Love- 27

244 10 21
                                    

Marian's POV

Nakahiga na ako pero di pa din dinadalaw ng antok, pabaling baling ako sa kama.

Naalala ko yung nangyari kay Ai, mahal siya ni Vince, pero para siya kay Joseph.

Parang ako, nasa ganung sitwasyon din, bakit kasi ang hard ng mundo.

Niyakap ko yung stuffed toy na bigay ni Josh sa akin, napangiti ako.

Kahit hard ang buhay masaya pa din ako dahil may Josh ako, oo claim ko na akin siya at di ko shinishare, akin ay akin lang.

Tumunog ang cellphone ko kaya tinignan ko, at umabot hanggang langit ang ngiti ko si Josh.

Josh: Gising ka pa?

Marian: Oo, bakit ikaw gising ka pa?

Josh: Di ako makatulog eh, iniisip mo yata ako.

Marian: Di no, asaness ka!

Josh: Sige sabi mo eh, tulog ka na!

Marian: Sige, ikaw din goodnight Josh :)

Josh: Goodnight :) see you in dreamland, My Princess, i love you.

"Kyaaaaaaaaa!" Tili ko my goodness kinilig ako ng bonggang bongga.

Nagpagulong gulong ako, grabe magpakilig.

Tumunog lang ang cellphone ko, may tumatawag kaso di pala si Josh si Arjay.

"Hello" Sagot ko dito.

"Ah, Marian ano kasi, a-ano ahm!!" Nag aalangan tanong nito.

"Ano nga!" Sigaw ko dito.

"May number ka ba ni Shelanie?" Malakas ng boses na tanong nito.

Napanganga ako, at ng makamove on, halos tumalon ako sa kama sa tuwa.

"Number ni She?" Natatawang sabi ko dito.

"Oo nga, paulit ulit" Naiiritang sagot nito.

"Ayiiiieehh bakit? Shet binata ka na Arjay pakutos nga!" Biro ko dito, wahaha buti di kami magkaharap baka nabatukan ako nito.

"Tigilan mo ako, ibibigay mo ba number o hindi?" Pananakot nito.

"Ang galing mo din ano, ikaw na humihingi ikaw pa galit!" Sigaw ko dito

"Pasalamat ka, number one fan niyo ako!" Sabi ko sabay tawa ng malakas.

"Sige forward ko sayo, galingan mo panliligaw ha!" Sabi ko sabay putol ng linya hahaha

Baka makaganti, finorward ko number ni She kay Arjay at nahiga na para makatulog.

**

"Marian!" May tumawag sa akin kaya nilingon ko.

"K-kuya?" Nagulat ako nun nakita ko si si Kuya sa harap ng University.

Tumakbo ako papalapit dito at niyakap ng mahigpit, umiiyak na din ako halos mag aapat na taon na simula ng umalis siya sa amin.

"Namiss kita Kuya Mike" Sabi ko habang humikhikbi.

"Namiss din kita baby, kamusta ka na, kayo nila Mommy?" Tanong nito at pinunasan ang mga luha ko sa pisngi.

"Okey lang Kuya" Sabi ko at ngumiti ako.

"S-si Vince?" Tanong niya, oo kilala niya si Vince.

"Classmate ko siya Kuya, kaso Kuya alam mo na mahal niya si Ai, nag confess siya dito" Pakukwento ko.

What is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon