Love-53

102 0 0
                                    

Marian's POV

Halos di ko malunok yung kinakain ko dahil sa eksenang nakikita ko.

Bakit ang sweet ni Alex at Josh, nakakaselos.

Siniko ko ang tulala na si Vince na nasa tabi ko pero wala pa din, lagi na tong tulala, ito naman dalawa sa kaliwa ko e ang sweet-sweet, halos langgamin na.

"Don't you like the food?" Joseph asked me.

"H-hindi, ano medyo busog pa ako e" palusot ko.

"You want something?" Si Alex na ang nagtanong. "Wait tatawag ako ng waiter" sabi pa nito.

"N-no, Alex okey lang talaga" pigil ko dito.

"Are you sick?" Si She naman, ayan na naman sila sa pangungulit sa akin.

Ngumiti ako sa kanila, "Kalma, ayos lang ako" natatawang sabi ko sa mga ito.

"Ayaw mo nito, akin na lang" sabay kuha ni Vince ng shaghai sa plato ko.

"Di ka naman gutom" sabi ko dito, nagkibit-balikat lang ito sa akin at nagtuloy-tuloy sa pagkain.

Nilingon ko si Josh, pero ng nakita nito na tumingin ako sa kanya, agad naman iniwas ang tingin.

Waaahh! Nakakainis dapat....dapat kami ng sweet. Aba bakit kayo ba, kayo ba? Kontra ng atribida kong utak.

"Kain na" bulong ni Arjay sa akin, tamango na lang ako dito.

Masaya pa din ako kasi nagkasama-sama kami lahat kahit na may mga di napagkakaunawaan.

Matapos namin kumain, naisipan ng umalis, may mga kanya kanya kasing gagawin.

Ako bumalik ng school may inaayos ako, hapon na din ng napagpasyahan kong umuwi.

Naglalakad ako sa lobby ng madaan ako sa SC, well madadaanan naman talaga ito malapit to sa entrance o exit ng school lobby.

Bumukas ang pinto nito at iniluwa ang pinakagwapong nilalang sa mga mata ko, si Josh.

"Una ako" rinig ko pa at sinara ang pinto, napatingin ito sa gawi kung nasaan ako.

Para naman nag slowo-mo ang nangyari, naglalakad ako papalapit sa kanya habang nakatitig kami sa isa't isa.

"Hey" sabi nito at pitik ng kamay sa harap ko, my gosh daydream pa more Marian.

"H-ha, a-anong sabi m-mo?" Tanong ko dito.

"Sabi ko bakit nandito ka pa?" Nakakunot noong sagot nito. Lagi nakakunot noo nito i-kiss ko kaya para mawala chos!

"May inaayos kasi ako nagpapatulong sila Ms. Lizzie" sagot ko dito.

"A, sige tara na uuwi ka na?" Kaswal na tanong nito, tumango lang ako dito.

Naglakad ito palayo, nakatingin lang ako sa kanya, pero huminto ito at humarap sa akin, "Dyan ka lang?" Tanong nito. "Tara na" aya niya sa akin.

Kaya naglakad ako papalapit dito, sabay kaming naglalakad, tahimik kaming dalawa, walang may balak maunang bumasag ng katahimikan.

Nakapamulsa lang ito at deretso ang tingin at ang seryoso ng mukha.

Pagdating namin ng parking lot, luminga linga ito parang may hinahanap, "San ang sundo mo?" Tanong nito.

"E, wala pinaalis ko na, sabi kasi ni Kuya susunduin niya ko, nagkaroon naman emergency meeting" pagpapaliwanag ko dito.

"Okey lang kaya ko umuwi mag-isa" nagthumps-up pa ako dito.

Bumuntong hininga ito at tumingin sa akin, "Tara hatid na kita" sabi nito na ikinagulat ko.

"Ha?" Tanong ko dito.

What is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon