Ai's POV
Napangiti ako ng makita ko si Josh at Marian na sweet na sweet habang nagsasayaw nakakakilig lang talaga.
Si She at Arjay, jusme baka magkatunawan sa titigan nila sa isa't isa, sila na, sila na talaga sweet daming langgam dito.
Bakit nagmomoment silang apat ako dapat diba birthday ko kaya.
"Hoy!" Pang gagambala ni Joseph sa pagtingin ko sa mga kaibigan ko.
Natawa naman ako sa kanya, "Bakit?" Tanong ko dito.
"Wala nangingiti ka kasi diyan, nababaliw ka na ba?" Sabi nito at tumawa ng malakas.
"Sira, hindi no natutuwa ako sa mga kaibigan ko" Sabi ko dito at sabay turo sa dalawang pares sa gilid namin.
"Mag bo'boyfriend, girlfriend na ba sila?" Tanong nito.
"Tsimoso much lang?" Biro ko dito, ako naman ang tumawa.
Sumimangot lang siya, "Joke lang, hindi PA!" Pa kasi di pa pero malapit na, hihi joke!
"Ah!" Tatango tango lang ito at ngumiti.
"Bagay sila no?" Tanong ko dito.
"Oo, pero si Marian diba sila ang pinagkasundo ng family niya kay Vince" Sabi nito, na,ikinalungkot ko.
"O-oo nga, p-pero alam ko na this time di na papayag si Marian sa kagustuhan ng parents niya, may Josh na kaya siya" Sabi ko na buong buo ang loob.
Tumango tango lang ito, "Paano si Arjay?" Tanong nito.
Bumuntong hininga lang ako, "Si Arjay pa lalo naman yan" Sabi ko dito.
"Bakit sila kaya ipaglaban ang kalayaan nila para piliin ang mamahalin nila, eh ikaw?" Tanong nito.
"Sila kasi di sila nag iisang lumalaban may kasama sila, may inspiration e ako" Sagot ko na malungkot.
Pinisil niya ang ilong ko, "Wag ka na malungkot, birthday mo pa naman" Sabi niya.
Napangiti naman ako sa kanya, napaka sweet ni Joseph, maiinlove ba ako sa kanya pwede din diba, para di ako namomoblema.
Nagulat ako ng nakita ko si Vince na nakatitig sa amin, titig na titig siya sa akin, di ko alam kung ano gusto niyang iparating sa akin.
"Stop looking at him, di makakatulong sayo" Saway ni Joseph sa akin.
"What?" Naguguluhan ako sa sinabi niya, nag kibit balikat lang siya.
Tumayo si Alex sabay hatak kay Vince sa dance floor, love song pa din ang kanta.
Tumabi sa amin ang dalawa, kinabig ako ni Joseph papalapit ng husto sa kanya, ipinatong niya ang mukha ko sa dibdib niya.
Parang ang dating tuloy nakayakap ako sa kanya, nakita ko ang pagtingin nila She sa amin dalawa tapos sabay sabay silang apat ng ngumiti sa akin.
Lumayo ako ng konti, at tumingin sa kanya ngumiti naman ito ng pagkatamis tamis.
Nilingon ko sila Alex at Vince na nakatingin din sa amin.
Lalapit sana si Alex sa amin pero hinila ako nito palayo sa kanila.
**
Alex's POV
Lalapitan ko sana sila Joseph pero ang loko lumayas naiwan ako na nakatingin sa kanila palayo.
Galit pa din ba si Joseph sa akin, dahil sa sinabi ko sa kanya.
"Nakakainis!" Bulong ko at nilayasan ang natulala na si Vince.
Di ko naman sinasadyang sabihin sa kanya yun, ang kulit niya kasi, nakakainis talaga.
Sabay tunga ng wine, natetense ako.
Naiinis ako pag magkasama si Ai at Joseph oo walang kasalanan si Ai pero bakit parang inaagaw niya si Joseph sa akin bestfriend ko siya diba pero bakit ganun.
"Nakakainis!" Sigaw ko, nafufrustrate na ako.
"Problema mo?" Nagulat ako pag lingon ko si Joseph kaya lumapit ako dito at hinampas siya.
"Ano ba?" Tanong nito na hinihimas ang braso nakakainis to.
Tumingin lang ako kaya pinagpatuloy ang pagkuha ng pagkain, dalawang plato gutom much lang.
"Gutom ka ba?" Tanong ko habang nakatingin sa platong hawak niya.
"Hindi, yung isa kay Ai" Sabi niya sabay ngiti.
"Wala ba siyang kamay at paa, bakit ikaw pa ang kumukuha?" Naiirita kong tanong dito.
"Pagod na yun kakaistema sa mga bisita mga bisita niya" Sabi nito.
"Malamang siya may birthday, kaya aasikasuhin niya mga bisita" Sarcastic kong sagot.
Lately naging sarcastic na ako, enebe.
"Gusto ko lang siyang dalhan ng pagkain gutom na yun for sure" Sabi niya.
Naiinis ako, dati ako ba't ngayon hindi na, nakakainis na.
"Ako di mo aalukin, di mo man lang ba ako tatanungin kung gutom na ako" Savi ko na nagpipigil ng inis.
Humarap siya sa akin at tumitig kaya napayuko ako.
"Alex naaalala mo ba yung sinabi mo sa akin na,wag kitang pakialaman na wag kitang guluhin, na,wag akong epal, ginagawa ko lang ang gusto mo, ikaw ang nagtaboy sa akin" Sabi niya.
Napayuko ako lalo oo guilty ako, nakakainis lang.
"O-oo, pe-pero di ko naman, d-di ko n-naman sinasadya yun" Garalgal na boses ko.
"Alam mo Alex, ang sakit sakit na lagi na lang akong narereject eh, alam mo ba mahal kita, pero tangna di mo makita kasi si Vince lang ang nakikita mo, ako ano akong dakilang kaibigan, iyakan mo, punching bag mo, ni hindi mo makita ang halaga ko sayo" Sabi ni Joseph, natigilan ako, mahal niya ako ba't hindi ko alam.
"Di mo alam, manhid ka din eh, pero wag kang mag alala nagmomove on na ko, kakalimutan ko na yun nararamdaman ko para sayo tsaka yung sinabi mo na layuan kita, gusto ko kasi masaya ka" Sabi niya sabay talikod.
Nanghina ako, naalala ko yung mga sinabi ko sa kanya, tinanong niya paano ako sasaya ang sabi ko sa kanya, sasaya ako kung lalayuan niya ako at hindi papakaelaman.
Gusto ko siyang habulin pero, pinipigil ang ng pride ko, pero pinapanalangin ko na lingunin niya ako ay balikan, pero hindi nangyari hanggang mawala na lang siya sa paningin ko.
Kasunod nun ang pagtulo ng luha ko.
vhans :)
A/N: ohmygosh! Hahaha ano ba ito Ai at Joseph or Alex at Joseph.
Sino gusto niyo? Hahaha sagot dali! Hahaha!
Another update mamaya hihi, ito muna sa ngayon.
02-15-2015