Love-49

137 2 0
                                    

Marian's POV

Halos lumipad kami papuntang bahay nila Arjay ng malaman na nandun si She, tinawagan kami ng ate ni Arjay.

"Urr, thank God, safe si She" komento ni Ai na katabi ko, kasama ko sa kotse ni Arjay, Joseph at Ai.

Si Vince naka-motor, susunod na lang daw siya, at sila Josh, Alex at Mei ay nasa sasakyan ni Alex na papunta na din.

Napangiti ako, tama buti na lang safe si She, sobrang taranta at takot ko ng malaman na may kumuha daw kay She, feeling ko kasalanan talaga ni Cara ang lahat, pati ang kinahaharap namin ngayon, ang dumi dumi niyang lumaro.

Pagkadating namin ng sasakyan nandun ni sila Josh, nakayakap si Josh sa kaibigan niyang si She.

Napangiti ako, alam ko na okey na siya, katulad ko alam kong masaya na ito at safe si She.

"She!" Tili ni Ai, at yumakap ng mahigpit dito. "Gosh sobrang nag-alala kami sayo, buti na lang you're safe" mangiyak-ngiyak na sabi nito.

Napangiti si She at niyakap ang tuluyang umiyak na si Ai, lumapit din ako dito at yumakap, "She, my God, buti na lang at safe ka" sabi ko at hinimas ang buhok nito.

She's my friend kaya ayoko may masamang mangyayari sa kanya, lumapit na din si Alex, Joseph at Vince para kamustahin si She.

Napatingin ako sa nakamasid lang sa amin na si Arjay, lumapit ako dito, "Bakit di mo siya lapitan?" Tanong ko dito, at binunggo pa gamit ang balikat ko.

"Mamaya" simpleng sagot nito, tipid talaga magsalita.

"Let's go home, She, nag-aalala na sila Tita sayo" aya ni Mei dito.

Tumango lang ito, tumingin ulit ako kay Arj, "Aalis na siya ano ba?" Sita ko dito.

"Next time na lang pagod siya" sabi nito, napailing na lang ako, hay naku.

Nagprisinta na si Alex ang mag sasabay pauwi kay She, Mei at Josh.

Pumayag na din kami, it's been a long day for us nakakapagod din talaga.

Pagkaalis nila naiwan na kami ni Ai, Vince, Joseph at Arjay.

Nag-kakailangan si Ai, Joseph at Vince, naging magkaibigan kami ni Vince, at nag-confess siya na mahal niya si Ai, pero dahil kami ang pinagkasundo, helpless kami lahat.

Alam ko si Ai, gusto din si Vince nararamdaman ko ito, sa pagtingin niya dito, nasasaktan ako para sa kanila, hay sobrang komplikado ng mundo.

***

Naglalakad ako papasok ng University ng makita ko si Josh na naglalakad din, papasok na din ito, nauuna siyang maglakad kesa sa akin, di pa siguro papasok si She.

Napatingin ako sa nakabendang kamay nito, di pa din magaling, buti na lang at kaliwa, dahil makakapagsulat pa din ito.

"Josh!" Tinawag ko ito, natigilan ako gaga bakit ko siya tinawag, magtatago sana ako pero huli na dahil nakalingon na ito.

Nakatingin ito sa akin na nakakunot ang noo, wala na akong choice kaya lumapit ako dito.

"S-si, S-she, kamu-kamusta di ba s-siya pa-pasok?" Nauutal na tanong ko.

"Okey na siya, di daw muna papasok, bukas na lang daw" pagpapaliwanag nito sa akin, tumango lang ako, kaya naglakad na ulit siya.

Ang cold, cold niya sa akin malamang Marian, ano gusto mo pa-party siya, pagkontra ng isip ko sa akin.

Pero parang may sariling isip ang mga paa ko, agad akong sumunod kay Josh at sumabay dito, napatingin siya sa akin, akala ko aawayin niya ako o sisigawan dahil sa pagsabay ko, pero nagkamali ako tahimik lang ito.

"K-kamusta na y-yung ka-kamay mo?" Tanong ko dito.

"Ito, tss malayo sa bituka gagaling din agad" malumanay na sabi nito, napahinga ako ng malalim, atleast civil kaming mag-usap.

Pagkarating namin ni room, parang nagulat pa sila dahil sabay kaming dumating.

Bago makaupo si Josh, nakipag-apir pa ito kay Alex, lately malapit si Alex kay Josh at She.

Umupo ito sa dating pwesto niya sa gitna namin ni Ai, may pagtatanong sa mata ni Ai, kaya I mounted later na lang, tumango lang ito at nginitian si Josh, pinisil lang ni Josh ang ilong ni Ai.

Namimiss ko na si Josh, yung sweet at maasikasong Josh, yung laging nakangiti at masaya, miss na miss ko na ito, nakatingin lang ako sa likod nito, dahil bahagyang nakatalikod ito sa akin, gusto ko siyang yakapin at i-comfort pero wala na e, wala na kami.

Kinausap kami ni Miss Lizzie dahil sa pagpipilit namin umalis kahapon, buti na lang at naintindihan kami, sinabihan lang kami.

Nasa tambayan lang kami nila Ai at Arjay, nakakamiss din yung panahon masaya kami lahat, nagtatawanan, nag-aasaran, pero masaya kami.

"I miss the old days" bulaslas ni Ai, napatingin ako dito, pati si Arjay.

"Me too" sang-ayon ko dito, umupo kami at pinagitnaan namin si Arjay, pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya si Ai naman, sumadal sa braso ni Arjay.

"Maayos din ang lahat" sabi ni Arjay at nginitian kami.

***

"Dad di ba unfair na ipipilit mo si Marian sa lalaking di niya mahal" rinig ko sa study room ang boses ng Kuya ko.

Nandito nga daw si Kuya, kausap si Mommy at Daddy sabi ng yaya ko.

"That's final" maotoridad na sabi ng Dad ko, napabuntong hininga ako.

"Dad, di mo ba napapasin may nagmamanipula sayo, hahayaan mo lang ba yun?" Rinig kong sabi ni Kuya, what does he mean.

"What?" Sigaw ni Daddy.

"May nagmamanipula sayo, sa inyo at i'm sure tuwang tuwa yun, dahil nasusunod ang plano nila" confident na sagot ni Kuya, ano bang alam niya.

"Tama na yan hijo, ano bang sinasabi mo" saway ni Mommy dito.

"Ipaliwanag mo" mahinahon na ang Daddy ko, I know napag isip yan alam ko na di niya gugustuhin na ginagamit siya ng ibang tao, ang pride ng Daddy ko kasing laki ng earth.

"Hayaan niyo po akong bumalik sa kompanya Dad, at malalaman mo ang ibig kong sabihin, at maayos na ulit ang lahat-lahat" sabi nito.

Ilang minutong katahimikan, "Alright, you'll going back to our company, magtatrabaho ka ulit dito" sabi ni Dad, napangiti ako sa tugon nito.

"Thanks, Dad" sabi nito at lumabas, napatingin ito sa akin.

"Nandiyan ka na pala sis, kamusta?" Tanong nito, pero imbes na sumagot niyakap ko ito.

"I'm happy for you Kuya, finally you'll back" sabi ko dito.

"Gagawin ko ang lahat maayos ito, malalaman natin ang puno't dulo ng problema, nakakapagtaka ang sunod-sunod na problema ng kompanya natin, ni Ai, at ng kila Ada, this time di na kita iiwan tutulungan ko na bumalik ang lahat sa dati alam ko na mahal ni Daddy ang kompanya, dahil dugo't pawis niya ito, di ko hahayaan na mawala lang ng basta-basta dahil sa pansariling kagustuhan lang" mahaba at mahiwagang sabi nito.

Napatingin ako dito, "What do you mean Kuya?" Tanong ko.

"Nothing!" Natawang sabi nito, "Sabihin na lang natin ng ako si Batman" pagbibiro nito, kaya natawa ako.

"Maayos din ang lahat, basta trust me sis" sabi nito.

"I trust you Kuya" sagot ko dito, at niyakap, di ko man naiintindihan ang lahat, atleast nandito ang Kuya ko.


-----

vhans :)

A/N: dahil di pumasok, update!

07-15-2015

What is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon