Ai's POV
Kanina pa tulala si Marian ano kayang problema nito.
"Sister ano kanina ka pa tulala?" Tanong ko dito.
Umiling lang siya, seriously sa akin pa siya nagsekreto kilalang kilala ko siya.
"Di nga Marian kilala kita anong problema?" Nag aalala kong tanong sa kanya kaibigan ko siya simula pagkabata kaya kilala ko siya.
Nakita ko ang unti unti pagbasa ng mata niya at nagsimula ng umiyak.
Nag alala ako kasi di naman iyakan tong si Marian kilala ko ito, last time na umiyak ito ng ganto katindi e nun umalis ang Kuya niya sa kanila.
"Hey what happen?" Tanong ko dito at niyakap ng mahigpit.
"A-alam....na ni D-daddy ang tungkol sa amin ni J-josh!" Garalgal ang boses nito, nagulat ako uhmm oo di naman sikreto ang tungkol sa kanila pero paano nalaman ni Tito.
"Pa...a..nong nalaman?" Tanong ko dito.
"Di ko alam!" Iling nito at sabay yakap sa akin, nakakainis nararamdaman ko din ang nararamdaman ni Marian kasi pareho kami ng sitwasyon bakit kasi kailangan sila ang mamimili ng mamahalin namin.
"Tahan na" Sabi ko dito at hinimas ang likod niya.
"Uhm tatawagan ko si Josh.!" Pero di ko pa nakukuha ko cellphone ko pinigil niya ako.
"No ayokong malaman niya mag aalala lang yun sa akin" Sabi nito.
"Ano ka ba syempre mag aalala yun sa iyo mahal ka niya" Sabi ko dito.
"Please promise me di mo sasabihin to sa kanya Ai kahit sa iba, please!" Nagmamakawang sabi nito sa akin, napatango naman ako napaiyak na din, naawa ako para sa kanya at naiinis din sa sarili ko at the same time kasi wala akong magawa for her.
"Okey i promise, tama na sis magaging okey din ang lahat" Sabi ko dito at pinunasan ang mukha niya.
Ngumiti ito pero alam ko na fake yun, hay buhay ng naman.
"Tara na baka mag start na ang class natin" Aya ko dito, tumango lang ito kaya naglalakad kami papunta kami ng classroom.
Nakasalubong namin si Cara at may kakaiba sa ngiti niya at di maganda ang kutob ko dito.
Inirapan ko lang to, gusto ko man tusukin ang mga mata nito pinigilan ko lang ang sarili ko.
Pagkapasok namin sa room, yun din dating nila Josh, agad na lumapit ito kqy Marian si Marian pilit lang ngumungiti naawa ako sa kanya.
Siniko naman ako ni Arj kaya hinarap ko to, "Bakit?" Tanong ko dito.
"Ano problema mo?" Tanong nito na din tumitingin sa akin.
"W-wala!" Sagot ko dito di ako tumitingin sa kanya.
"Wala pero ang lalim ng butong hininga mo" Sabi nito na seryoso this time nakatingin ito sa akin ako nakayuko lang.
Umiling lang ako, "Sige pag ready na kayo ni Marian magsabi nandito lang ako makikinig sa inyo, kilala ko kayo kaya alam ko kung may problema kayo" Sabi nito napatingin ako dito, kilalang kilala talaga niya kami.
Humawak ako sa braso nito, "Masaya ka ba pag kasama mo si She?" Seryosong tanong ko dito.
Kumunot naman siya dahil sa tanong ko, pero sumagot naman ito " Oo naman, masayang masaya" Nakangiting sagot nito na ikinangiti ko.
"Kaya gagawin mo ang lahat para sa kanya, pero paano kung ang makakabuti sa inyo ay ang paghihiwalay niyo, i mean yun yung tangging paraan para maproktektahan mo siya?" Tanong ko dito.