Love- 39

149 4 2
                                    

Ada's POV

"What Daddy?" Tanong ko dito at napataas ang boses ko.

"Ano kasal at my goodness si Arjay pa talaga, no!" Tutol ko.

"Ada naman" Si Mommy naman.

"Mom look diba may deal tayo akala ko ba okey tayo dun, ako na lang okey lang niready ko ang sarili kong ikasal sa taong di ko gusto, pero not my sisters ang brother" Pagmamakaawa ko dito.

Gusto nilang ipakasal si Arjay sa Cara na yun, no way ayoko siyang maging sister-in-law I don't like her, tsaka seryoso ang bata pa ni Arjay ikakasal agad, di ako papayag poprotektahan ko ang mga kapatid ko.

"Pero para ito sa Company" Sabi ni Daddy.

"Para sa Company, paano naman kami Daddy?" Pagrereklamo ko, dito naiiyak ako dito.

Natahimik sila, "Pupunta na ako ng room ko" Pagpapaalam ko sa mga ito.

Nakakainis bakit ba sa lahat ng pwedeng ipagkasundo sa kapatid ko yung krung krung na yun, ayoko sa kanya spoiled brat, ginagawa ang lahat makuha lang kahit pa makasakit ng ibang tao nakakainis lang talaga.

Tsaka ano pang silbi ng pakikipagdeal namin sa kanila na kami ang pipili ng gusto namin makasama habang buhay kung in the end sila pa din ang susundin.

"Hay nakakainis" Hinagis ko sa kama yung bag ko, sa sobrang inis.

Para marelax ako napag pasyahan kong magshower, pagkatapos kong mag shower tumunog ang cellphone ko.

"Hello" Sagot ko dito na di tinitignan kung sino ang tumatawag.

"Yow" Bati nito napangiti ako ng marinig ang boses niya.

"O Drew?" Bati ko dito.

"May ginagawa ka, samahan mo ako" Aya nito or must I say utos nito.

"At bakit naman aber?" Namewang pa ako na parang nakikita niya ako.

Tumawa ito sa akin, "Tss, dali na kasi please" Sabi nito at parang nakikinita ko na nagpuppy eyes pa ito.

Natawa naman ako, "Fine!" Pagsuko ko dito.

"Yun O, sige susunduin kita diyan" Sabi nito sabay end ng call.

Napailang lang ako, simula nun sa exhibit niya naging mag kaibigan na kami.

Nag ayos ang kasi baka dumating na yung makulit na nilalang.

Nag plain yellow blouse at jeans na terenuhan ko lang ng flat shoes.

"Ada may bisita ka" Tawag ni Nanay Minda ang Nanny namin ng mga kapatid ko simula sa akin at kay Arjay kaya parang pamilya namin ito.

"Naks, dalaga na ang Ate Ada ko" Biro nito sa akin.

"Nanay talaga friends kaya kami nun no more no less" Pagdedepensa ko dito.

"Sus, sabi mo e! Pero diyan nag simula ang Nanay at Tatay ko" Biro nito at sabay labas ng pinto.

Napailang lang ulit ako, dinampot ko lang yung bag ko at bumaba na, nakita ko ito nasa labas na prenteng nakasandal sa kotse niya at nakapamulsa pa, naka yellow polo shirt siya terno kami parehong yellow, nakashades pa ang lolo mo ang gwapo talaga nito kakainis.

Ng makita niya ako ngumisi ito di niya na alam ang ngiti, laging nakangisi nakakainis din minsan.

"Lagi kang nakangisi" Sita ko dito na nakakunot noo pa sa kanya.

"Bakit ang sungit mo" Tatawa tawang sabi nito at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse.

Pagkapasok namin ay nag aasaran na naman kaming dalawa, lagi na lang set up namin dalawa.

What is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon