Love-48

108 1 0
                                    

She's POV

"Waaaahh pakawalan niyo ko, wala pambayad ang pamilya ko sa inyo, di kami mayaman" tili ko at panay palag ko.

Paano ba naman may kumuha sa akin, na mga men in black at agad piniringan ako, pero di pa ako naisasakay sa sasakyan may narinig akong sumigaw na, "Hoy bitawan niyo siya" at naramdaman ko na nagkagulo sila.

Di ko alam kung sino ang bumibit sa akin, kung yun mga men in black ba or yung may sumigaw na bitawan ako.

"Pakawalan niyo ko, sasaktan ko kayo!" Sigaw ko sa mga ito at pilit pumapalag, at pinaghahampas ang dalawang katabi ko.

"Bakit ka namin papakawalan, sasaktan mo pala kami" sagot sa akin, aba damuhong to sumasagot pa.

"Waaahh pakawalan niyo ko, aaahh!" Sigaw ko.

"Try mo din kasing tagalin yung piring mo wala naman tali yung kamay mo" sabi ng isa sa kidnaper ko.

Tumigil ako, oo nga ano wala naman pala, binaba ko ang piring ko, napatinginin ako sa lalaki na katabi ko sa kanan, napakurap ako parang familiar siya, lumingon ako sa kaliwa ko pati siya familiar din.

"Hi!" Bati ng lalaki na nagda-drive", Familiar kayo?" Sabi ko sa mga ito.

"Ako pala si Andrew, yan katabi mong mga pangit ay si Doc Daniel at si Prof Ethan" san ko nga ba sila nakita.

Ang gwapo naman ng mga kidnapper ko at ang babango base sa mga napapanood ko sa t.v di ilong friendly ang mga ganun, sila ang kidnapper ko bakit, hala baka kukunin nila yung laman loob ko at ibebenta, hala! Oh no wag muna bata pa ako, di ko pa nahahanap yung ka-forever ko e, ay mali nakita ko na pala si Arjay, pero di ko pa nasasabi na siya yung ka-forever ko, di man lang ako nakapagpaalam sa mga magulang at kuya ko, ang lupit mo o mundo.

"Di kami kidnapper niligtas ka namin" sabi nun lalaki na na sinasabing Doc Daniel, ang gwapo po.

"Eeehh talaga, sino yung mga..." di ko na natapos ang pagtatanong ko nun sumagot yung sinasabing Prof Ethan.

"Niligtas ka namin dun sa mga gusto talagang kumidnap sayo" sabi nito sa akin.

"A...o-okey po, e san tayo paparoon?" Tanong ko sa mga ito.

"Malalaman mo din" sagot nun Andrew.

Napatango ako, mukha naman safe ako sa kanilang tatlo.

"Nag-iisip ka siguro saan mo kami nakilala, let me remind you" sabi ni Doc sa akin.

"Bake shop, kilala namin ang mga Montemayor, si Arjay" sabi nito.

Parang may light bulb na umilaw, oo naalala ko na sila tatlo sila ang lovelife este ang kaibigan nila Ate Ada.

"Pupunta tayo kila Ada, yung mga lalaking kasama namin tumulong para iligtas ka, naka-convoy sa atin ayun o" turo sa kotseng pula sa likod.

"Ahh..e teka bakit ako kikidnapin ng mga men in black, may atraso ba ako sa kanila?" Nag-aalang tanong ko sa mga ito.

"Di din namin alam, wag ka mag-alala baka sila Ada alam" sagot ni Prof Ethan.

"Nandito na tayo" nakita ko papasok kami sa gate papuntang bahay nila Arjay, malayo pa lang nakita ko na sila Ate Ada, Ate Yvonne at Ate Zara.

Pagkababa namin, sinalubong ang nung tatlo,

"Baby girl okey ka lang ba?"

"Walang masakit?"

"Di ka ba nila sinaktan, ano magsalita ka" ayan ang tanong nilang tatlo.

"Kalma naman kayo, paano makakapagsalita kung sunod-sunod ang tanong niyo" natatawang awat nung Andrew sa kanila.

"Naku, thank you ha, salamat talaga" masayang pasasalamat ni Ate Ada.

