Love- 26

206 7 15
                                    

Ai's POV

"Oh kain kain din pag may time!" Abot ni Joseph sa akin.

"Salamat!" Sabi ko sabay ngiti ko sa kanya pero malungkot ito.

"May problema ka ba?" Tanong ko dito, umiling lang ito at pilit na ngumiti.

Meron to, parang others din ayaw mag share next time ko na kukulitin.

Napatingin ako sa mga kasama ko sa table, totoo sweet sweetan sila, nakakainis lang.

"Hoy, langgamin naman kayo Josh at Marian, kulang na lang magsubuan" Sita ko sa dalawa na ikinatawa ng lahat.

"Tawa pa kayo, She at Arj kayo din, magtitigan wagas" Dagdag ko na lalong kinaingay ng kasama ko sa table.

"Wag ka na mainggit Ai" Biro ni Joseph natatawa tawa.

"Di naman eh" Sagot ko sabay pout.

"Ai, can we talk?" Biglang sulpot ni Vince, napatingin tuloy ako kay Joseph na nakatitig sa akin.

"S-sige" Tipid na sagot ko, pipigilin sana ako ni Joseph pero sabi ko sandali lang.

"Ano yun?" Tanong ko dito para siyang may pinagdadaanan.

"May problema ka ba?" Nag aalala kong tanong dito.

Nagulat ako ng yakapin niya ako, "Uhmm....ano may problema ka ba, willing ako makinig" Sabi ko pa at hinagod ang likod.

"Ai!" Sabi niya, pangalan ko pa lang kinabahan na agad ako anyare Ai, kalma lang.

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin, hinawak niya ang magkabilang balikat ko.

Mukhang nakainom siya, amoy alak siyat at namumungay na ang mga mata niya.

"Ai!" Binaggit niya ulit ang pangalan ko.

"B-bakit nga?" Tanong ko ulit sa kanya parang frustrate na frustrate siya, sinabunutan niya ang sarili niya at hinilamos ang mga palad sa mukha.

"Hoy, ano ka ba, Okey ka lang ba?" Nag aalala kong tanong dito.

"Kayo na ba ni Joseph?" Medyo mataas na boses na tanong niya.

"H-ha, a-ano h-hindi, pero alam mo naman na, d-diba siya yung ano, yung pinagkasundo sa akin" Pagpapaliwanag ko.

Sinabunutan na naman niya ang sarili niya "Shet!" Rinig kong bulong niya, bulong pero narinig ko.

"Ai, di ko na kaya na di masabi sayo to, baka pag di ko sinabi ngayon to wala na akong chance" Sabi niya naguluhan ako.

Huminga siya ng malalim at hinawakan ang mga kamay ko, "Ai, gusto kita, shet hindi nga lang gusto, mahal na kita" Sabi niya na titig na titig sa akin.

Oh my gosh! Mahal niya ako, totoo mahal niya ako nagkagulo yung mga lamang loob ko nagkapalit palit na talaga sila.

Natulala ako sa kanya, parang huminto ang mundo ko sa mga sinabi niya.

"Ai mahal na kita!" Ulit niya sa akin.

Yayakapin sana niya ulit ako ng haltakin ako ni Joseph palayo sa kanya.

"Tol umuwi ka na, lasing ka na!" Sabi nito.

Kinuha niya ang cellphone niya at may idinail.

"Ipapahatid na lang kita kay Kuya Mario, di mo na kayang magdrive lasing na lasing ka na" Dagdag pa nito.

"Tol, nag uusap pa kami ni Ai" Sabi ni Vince na susuray suray na pilit akong inaabot sa likod ni Joseph.

"Tol lasing ka na" Sita ni Joseph, nakita ko ang pag tiim bagang ni Vince.

Nagulat ako ng kinuwelyuhan niya si Joseph, kinabahan ako agad kong pinigil ang dalawa.

"Ano ba stop it!" Sigaw ko.

"Tangna tol, bakit ka ba nakikialam?" Sigaw ni Vince kay Joseph.

Nakita ko lang na ngumisi si Joseph di siya natakot sa ginagawa ni Vince.

"Tama na sabi eh!" Pilit kong tinatanggal ang kamay ni Vince kay Joseph.

Nakakuha na din kami ng atensyon ng ibang bisita, agad naman tumulong si Arjay at Josh na pigilin ang dalawa.

Nasuntok ni Vince si Joseph, "Vince tama na!" Sigaw ko ng akmang susugod pa ito, umiiyak na ako sa frustration.

Lumapit si Marian at She sa akin si Alex naman lumapit din.

"Ano ba kayong dalawa?" Sigaw niya sa mga ito, masama ang tingin niya sa dalawang lalaki.

Nakita ko ang pagpalag ni Vince sa pagkakahawak ni Arjay at naglakad palayo.

Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad.

Si Alex naman di alam kung lalapitan ang nakahandusay na si Joseph o susundan si Vince.

Nilayo niya ang tingin kay Joseph at tumakbo papunta sa way ni Vince, napabuntong hininga na lang ito.

Lumapit lang ako kay Joseph, at tinulungan ko siya tumuyo.

"Ano ba kasing nangyari?" Tanong nila She.

Di ako agad nakasagot, "Wala yun lasing na kasi" Nakangiting sagot ni Joseph.

"Joseph nagdudugo ang gilid ng labi mo!" Natatarantang sabi ni She, agad namana lumapit si She at pinunasan.

"Hayaan mong si Ai ang gumawa niyan!" Hili ni Arjay kay She.

"Ito naman si Arjay, O.A, ako na nga!" Sabi ni Marian, pero di pa nakakalapit si Marian napigil na ni Josh.

"Si Ai na nga diba" Sabi nito, nagpout lang yung dalawa.

"Psh! ang gwapo ko talaga" Nakangising sabi ni Joseph.

"Gusto mo pantayin natin yan bangas mo" Sabay na pananakot ni Josh at Arjay sa kanya.

"Joke lang mga tol!" Tatawa tawang sabi nito, hinampas ko na lang para tumigil.

Kung wala kami sa gantong sitwasyon baka natawa na lang ako, pero di maganda ang sitwasyon.

"Tara na gagamutin ko na lang yan" Aya ko sa kanya.

Sumunod din yung apat sa amin, panay tanong nila sa amin, ang kukulit nilang apat.

"Kulit niyo ha!" Sabi ko.

"Ano nga kasi sinabi ni Vince?" Di talaga sila titigil.

Huminga ako ng malalim "Ano na.....mahal niya ako!" Sabi ko, nakita ko ang pagsinghap ni Marian at She, napangiti naman si Josh at napailing si Arjay.

Napatingin naman ako sa nakatitig na si Joseph.

"Anong sabi mo?" Tanong nito, umiling lang ako di ko naman talaga nasagot eh.

"I knew it, obvious naman" Sabi ni She.

Tumango tango lang si Marian at nakatingin sa akin.

"Do you like him?" Tanong ni Joseph.

Nakatingin silang lima sa akin, "H-ha, ano ano di ko alam" Sagot ko lang.

Nagkatinginan lang silang lahat sa sagot ko, di ko talaga alam naguguluhan ako eh.







vhans ;)

A/N: Ayan na ang mga komplikasyon ng Vince, Ai at Joseph.

As i promise another update ngayong araw.

02-15-2015

What is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon