Ai's POV
"Uwi na po kami Tito, Tita" Paalam namin sa kanila.
"Sige ingat kayo mga anak!" Nakangiting sabi nila.
Namiss ko sila Mommy at Daddy di ko sila nakakasama lagi.
Hinatid kami ni Arjay sa bahay "Thanks Arj, ingat you!" Sabi ko at kumaway, tumango lang siya sa akin.
Pagpasok ko, "Surprise!" Sabay na sigaw ni Mommy at Daddy.
"Mom, Dad Oh my kelan pa kayo nakabalik?" Tanong ko.
"Kanina lang baby, we miss you!" Sabi ni Mommy at yumakap sa akin.
"I miss you too!" Sabi ko at yumakap ng sobrang higpit.
"Bakit po kayo nandito?" Tanong ko.
Nagkatinginan sila "Ah baby i me'meet natin yung family at yung-----future husband mo" Sabi ni Mommy.
Nawala lahat ng excitment ko, umuwi lang sila dahil sa pagpapalago ng business nila, nasasaktan ako kahit alam kong mayayari ito, nasasaktan ako dahil feeling ko para lang akong parte ng business nila.
Nakatitig lang ako sa kanila "Baby stop crying!" Sabi ni Daddy.
Nagulat ako dahil umiiyak na pala ako, tumakbo ako paakyat at naglock ng room.
Napaupo ako sa likod ng pinto, kumatok sila pero di ko sila pinansin.
"Leave me alone!" Sigaw ko, sobrang sakit lang talaga.
Nahiga ako gusto kong makatulog kaagad para matakbuhan ko kahit sandali ang malupit na mundo.
Nagising ako na masakit ang mata ko, naligo ako at lumabas, di ako nagpaalam kahit kanino pag baba ko wala pa din gising.
Naglakad ako pupuntahan ko sana si Marian kaso baka tulog pa, pati si Arjay.
Balak ko din sanang tawagan si Shei at Josh kaso maaga pa, kaya napagdesisyunan kong lumakad mag isa.
Sakto pag dating ko sa simbahan mag i'start na ang misa, kaya naupo ako sa bandang likod.
Habang nagmimisa may isang lalaki tumabi sa akin, di ko tinignan wala ako sa mood.
Nagtuloy tuloy lang ito "Sumainyo ang kapayapaan" Sabi ni Father.
"At sumainyo din" Sabay sabay na sabi nito.
"Magbigayan kayo ng kapayapaan" Si father.
"Peace be with you" Sabi ko at paglingon ko sa katabi ko, si yabang.
Di ko sana babatiin kaso nasa church ako baka magalit si Lord, "Peace be with you" Seryoso kong sabi.
"Peace be with you miss beautiful!" Nakangiting sabi nito.
Pero dahil mabait ako di ko siya pinansin baka masuntok ko siya eh.
Natapos ang misa kaya lumabas ako, baka maaway ko si yabang magkasala na naman ako.
May nakita akong cafe kaya nagbreakfast muna ako, di ko pa din alam ang gagawin at san pupunta.
Bahala na si batman, tumayo ako at lumabas ng cafe.
"Magmamall na lang ako" Sabi ko sa sarili ko.
"Nakikipagusap ka sa sarili mo mahirap yan" Biglang may nagsalita.
Si yabang seriously, sinusundan niya ba ako? Inirapan ko lang siya.
"Pwede mo naman akong kausapin" Sabi niya sabay harap sa akin at nagtanggal ng shades.