"No worries" simpleng sagot nila sa mga ito.

Nakita kong bumaba ang mga sakay ng red car na naka-convoy sa amin, sila yung mga maton sa bake shop, sila din yung tumulong sa akin nun hinarang ako ng unang batch ng men in black.

"Oh, baby girl, para masagot ang mga katanungan mo, sila ang mga bantay mo, pinababantayan ka namin sa kanila, kaya kung napapansin mo paligid ligid sila sayo" pagpapaliwanag ni Ate Ada.

"Tapos katulad kanina, may mga kidnapper ka sila yung nag-help sayo, tapos tung tatlo nakita na may gulo so ayun tinulungan ka nila" si Ate Zara.

"Paano niyo nga pala nalaman na kami ang nagpapabatay kay She?" Tanong ni Ate Yvonne kila Doc.

"Matapos yun, bakbakan, pinaliwanag nila sa amin ang lahat, kaya kami na mismo ang tumawag sa inyo" sagot ni Doc, so sila Ate pala ang kausap nila nun nasa kotse kami.

"Aaahhh!" Sagot lang nun tatlo.

"Thank you po mga Kuya, you save my precious life" nakangiting pasasalamat ko sa kanila.

"Teka po sino naman yung mga men in black?" Takang tanong ko.

"Hay, di pa ako sure pero sa tingin ko si Cara ang nagpadala nun para takutin ka, mahirap man na maghusga, pero sa tingin ko siya talaga, madumi talaga sila lumaban ng tatay niya" naiiritang sagot ni Ate Ada.

"That bitch!" Biglang sigaw ko, gusto ko siyang kalbuhin ora mismo.

"Tsk, I know pagod kayo let's go inside para makapagpahinga kayo" aya ni Ate Zara sa amin.

Sabay sabay kaming pumasok sa bahay nila, nasa sala nila kami, yung mga body guards ko umalis muna may gagawin daw muna.

Habang nakaupo kami, "Ate thank you ha, kung di mo ako pinabanatayan baka hawak na ako nun mga pangit na yun" sabi ko dito.

"Welcome, bebe love ka namin e, tsaka nararamdaman ko na may balak na masama yan si Cara sayo" sagot nito.

"Kung medyo di kayo okey ng baby boy namin, paki-intindi ha, actually di namin alam kung ano ang nasa isip niya, alam mo naman yun di nagsasalita" si Ate Yvonne.

"Oo nga, paki-intindi ha" pagsang- ayon ni Ate Zara sa kanila.

Napangiti ako, kahit medyo nahu-hurt ako di ako susuko kay Arjay, kahit pa i-snob niya ako.

"Aahhh!" Biglang sigaw ko.

"Bakit?" Nag-aalalang tanong nila sa akin, "Baka nag- alala na sila Josh sa akin, I'm sure na nalaman na nila kasi si Kevin nakita ang pagdukot sa akin" sagot ko.

"Ay naku, sige tawagan natin sila" sabi nila Ate.

Sila Mama ang tinawagan ko, "Ma, wag ka nang umiyak okey lang ako, uuwi na din po ako, mahal ko din po kayo" naiiyak kong sabi dito, akala ko kanina di ko na sila ulit makikita, naging emosyonal na din ako.

Pagkababa ko ng telepono, tumunog ulit ito si Josh, "Pangs!" Nagaalalang sagot nito.

"Okey ka ba, di ka nila sinaktan?" Sunod-sunod na tanong nito.

"Opo, okey ako may mga tumulong sa akin, sorry kung pinag-alala ko kayo" sabi ko dito.

"Okey lang ang importante safe ka, papunta na kami diyan" sagot nito, napangiti ako, ang swerte ko sa bestfriend ko, kahit makulit yun.

"Okey, i'll wait here" sagot ko dito.

Napatingin ako sa mga kasama ko, sila na din ang unang tumawag kila Josh na wag mag-alala at safe ako.

Thankful ako kasi may mga taong tumulong sa akin, thank you Lord sa mga mabubuting tao.

------

vhans :)

A/N: ayan na po si Shelanie, nakita na.

07-12-2015

What is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon