She's POV
Palabas ako ng University para pumasok ng bakeshop.
Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip ng biglang may bumusina, "Anak ng tilapia!" Sigaw ko.
Nilingon ko to at nilapitan ang kotse, damuhong to papatayin ako.
"Hoy unggoy labas loko ka, papatayin mo ba ako?" Sigaw ko dito.
Binaba nito ang binata ang bumungad ang gwapo este ang masungit na mukha ni Arjay.
"Bakit kasi sa gitna ka ng daan naglalakad?" Nakakunot noong sabi nito.
Napatingin ako sa paligid, oo nga bakit ba kasi sa gitna ako.
Napahiya ako, at para masalba ko ang aking kagandahan sa nakakahiyang eksena tumalikod ako sa kanya at naglakad palayo.
Nakakahiya ka talaga She, bulong ko sa sarili ko.
Habang naglalakad ako dumaan ang kotse ni Arjay kaya nakahinga ako ng maayos.
Pero, wait ba't umaatras siya? Nakakalerkey.
Ng matapat siya sa akin binaba niya ang bintana "San ka ba?" Tanong nito.
"Ha?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.
"Papasok ka ba? Sabay na kita" Sabi nito.
"H-ha, ako?" Nagulat kong tanong.
"Ay hindi yung puno sa likod mo" Walang kabuhay buhay na sagot nito.
Nakakainis tong gwapong este masungit na lalaking to.
"Sakay na bilis!" Sabi nito sabay sara ng bintana.
Haru diyos ko po, nagmamadali akong pumasok sa kotse.
Tahimik lang kami sa kotse, mapapanis laway ko dito enebeyen.
"Ahm Arjay, ano salamat ha" Nahihiya kong sabi.
Napatingin ako sa kanya, nakatingin lang ng deretso, tumango lang ito.
Di ba marunong magsalita tong taong to.
"Ayos lang!" Simpleng sabi nito.
Pagkarating ko sa bakeshop "Thanks Arjay ha" Sabi ko sa kanya ay ngumiti.
"Okey lang, wag kang maglalakad sa gitna ng daan baka tuluyan ka ng masagasaan" Sabi nito.
Napangiti ako " Yes Sir" Sagot ko at sumaludo pa, kumaway pa ako bago siya umalis.
Kikiligin ba ako O kikiligin? Sige na nga, hahaha.
**
"Mama, Papa aalis na po ako" Nagmamadali kong sabi sa mga magulang malalate na ako.
"Baunin mo to, mag iingat ka ha!" Sabi nila.
"Opo!" Sigaw ko habang tumatakbo palabas.
"Oh my gosh, malalate na ako bakit walang masakyan" Sabi ko na nagpapapadyak.
"Ay baklang kwago" Napasigaw ako sino ba naman hindi, eh may bumusina sa akin.
"Sissy!" Tili ni Ai halika malalate na tayo, di na ako nagpachoosy baka malate ako no way highway.
Nagtatakbo kami ni Ai pagkababa ng kotse, kasi ilang minuto na lang talaga.
At sa awa ng langit nakarating kami ng room.
"Oh para kayong hinabol ng aso?" Tanong ni Marian.
"Teka tympers lang ha, hingal na hingal ako" Sabi ko.
Si Ai naman nakahawak sa dibdib niya.
"Grabe tumakbo kami malalate na kasi kami" Sagot ko kay Marian.