Ate sa kanya.

Lumapit na din ang mga kaibigan namin, "Arjay happy birthday!" masayang bati nila dito, naiwan ako sa sulok.

Niyakap nila Marian,Ai at Alex ay nakipag fist to fist naman sa mga boys.

"Binata ka na" biro nila Ai dito, "Pwede na mag-asawa" segunda ni Joseph kaya siniko siya Alex.

"Aray ha, nakakarami ka na halikan kita dyan e" reklamo nito, kaya natahimik si Alex ang cute na couple nito.

Tumawa lang sila dahil sa dalawa. "Wait san si pangs?" tanong ni Josh, magtatago sana ako kaso huli na nakita niya ako.

Ngumiti ito sa akin, kaya napalapit ako dito at ngumiti din, "H-hi, Happy birthday" bati ko dito.

"Thanks She, alam mo din ito?" Tanong niya sa akin.

"Suprise!" Biro ko dito kaya natawa lang siya.

"Kayo talaga, pero thank you" sagot nito at nakakatunaw na ngiti ang isinukli sa akin.

"Masaya naman diba, sila Ate ang nag-organize nito" sagot ko muli.

"Alam ko na sila Ate talaga, iba takbo ng utak" natatawang sagot nito sa akin.

"Tara na" pag aaya ko sa kanya, baka maiuwi ko ito e hahaha.

Pumewsto na kaming lahat sa aming kanya kanyang table.

Kasama ko syempre ang mga kaibigan ko, si Arjay naman kasama ang parent at mga Ate niya sa may harap.

May surprise pa daw kasi sila Ate Ada para sa kanilang bunsong kapatid.

---

vhans

A/N: isang bagsakan hahaha, pambawi lang. Ano kayang kaganapan sa birthday ni Arjay.

06-08-16

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon