Zara's POV
Halos tumalon, kumandirit at tumambling ako papuntang Hospital na aksidente ang aking Ate Yvonne.
Pambihira naman si Manong sa maling daan pa tumawid nandadamay pa na ibang tao, pag may nangyaring masama sa aking Ate Yvonne bibigyan ko ng isang malakas na kutos yun tsk!
Nakita ko si Ate Ada na kakababa lang din ng kotse, "Ate!" Tawag ko dito.
"Dapat dadaan muna ako presinto pero mas inaalala ko si Yvonne" Sabi nito sa akin, si Arjay ang tumawag sa amin may tumawag daw sa bahay kaya nagrush kami papuntang Hospital, sila Mommy at Daddy nataranta kaya pabalik na ng Pilipinas.
Dumeretso kami sa sinabing room number ni Arjay nauna kasi siya kesa sa amin, nakita namin si Ate na nakahiga sa kama pero mukha okey naman tumatawa e hala baka naalog ang brain cells niya.
"Ate, oh my gosh what happen to you are you okey baka kailangan mong operehan ano magsalita ka" Sabi ko dito na nakakapit sa magkabilang balikat niya.
"Zara ano ka ba okey lang ako mas nahilo pa ako sa pag alog mo sa akin" Natatawang biro nito sa akin.
"Tss kalma kasi" Sabi ni Arjay sabay akbay sa akin.
"Ano ka ba pinag aalala mo kami, sure kang okey ka lang, Nurse pakisabi sa Doctor na lahat ng test gawin niyo sa kapatid ko para malaman na wala talaga siyang injury" Utos ni Ate sa mga Nurse.
"Ate kalma okey lang ako, hmm...medyo sumakit lang ang braso ko at nahilo na very light pero okey na ako" Pag tutol ni Ate Yvonne.
"No gusto ko malaman na wala kang nakuha malalang injury kaya kailangan lahat ng test" Pagdiin sabi ni Ate kaya quiet na sinabi ni Ate Ada at serious mode siya kaya walang kokontra.
"Oh..key!" Pagsuko ni Ate Yvonne.
Biglang may pumasok na gwapong Doctor, sino pa ba di si Doc Daniel.
"Hey what happen to you are you okey, ipinahanda ko na lahat para matest ka para malaman na wala kang malalang injury, okey!" Sabi nito, napatango na lang ako aba may super powers so Doc narinig sinabi ni Ate Ada amazing.
Napangiti ako, worried much ang Lolo niyo love pa din niya si Ate nafifeel ko talaga yun, at nagprisinta siya na ang Doctor na titingin kay Ate.
Buti naman walang masamang nangyari kay Ate, pero madami siyang test na gagawin so mag s-stay siya ng ilang araw dito sa Hospital.
"Tsk okey lang naman ako e ayoko sa Hospital" Pagrereklamo ni Ate Yvonne.
"Ate, okey lang yan para malaman na wala kang malalang injury konting tiis lang" Pang aalo ng aming baby boy ang sweet lang.
"Yeah Ate oks lang yan, tsaka gwapo naman Doctor mo e" Sabi ko sabay ngisi kaya kinurot ako nito, pero tumawa lang ako, kunwari pa.
At dahil mabait akong kapatid ako ako kasama ni Ate Yvonne, si Ate Ada ay nagpunta ng presinto kaya sinamahan ni Arjay at may isa pang body guard si Andrew naks lumalove life.
Pero sabi ni Ate Yvonne wag na magsampa ng kaso hassle pa tsaka kawawa naman daw yung matanda kaya di na magsasampa ng reklamo, kakausapin na lang daw si Manong pasalamat siya at walang malalang nangyari kay Ate kundi lagot siya.
"Ate may gusto ka bang kainin?" Tanong ko dito.
"Hmmm...gusto ko ng hambuger, fries samahan mo na ng coke float ha pati pala spagetti tsaka chicken, thank you Zara my dear!" Ngiting ngiting sagot nito sa akin.
"E...di ka naman gutom ano?" Natatawang biro ko sa kanya kaya nagkatawanan lang kami.
Di pa ako nakakalabas may kumatok na at pumasok si Lola Imelda at ehem si Ethan pogi.